Ang Maalindog Kong Amo!
Ang unang sumalubong sa akin ay ang nakatutulig na tibok ng sarili kong dibdib at ang nakasakal na amoy sa loob ng silid.
Ang amoy ng kasalanan.
Ito ang pinaghalong halimuyak ng mamahaling pabango ni Erwin Demetrio, ang pait ng kaniyang pagnanasa, at ang malapot, malinamnam, at nanunuot na amoy ng aming mga katas na natuyo na sa ibabaw ng aking nagusot na kumot.
“Ugh...” Isang mahinang daing ang kumawala sa aking tuyong lalamunan nang subukan kong ikilos ang aking katawan.