Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
10991 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 30 kali sebagai malayang pilipino
Baca
+Pustaka
THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER

THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER

Dalawang sikreto ang bumabalot sa kasal ni Elle. Una, kailanman ay hindi siya tinanggap ng pamilya Cortez bilang manugang. Bago pa man ang kasal, niloko ng buong pamilya si Brandon para pirmahan ang divorce agreement nang hindi nito alam. Pitong taon lang ang itinakda para sa pagsasama nilang dalawa. Pangalawa ay palihim siyang nagsilang ng anak na babae nang hindi nalalaman ni Brandon. Sa loob ng pitong taon ng pagsasama, ni minsan ay hindi nalaman ng lalaki na mayroon siyang limang taong gulang na anak. Akala ni Elle ay sapat na ang pitong taon para lumambot ang puso ni Brandon. Akala niya, darating din ang araw na mamahalin siya nito kahit kaunti. Pero tatlong buwan bago magkabisa ang divorce agreement, saka niya nalaman ang pinakamasakit na sikreto. May ibang babae sa puso ni Brandon. At ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Janica, ang itinuring nitong nakababatang kapatid noon. Parang isang nakakatawang biro ang pitong taon niyang paghihintay. Pitong taon ng pagpapanggap na masaya. Pitong taon ng pagmamahal na siya lang ang may dala. Tahimik na napangiti si Elle, pero wala nang init ang mga mata niya. Para na lang iyong abo matapos masunog. Hindi na rin niya binalak sabihin kay Brandon ang tungkol sa anak nila. Tutal, malapit na rin namang matapos ang lahat. Mas mabuti nang tuluyan na siyang mawala sa buhay nito. Malayang ibabalik niya ang pagiging asawa. At pati pagiging ama ay hindi na rin niya ipagpipilitan pa.
158 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 6 kali sebagai malayang pilipino
Baca
+Pustaka
DESPERATE MOVE

DESPERATE MOVE

“WARNING! MATURED CONTENT! Read at your own risk…” “Masaya na ako sa isang payâk na pamumuhay, makatapos ng pag-aaral ang isa sa mga pangarap ko. Ngunit, paanong nasadlak ako sa isang kasalanan na hindi ako ang may gawa?”- LOUISE Louise Howard- isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay, lumaking may takot sa Diyos at busog sa pangaral ng magulang. Babaeng busilak ang kalooban na sinamantala ng kaibigang mapanlinlang. Nagising na lang si Louise na siya na ang sinisisi ng lahat sa nangyaring aksidente. Siya ang sumalo sa galit ng pamilyang Thompson, dahil sa minor de edad pa siya ay hindi nakulong ang dalaga. Ngunit biglang naglaho si Louise at maging ang mga magulang nito ay walang nagawa. Natagpuan na lang ni Louise ang sarili na nakatayo sa harap ng isang lalaking nakaratay sa kama. At bilang kabayaran sa kanyang kasalanan ay personal niyang aalagaan ang binatang naka-comatose. Akala ni Louise ay matatapos na ang delubyo sa kanyang buhay sa oras na magising ang lalaki. Subalit, hindi niya inaasahan na habambuhay pala niyang pagdudusahan ang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa. Habang ang totoong may sala ay malayang namumuhay sa karangyaan. Magawa pa kayang makaalis ni Louise sa poder ng isang lalaking makasarili at tila malaki ang galit sa mundo? O tuluyan na niyang yayakapin ang masalimuot na sitwasyon? Ating subaybayan kung paanong ibangon ni Louise ang kanyang sarili at ibalik ang dignidad na winasak ng taong kanyang pinagkatiwalaan. “DESPERATE MOVE”
1023.3K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 629 kali sebagai malayang pilipino
Baca
+Pustaka
Vengeful Love

Vengeful Love

Pag-ibig o Paghihiganti? Ano kaya ang mas mangingibabaw sa puso nina Vladimir Barameda at Lyka Mendoza pinagtagpo nga ba sila ngunit hindi itinadhana? Si Lyka ay nagtatrabaho bilang executive assistant ng ama ni Vladimir na si Henry ngunit hindi lamang siya basta assistant nito may lihim silang relasyon. Hiwalay na sa asawa si Henry kaya naman unang kita palang niya kay Lyka ay nabighani na siya rito. Hindi pag-ibig ang pundasyon ng kanilang relasyon pareho silang aware sa bagay na ito sadyang maganda lang ang kanilang pagsasama pareho silang may pakinabang sa bawat isa kaya naman namuo ang kanilang malayang relasyon ngunit tutol dito ang anak ni Henry na si Vladimir dahil pilit niyang iminumulat ang isipan ng ama na pera lang nito ang habol ni Lyka sa kanya. Walang alam si Vladimir sa tunay na relasyon ng kanyang ama at Lyka. Lahat ay gagawin niya para magkahiwalay ang dalawa. Pagkamuhi ang nararamdaman niya kay Lyka ngunit mahahaluhan ito ng pagmamahal na hindi niya kayang aminin at tanggapin. Ganun din si Lyka na labis ang poot kay Vladimir dahil sa ginagawa nitong pagpapahirap sa kanya lalo na sa kanyang trabaho. Sa pagkamatay ng ama ni Vladimir ay lalo siyang mamumuhi kay Lyka dahil sa paglilihim nito ng sakit ng ama. Malaking halaga ng kayamanan ang iiwan niya kay Lyka na labis na ikinagalit ni Vladimir. Makukuha lamang ni Vladimir at Lyka ang naiwan na kayamanan ni Henry sa kondisyon ni Henry na kailangan nilang magpakasal at mag sama bilang mag asawa sa loob ng limang taon. Isang pagsasama na nababalot ng pag-ibig at labis na pagkamuhi
104.1K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 130 kali sebagai malayang pilipino
Baca
+Pustaka
Under His Arm

Under His Arm

DreamerIsGood
Pinaghahanap si Jade "De" Martelli dahil sa kasalanan pagpatay sa kaniyang asawa sa 'di alam ng lahat na siya ay rape victim, ang mga magulang ng lalaki at ni Jade ay pinagkasundo sila dahil siya ay na buntis. Pinakasal siya sa lalaking 'di niya gusto, pagkapanganak ni Jade sinabi ng doctor na namatay ang kaniyang anak na dahil sa nangyari na wala sa pagiisip si Jade. Binalak niyang patayin ang kaniyang asawa ngunit 'di ito na tuloy, may mga panahon din na sinasaktan siya ng kaniyang asawa sa physical na pamamaraan dahil sa galit ni Jade nakahawak siya ng baril at pinag-agawan nila ito hanggang sa pumutok na nakatutuk ito sa kaniyang asawa. Maraming kaibigan si Jade kaya nakatakas siya nagpalipat-lipat siya ng lugar sa kaniyang mga kaibigan na nakatulong ito para malayang mamuhay si Jade. Nagpaiba-iba din siya ng trabaho para sa kaligtasan niya. Isang araw sa isang club na pinagtatrabahoan ni Jade may mga pulis na dumating para maginspection. Nakaramdam ng panic si Jade kaya na bangga niya niya si Lucian "Luc" Greco na isang Mafia, mayaman siya, maraming connection, at negosyo. Humingi siya ng tulong dito na agad naman pumayag na hindi man lang nagdalawang isip pagkatapos ng tulong na ibinigay ng lalaki umalis din si Jade na simula noon lagi na silang nagkikita sa mga 'di inaasahang lugar hanggang sa hinahanap hanap na siya ng lalaki 'di nagtagal inalok siya na maging Fiancée nito para maprotektahan siya mga gustong humuli sa kaniya pero may mga kondesyon silang dalawa para maprotektahan nila ang kanilang sarili sa tukso ng pagibig. Ang lalaki kayang ito ang magpoprutekta sa kaniya, at mamahalin siya sa katagalan?
10941 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 21 kali sebagai malayang pilipino
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
12
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status