Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Devil's Desire

The Devil's Desire

"In exchange for your brother's freedom-- marry me!" Pinangarap niya ang magpakasal sa isang lalakeng mahal niya at mahal siya pero dumating sa punto na kinailangan niyang isantabi ang pangarap na iyon at pikit-matang pakasalan si Leandro Montenegro, ang lalakeng binansagang 'HALIMAW' ng mga tao sa kanilang baryo, hindi lang dahil sa malaking peklat nito sa mukha kundi dahil sa masamang ugaling meron ito. He is arrogant, manipulative and heartless! Labag man sa loob niya, wala siyang magagawa dahil iyon ang hiniling nitong kapalit para palayain ang kapatid niyang may malaking pagkakasala rito. Ang pakasalan ito! Iyon na ba ang simula na maging impyerno ang buhay niya? O iyon ang magiging daan para mahanap niya ang lalakeng pinapangarap niya?
Romance
10121.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Babysitter's Hot Deal with the Jerk

Babysitter's Hot Deal with the Jerk

Inosente. Birhen. Santo. Ilan lamang iyan sa mga katangiang mayroon si Coreen kaya naman madalas siyang pagkaisahan ng mga tao sa paligid niya. Nang pagbintangang kabit ng kaniyang amo ay walang-awang pinatalsik sa trabaho at laglag ang balikat at nakayukong lulugo-lugong naglakad sa kalsada. Dahil sa tadhana ay natanggap siya sa isang bagong trabahong hindi niya inakalang papasukan; ang maging maid ng isang arogante, barumbado, bastos at masungit na si Royce Sullivan dahil na rin sa pangakong malaking sahod. Isang misteryosong lalaki na ayaw ng human contact at literal na nagtayo ng isang malaking salamin sa pagitan nilang dalawa. Ngunit bakit nga naman hindi lalaki ang sahod kung sa unang araw pa lamang ay halos humiwalay na ang kaluluwa niya sa inis sa binata? Idagdag pa na sinamantala ni Royce ang kaniyang kahinaan at inalok siya ng isang deal para mabayaran ang operasyon ng kaniyang kapatid. Pero paano kung madarang siya? Paano kung magustuhan niya ang ginagawa? Paano kung... maging pangahas siyang hawakan ang binata at tawirin ang espasyo na naghihiwalay sa kanila? Ang kaniyang ka-inosentehan kapalit ng malaking halagang hindi niya matatanggihan. Puri, dangal at yamang itinataglay ay iaalay ba sa lalaking ni hindi siya man lamang magawang hawakan nang hindi nakasuot ng gwantes?
Romance
107.0K viewsCompleted
Read
Add to library
LOVE BEYOND TRADE

LOVE BEYOND TRADE

Baon sa utang at lulong sa casino, ang desisyon ng kanyang ama ay ipagpalit ang kanyang nakababatang kapatid na babae para sa isang contract marriage sa anak ng pinuno ng kanyang pinag-utangan. At upang mailigtas ang kanyang nakababatang kapatid na babae, napilitan si Claire Mariano na palitan ang posisyon ng kanyang kapatid at pakasalan ang susunod na lider ng pamilya ng mga Navarro, si Javier Zen Navarro. Ngunit paano kung higit sa malaking halaga ng pera ang puno’t dulo ng kontrata na ito? Paano kung sa likod nito ay isang sikreto ang nag-uugnay sa mga Mariano at Navarro? Magagawa kaya ng kontrata na pag-ugnayin ang dalawang pusong sangkot sa madilim na katotohanan? O’ ito ang magsisilbing mitsa sa isang malaking gulo sa pagitan ng kanilang pamilya?
Romance
9.96.8K viewsOngoing
Read
Add to library
ONCE UPON A TIME

ONCE UPON A TIME

dark_writerz
"Lapastangan!"galit na wika ni haring Dracon at sinampal ng napakalakas si Veska "Patawad,ngunit mahal ko siya." Pangangatuwiran parin ni Veska. "Hindi mo pwedeng mahalin ang isang mababang uri na katalud niya!!! Siya ay alipin ng ating lahi! Isang malaking kahihiyan ito sa lahat!"madiing wika ng Hari. "Kahihiyan? Kung ganoon kahihiyan din ba ang batang dinadala ko sa aking sinapupunan ngayon?! Wika ni Veska halos lumubog sa galit ang hari sa kanyang narinig. Hindi tanggap ng Hari na isang alipin lamang ang mapapangasawa ni Veska. Ayon sa kanya isang malaking kahihiyan sa kanilang angkan na ang isang prinsesa o Prinsepe ay makikipag-isang dibdib sa isang mababa ang uri o ang tinuturing nilang alipin. Kumbaga isa lamang itong batas na ayaw suwayin ng hari.
105.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Naughty Young Wife (Filipino)

My Naughty Young Wife (Filipino)

Dahil sa utang-na-loob ay pinakasalan ni Amber ang apo ni Don Fidel Salvatore na si Phil Salvatore, ang acting CEO ng Salvatore Conglomerate. At dahil naman nakalagay sa last will and testament ng kanyang lolong may sakit na mapupunta lamang kay Phil ang mga ari-arian nito at pati na rin ang malaking shares nito sa kompanya kung pakakasalan niya si Amber na anak ng pinagkakatiwalaang secretary ng mga magulang niya kaya niya pinakasalan ang dalaga. Dalawang taong magkaiba ng mundong kinagisnan ang magsasama sa iisang bubong bilang mag-asawa. Matutunan kaya nilang mahalin ang isa't isa sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad at pagkakaiba ng kanilang mga ugali? Mabago kaya ng isang babaeng masayahin at kuwela ang isang lalaking seryoso sa buhay at tila hindi marunong umibig? O mauuwi lamang sa paghihiwalay at hindi pagkakaunawaan ang kanilang kuwento?
Romance
10242.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Blooming Season (Russo #1)

Blooming Season (Russo #1)

Isang Half Irish-filipino na dating mayaman ngunit naghirap dahil sa malaking pagkakautang ng kaniyang ama sa isang kilalang pasugalan. Nawala ang lahat ng yaman na meron sila at walang nagawa kundi ang umalis sa malaking mansyon na kaniyang kinalakhan dahil may ibang tao na ang bumili. Bata pa lamang siya ay kinailangan na niyang tulungan ang kaniyang ina na magtinda ng mga gulay sa palengke habang nakakulong ang kaniyang ama dahil sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na bisyo. Hanggang senior high school lamang ang kaniyang natapos dahil sa matinding hirap at sa laki ng kanilang gastusin sa pang-araw-araw. Kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral para makahanap ng trabaho upang may pangtustos sa pag-aaral ng kaniyang dalawang kapatid. Kahit anong klaseng trabaho ang tinatanggap niya para lang magkapera. Akala niya ay doon lang tumatakbo ang kaniyang buhay sa mga trabahong tinatanggap niya, hanggang sa may mapulot siyang pitaka na naglalaman ng malaking halaga. At dahil napalaki siya ng maayos ng kaniyang Mommy ay ibinalik niya sa isang kompanya ang pitaka kung saan nagtatrabaho ang taong nakahulog nun. Lingid sa kaniyang kaalaman ay doon na pala magsisimulang magbago ang kaniyang buhay. Dahil ang taong nagmamay-ari ng pitaka ay walang iba kundi ang pure Italian na bilyonaryo at kilala sa buong bansa na gwapo, hot at masungit na business tycoon at may kulay-langit na mga mata. Si Azzurro Cielo Russo.
Romance
787 viewsOngoing
Read
Add to library
Emergency couple series 1

Emergency couple series 1

Leeanna89
Isang malaking kalokohan ang ikasal sa lalaking nakasalubong lamang niya sa daan, Ngunit mas malaking kalokohan ang mag karoon ng feellings dito lalo pa't isang kasunduan lamang ang kanilang kasal. Dalawang karelasyon niya ang nag run away Groom sa araw mismo ng kanilang kasal kaya naman galit na galit ang ama niyang si Don Emilio dahil sa pag kakakaladkad sa kahihiyan ng kanilang pamilya. Sa pangatlong pagkakataon ay muling naulit ang tila sumpa sa buhay ni Sam kaya dahil sa takot na muling madissapoint ang kanyang Ama ay Napilitan siyang mag pakasal sa isang lalaking hindi niya lubos na kilala. Maging happy ending kaya ang lovestory niya sa piling ng lalaking pinili niyang pakasalan? All Rights Reserved Copyrights © 2020 by LEEANNA89
Romance
103.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Owned By The Mob Boss

Owned By The Mob Boss

"Kailangan mo ng pera; kailangan ko ng asawa." Si Peony Sinclair, isang workaholic na babae, ay nakilala si Mattia Luigi D'Amato, isang kilalang boss ng mafia na may madilim na sikreto. Habang si Peony ay nagtatrabaho nang husto para mabayaran ang ospital bills ng kaniyang ama, si Luigi ay busy sa pakikipagtalik sa iba't-ibang babae at pagtapos ay babawian niya ang mga ito ng buhay. Sa patuloy na pag-angat ng gastusin sa ospital, kinakailangan ni Peony ng malaking halaga ng pera. Sa kaniyang desperasyon, natagpuan niya ang sarili sa isang auction matapos siyang lokohin ng isang babae na nangakong magbigay sa kan'ya ng magandang trabaho at malaking sahod. Magiging simbolo ba si Peony ng pagbabago para kay Luigi, o haharapin niya ang parehong kapalaran ng ibang biktima ni Luigi?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Still into you (Book 2 of Still holding on)

Still into you (Book 2 of Still holding on)

Upang maitaguyod ang pangangailangan nilang mag-ina, lahat ng paraan ay ginawa ni Anna nang pumasok siya sa mundong hindi niya nakasanayan—ang Manila. Lahat ng klase ng raket ay pinasok niya—basta marangal at kikita siya rito. Hindi iniinda ang pagod dahil ang mahalaga lamang sa kaniya ay matugunan ang pangangailangan nila ng anak, lalo't single mom siya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili lamang niya. Subalit ang pagiging ina niya'y sinubok nang isang araw ma dengue ang kaniyang anak at kailangan niya ng malaking pera. Isang kaibigan ang nagbigay ng raket sa kaniya na may malaking suweldo. Ang hindi niya aakalain ay dahil sa raket na iyon ay muli silang magkikita ng lalaking iniibig niya. Si Brett Valle. Ang ama ng kaniyang anak. This story is book two of Still Holding On.
Romance
106.3K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE

THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE

iamsimple
Dahil sa utang-na-loob ay pinakasalan ni Amber ang apo ni Don Fidel Salvatore na si Phil Salvatore, ang CEO ng Salvatore Conglomerate. At dahil naman nakalagay sa last will and testament ng kanyang lolong may sakit na mapupunta lamang kay Phil ang mga ari-arian nito at pati na rin ang malaking shares nito sa kompanya kung pakakasalan niya si Amber na apo ng matalik na kaibigan ng kanyang lolo kaya niya pinakasalan ang dalaga. Dalawang taong magkaiba ng mundong kinagisnan ang magsasama sa iisang bubong bilang mag-asawa. Matutunan kaya nilang mahalin ang isa't isa sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad at pagkakaiba ng kanilang mga ugali? Mabago kaya ng isang babaeng masayahin at kuwela ang isang lalaking seryoso sa buhay at tila hindi marunong umibig? O mauuwi lamang sa paghihiwalay at hindi pagkakaunawaan ang kanilang kuwento?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123456
...
38
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status