ANG PIYAYA NI PIPAY
"Sige, sige. Baka nga naman yan ang ticket ko sa pagiging viral."
Bigla akong tumayo, puno ng energy. "Okay, boys, trabaho tayo! Tristan, mag-ready ka ng delivery uniform. Lucas, gawan mo na ako ng promo banner. Rafael, ikaw na bahala sa next video ko. Tapos lagyan mo ng tagline: ‘Ang Piyaya na May Pagmamahal!’"
"Yes, boss Pipay!" sabay nilang sabi, halata sa mga mukha nila na hindi nila alam kung matatawa o maiinis.