Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Hidden Wife

The Billionaire's Hidden Wife

SAMPUNG TAON... Ganoon katagal nitong minahal si Noah hanggang umabot sa puntong naging parte na ito ng buhay niya. Wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang lalaki at kung kailan akala nito ay magiging masaya na sila sa piling ng isa't isa ay kailangan na pala nitong magising sa mahaba at masarap niyang panaginip. "Finally, matatawag ko na ring Nicole Saavedra ang aking sarili nang walang halong pag-aalinlangan. Siguro oras na para anihin ko ang bunga ng pagsisikap ko bilang butihing maybahay ni Noah," aniya saka napangiti sa kinatatayuan. Dalawang taon ang lumipas magmula nang ikasal si Nicole sa bilyonaryong apo ng lalaking kumupkop at nagpalaki sa kaniya. Hindi masukat ang tuwang naramdaman ng puso niya nang mga oras na iyon hanggang sa alukin siya nito ng isang kasunduang maghihiwalay sila pagkatapos ng tatlong taon oras na manatiling walang apoy ang kanilang pagsasama. Sa kabila noon, ginawa ni Nicole ang lahat upang maging mabuti at mapagmahal na asawa habang hindi rin naman ito nagkulang na iparamdam sa kaniya ang prebelihiyo bilang misis nito. Muntik na nga nitong makalimutan ang kasunduan dahil naramdaman niyang tunay na ang ipinapakita nila sa isa't isa. Ngunit sa kaniyang kaarawan, isang annulment paper ang natanggap nitong regalo mula sa asawa. Dahil sa malungkot na balita ay nawalan siya ng lakas ng loob na sabihin ang tungkol sa anghel na nasa kaniyang sinapupunan. Sinubukan nitong alamin ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng asawa hanggang sa tuluyang gumuho ang mundo niya nang malamang balak palang balikan ni Noah ang babaeng muntik na nitong pakasalan five years ago. Magagawa niya kayang iwan si Noah kung wala siyang ibang minahal sa tanang-buhay niya kung hindi ito lamang? Paano kung kailangan niyang maging lihim na asawa nito kapalit ang pananatili at pagiging responsable nitong ama sa kaniyang ipinagbubuntis?
Romance
106.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status