กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Loving The Lost Billionaire

Loving The Lost Billionaire

Mabait, mayaman at maganda, ganyan ang tingin ng buong mundo kay Charlize Elizabeth Sandejas o Charlie, ang tagapagmana ng Sandejas Shipping Lines. Nasa kanya na ang lahat maliban sa isang bagay-- ang puso ni Gael Estrada, ang ulilang lubos na tinulungan noon ng kanyang mga magulang at ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal. Thinking he doesn't want her because of their differences in life, Charlie had spent the last three years of her college life trying to unlove and forget him. Subalit muling bumalik si Gael sa buhay niya bilang kanyang bagong bodyguard. Sa pagkakataong iyon, nagtapat si Gael sa tunay nitong nararamdaman na siya lang ang pinakamamahal nito at wala nang iba. Nang maipit si Charlie sa isang kasunduang hindi naman niya talaga ginusto, lihim siyang nagpakasal kay Gael at nagpakalayo-layo. At nang akala niya maayos na ang lahat sa piling ng kanyang mahal, bigla na lamang siyang iniwan ni Gael sa panahong kailangang-kailangan niya ito. Makalipas ang halos limang taon, muli silang nagkita ni Gael. He is now a billionaire but doesn't have any memory of her. He wants two things from her, her signature on their divorce papers and her company's closure. Papayag ba siya sa gusto ni Gael nang gano'n-gano'n na lang gayong ito ang unang nanakit at nang-iwan sa kanya? Paano niya lalabanan ang galit sa kanya ng dating asawa na hindi niya alam kung saan nagmula? At higit sa lahat, paano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanilang anak na bunga ng minsan nilang pagmamahalan na hindi naman nito maalala
1023.3K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 652 ครั้งในชื่อ memory pictures quotes
อ่าน
+ห้องสมุด
PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC

PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC

RISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Dos - PISCES Free Phillian Zodiac is a frustrated painter and a full-time fisherman. Mula gabi hanggang madaling araw ay nasa gitna ito ng karagatan kasama ang mga tauhan para mangisda, at sa umaga naman ay tulog at nagtatago sa araw. In the afternoon, when the sky is red, he would go out of his room and sit on his veranda overlooking the mountains and the sea, and from there, he would start painting. He paints everything his eyes could see, and not a lot of people know this. Isang hapon, habang nasa veranda siya ng kaniyang silid at ipinipinta ang karagatan ay may nakita siyang palutang-lutang na kahoy sa dalampasigan. Using his binoculars, he learns that it isn't just a piece of wood but a raft with a person on it. An unconscious--probably almost dead person who might need some help. Naisip niyang baka isa iyon sa mga mangingisdang nagkaroon ng aksidente sa gitna ng karagatan. At dahil siya ang nakakita ay responsibilidad niyang tulungan ang taong iyon, lalo at nasa bahagi ito ng beach na pag-aari na ng pamilya niya. Nang marating niya ang baybayin ay saka niya napagtantong hindi mangingisda ang naroon, but a woman wearing a bridal gown. Nakadapa ito at nanginginig sa lamig. He saved her and brought her to his place. His female assistant nursed her, and when she woke up the next morning, she claimed to have no memory of the night before. Naisip niya na maaaring nagka-trauma ito kaya nalimot ang nangyari, pero anong gulat niya nang magkaharap sila sa unang pagkakataon ay bigla siya nitong pinagmumumura at binato ng kung anu-anong madampot nito. Odd, but she knows him, and she is furious at him. Bakit daw hindi siya sumipot sa kasal nila? Like, what the f*ck?
1010.6K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 223 ครั้งในชื่อ memory pictures quotes
อ่าน
+ห้องสมุด
Billionaire One Night Stand with the Saleslady

Billionaire One Night Stand with the Saleslady

Si Jela ay isang simpleng saleslady na nagtatrabaho sa isang high-end na department store. Sanay na siya sa simpleng buhay, tahimik, iwas sa gulo at paulit-ulit na routine sa buhay—trabaho, bahay, ulit. Iwas siya sa mga katrabaho upang maiwasan ang mga intriga sa kanyang buhay. Gusto niyang panatilihing lihim ang kanyang buhay, lalo na pagkatapos ng isang gabing pagkakamali at nagbunga ang kapusakang iyon. Si Jupiter ay kilala sa kanyang malupit na taktika sa negosyo, ngunit kulang ang kanyang personal na buhay. Pagkatapos ng nakaka-stress na meeting sa kumpanya, naisipan niyang pumunta sa luxury bar. He spends a passionate night kasama ang isang kaakit-akit na babae. Sa isang gabi ng kapusakan, walang pangalan, walang contact details ang mayroon sila sa isa't isa. He can't shake the memory of their night together. Bigla kasi siyang na-attach sa babae mula sa 'di malilimutang gabi. Pursigido siyang hanapin ang misteryosong babae na humatak sa kanyang puso. Habang iniimbestigahan niya kung sino ang babaeng iyon, hindi niya akalaing nasa paligid lang pala ito. Na-recognize niya ang isang pabango na katulad sa pabango ng naka-one night stand niya. Pabango ng isang saleslady na nagtatrabaho sa pagmamay-ari nilang department store. Habang lumalalim ang koneksyon nila, lalo pang lumalaki ang mga sikreto, mga intriga, at mga hadlang sa kanilang dalawa, lalo na ang malaking agwat sa estado ng buhay nila. Ngayon, kaya ba nilang panindigan ang isang pagmamahalan na nagsimula sa isang gabing pagkakamali? Puso ba ang pipiliin o katahimikan para sa lahat?
109.9K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 286 ครั้งในชื่อ memory pictures quotes
อ่าน
+ห้องสมุด
The Mafia's Fake Wife (SPG)

The Mafia's Fake Wife (SPG)

SPG | R-18 Sa edad na bente cuatro ay isang licensed agriculturist na si Hera at nagtatrabaho para sa bayan nila. Magisa na lang siya sa buhay, ngunit sinusuportahan siya ng ama niyang gobernador kahit na tagong anak lang siya. Tanging ang puno, lupa at mga hayop lang ang bumubuo sa kaniyang mundo. Not until she becomes a witness to a murder, an event that shatters her peaceful existence. Nasaksihan niya ang isang karumal-dumal na pagpatay ng isang nakamaskarang salarin malapit sa tirahan niya. Plano rin siyang patayin ng killer, ngunit naunahan niya ito. Isang desperadong hampas niya lang ng pala niya sa ulo nito, ay naging duguan ito at nawalan ng malay. Akala niya ay makukulong din siya, kaya tinawagan niya ang ama niya. That's when she find out that the man was actually a dangerous mafia. Isang mafia lang naman ang kinalaban niya! At higit sa lahat, ay hindi raw ito magigising agad dahil na-comatose ito. Upang makaligtas mula sa iba pang masasamang tao na siguradong maghahanap sa lalaki, ay sinunod ni Hera ang utos ng kanyang amang gobernador— “Hide him. Keep him alive. Never ask why.” He becomes her darkest secret—but not forever. After a year, the man awakens with no memory of who he is. Sa takot na mapatay siya nito ay naghasik si Hera ng isang delikadong kasinungalingan— “Ako ang asawa mo.” As the days passed by, the man craves her touch, while she prays he’ll never regain his memories. Kakayanin niya ba ang bawat nagaalab na haplos ng lalaking kinatatakutan niya? Hera thought that her lies would save her forever, pero paano kung bumalik ang memorya ng lalaki?
425 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 12 ครั้งในชื่อ memory pictures quotes
อ่าน
+ห้องสมุด
The Billionaire's Forgotten Seed

The Billionaire's Forgotten Seed

"He lost the memory of that fateful night to the shadows. Little does he know, that forgotten encounter left behind a heartbeat he never expected to hear." Isang gabi lang ang kailangan para magbago ang mundo ng pianist na si Aria Santos. Isang gabi sa piling ng mailap at makapangyarihang bilyonaryo na si Xavier Knight. Pero bago pa masundan ang kanilang mainit na pinagsamahan, isang malagim na aksidente ang bumura sa lahat—pati na sa pangalan ni Aria sa alaala ni Xavier. Limang taon ang lumipas. Si Aria ay hindi na ang mahinang babaeng basta na lamang tinalikuran. Siya ay naging isang matatag na single mother at isang hinahangaang pianist. Pinalaki niya ang kanyang anak na si Axel nang mag-isa, bitbit ang dignidad at ang pangakong hinding-hindi na muling aasa sa lalaking nakalimot sa kanila. Ngunit sa isang marangyang anniversary event ng Knight Industries, muling magtatagpo ang kanilang mga landas. Habang ang bawat nota ng piano ni Aria ay bumibihag sa puso ng mga panauhin, isang aksidenteng pagkabangga sa hallway ang magaganap sa pagitan ng bilyonaryo at ng isang limang taong gulang na batang lalaki. Sa isang sulyap, napatigil ang mundo ni Xavier. Ang batang nasa harap niya ay hindi lang basta estranghero—ito ay ang kanyang "carbon copy." Mapapanatili ba ni Aria ang kanyang pader ng pagtanggi, o sadyang ang dugo na ang maghahanap sa sarili nitong pinagmulan? Sa mundong puno ng sikreto at kapangyarihan, hanggang saan kayang protektahan ng isang ina ang kanyang anak mula sa lalaking kinalimutan sila, ngunit ngayon ay pilit na bumabalik para angkinin ang lahat?
344 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 13 ครั้งในชื่อ memory pictures quotes
อ่าน
+ห้องสมุด
MY ASSASSIN WIFE

MY ASSASSIN WIFE

Pahayag ng May-akda: Lahat ng ito ay isang kathang-isip lamang, kung may mga pangalan, lugar o taong magkatulad sa bida nitong kwento ay hindi sinasadya. -May-akda: Inday Stories. Sky POV HABANG. Habang nasa loob ako sa aking silid ay paulit-ulit kong pinanood ang mga videos ng aking pamilya. Kung may makakita lang sa akin ay sasabihin 'para kang baliw' dahil tumatawa at umiiyak habang pinanood ko itong mag-isa. "Mama, Papa, Bunso! Miss na miss ko na kayong tatlo!" sabi ko habang nakatingin sa TV. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na sila. Sariwa pa rin sa aking isipan kung paano sila namatay na wala akong magawa. Hanggang natapos ang pinanood ko saka ko naman kinuha ang isang memory card may nakadikit na maliit na papel 'TRUE IDENTITY' -dahil sa aking curiosity ay agad ko itong sinalang sa aking laptop upang mapanood ko ang laman dito. "Anak, kung napanood mo ito ay siguradong may masamang nangyayari sa aming ng Mama mo. Kung sakaling may taong maghahanap o magtatanong kailangan mong itago ang tunay mong pagkatao. Ayaw namin ng iyong Ina na ikaw ang papalit sa kanyang trono bilang isang Mafia, ayaw kong matulad ka naming na maraming napatay na tao o ha-huntingin ka ng mga kalaban namin noon. Ito ang tunay na pagkatao namin anak. Ako at ang iyong ina ay anak ng isang makapangyarihang tao ang iyong ina ay isang prinsesa ng mga Mafia at kalaban namin sa aming organisasyon na kinabibilangan ko. Isa ako anak ng ikatlong Mafia sa Dark Moon, naging hadlang ang iyong Lolo ama ng iyong Ina kung kaya't nagtago kami at bumaba ako bilang isang Mafia prince upang mamuhay nang simpleng mamamayan ganoon rin ang iyong Ina.
7.930.8K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 677 ครั้งในชื่อ memory pictures quotes
อ่าน
+ห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
789101112
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status