Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Last Vampire Chronicles TAGALOG

The Last Vampire Chronicles TAGALOG

Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira. Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira. Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito. Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...
1021.1K viewsCompletedAdded to Library 589 Times as mga pang uri
Read
+Library
I'm The Only Human Who Entered The Night Academy

I'm The Only Human Who Entered The Night Academy

Yami Sukehiro
Ang isang taong nakayanang pumasok sa school ng mga bampira. Isang taong kailan man ay hindi natakot sa mga bampira. Isang taong makakapagbago sa tingin ng bampira sa mga tao. "A human who was entered the Vampires School"
103.5K viewsOngoingAdded to Library 112 Times as mga pang uri
Read
+Library
Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Mr. Noi
Si William Styles, isang tipikal na cute na binatilyo ay namumuhay ng payapa at normal na buhay gaya ng iba hanggang sa isang insidente ang nagpasindak sa kanyang buong pagkatao. Sa hindi inaasahang pagbabagong ito sa kanyang buhay, nakahanap siya ng bagong tahanan, mga kaibigan, at isang usbong ng pag-ibig sa grupo ng mga taong lobo na may dilaw na mata. Pangil sa pangil at kuko sa kuko ay kung paano nila labanan ang kanilang mga kaaway, ang mga taong lobo na may pulang mata. Isang gabi, isang nakakatakot na pangyayari ang naganap. Umagos ang sariwang dugo sa bundok at nagkalat ang mga bangkay sa kagubatan. Magagawa ba nilang ipaghiganti at protektahan ang kanilang mga mahal sa buhay sa ilalim ng pulang buwan?
101.9K viewsOngoingAdded to Library 47 Times as mga pang uri
Read
+Library
The Billionaire's False Secretary

The Billionaire's False Secretary

Dahil sa kahirapan, mapipilitan na pumasok si Apolonia Marquez sa isang kasunduan nang alukin siya ng isang mayamang estranghera ng tulong pinansiyal upang maoperahan ang kanyang ama na may sakit sa puso. Ngunit kapalit niyon ay kailangan niyang gawin ang apat na sikretong misyon, isa na roon ang maging sekretarya ng pamangkin nitong bilyonaryo. Nakasaad sa kasunduan na kailangan niyang magawa ang apat na misyon, kung mabibigo siya ay kailangan niyang bayaran ang lahat ng nagastos ng ginang. Dahil wala siyang ibabayad dito ay ginawa ni Apol ang lahat upang magawa ang mga iyon kahit pa nga masungit, istrikto at may pagka-aloof ang kanyang amo. Tila umaayon naman ang pagkakataon at nagtatagumpay ang dalaga sa nakasaad sa kasunduan, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya namalayan na sa closeness na mayroon sila ay nahuhulog na pala ang loob niya sa mismong tao na subject sa kanyang misyon. Masarap sanang mangarap. Pero hindi sa katulad niya. Bukod sa malayo ang agwat ng kanilang estado ay hindi talaga siya nababagay rito dahil kahit na sabihin pang totoo na ang malasakit, pati na ang nadarama niya para sa binata ay hindi pa rin maikakaila na parte pa rin ng kanyang misyon ang mapalapit dito. Sabi nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag, paano na siya kapag nalaman nito ang tungkol sa kanyang sikreto na ito mismo ang kanyang misyon?
103.8K viewsOngoingAdded to Library 128 Times as mga pang uri
Read
+Library
THE CEO ONE NIGHT STAND

THE CEO ONE NIGHT STAND

Akala ni Yallah Cruz, nahanap na niya ang perfect love at ang taong para sa kanya—ang boyfriend niyang si Clark Gray. On their 2nd anniversary, she planned to surprise him at ibibigay niya ang ultimate gift: ang sarili niya, ang kanyang innocence, at ang buong puso niya. Pero cruel ang tadhana. Sa halip na masayang welcome, nahuli niya itong may kahalikan at kasiping na ibang babae. Brokenhearted at sobrang nasaktan, tumakbo palayo si Yallah at nilunod ang sarili sa alak para lang makalimot sa sakit. Dahil sa kalasingan at labis na lungkot, kusa siyang lumapit sa isang gwapong estranghero. Lost in her grief and the heat of the moment, nakasama niya ito at nagkaroon sila ng unforgettable night of passion. Akala niya, one night stand lang at hindi na sila magkikita pang muli. Pero ang hindi niya alam... Ang lalaking nakasama niya ay walang iba kundi si Noah Grayson, the son of the big boss at ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Ngayon, under na siya sa kanya. Kilala agad ni Noah ang pabango niya, ang mga mata, at ang katawan niya... "Don't even try to run away, because you can't escape me anymore." Naiipit sa masakit na past kasama si Clark at sa intense obsession ng bagong boss, mapipigilan pa ba ni Yallah ang lalaking nagsasabing sa kanya lang siya? Or will she fall deeply in love with the billionaire who swears to love and protect her forever? Witness the story of love, revenge, and possession habang inaangkin muli ni Noah ang babaeng para sa kanya
10175 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as mga pang uri
Read
+Library
ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Kung saan sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato siya ay napadpad. Habang nasa biyahe ay hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng mga masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na mga pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya. Nanganganib siyang malapastanganan. Subalit sa kabila ng takot ay hindi pinanghinaan ng loob si Rose. Dinala sya ng grupo sa kuta ng mga ito at ginawang bihag. Sa puntong iyon alam niyang nasa panganib ang kanyang buhay lalo na at natipuhan siya ni Horan ang mabagsik na pinuno ng mga bandidong dumukot sa kanya. Napasakamay siya sa pangangalaga ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaking tulisan.
1010.6K viewsOngoingAdded to Library 253 Times as mga pang uri
Read
+Library
Taste Her Vengeance - Tagalog Story

Taste Her Vengeance - Tagalog Story

bluis
Gagawin lahat ni Hanneah Marie Alvarez para mapagbayaran ng pamilyang Ynes ang mga kasamaan na ginawa sa kanyang mga magulang. She’ll do everything to give justice for her parents even if she’ll risk her own life for it. She’s willing to do everything for her parents. Ngunit maisasakatuparan niya pa kaya ang mga balak niya kung may sikreto siyang nalaman mula sa pamilyang Ynes? Ang sikretong kayang ‘yon ang tutulong sa kaniya para makamit ang hustisya para sa mga mga magulang niya? O baka ang sikretong ‘yon ang hahadlang sa kaniya para ituloy ang matagal niya nang inaasam na hustisya?
1020.9K viewsOngoingAdded to Library 834 Times as mga pang uri
Read
+Library
Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Pagdilat ng mga mata ni Aurora mula pagkamatay, parang muling isinilang ang kanyang sarili—anim na taon ang lumipas, wala siyang alaala, ngunit muli siyang nabuhay na may bagong pamilya. May asawa siya ngayon, si Samuel Castillo, isang makapangyarihang CEO na kilala sa kanyang yaman, tapang, at malamig na ugali. Mayroon din silang dalawang anak na siya lamang ang tinatawag na “Mama.” At sa bawat araw na kapiling niya ang kanyang bagong pamilya, lalo niyang nararamdaman ang misteryo at bigat ng bagong mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit sa anino ng kanyang nakaraan, may isa pang lalaking nagtataglay ng kanyang puso—si Lucas, isang makapangyarihang Mafia Boss na minsang minahal ng Aurora bago siya mawalan ng alaala. Para sa nakaraang Aurora, si Lucas ang lahat; ngunit para sa kasalukuyan, tila si Samuel ang pinipili ng kanyang puso, kahit pa puno ng sugat, kapangyarihan, at kontrol ang kanilang relasyon. Magsisimula ang isang laban na hindi niya hiniling—isang tunggalian ng dalawang makapangyarihang lalaki, parehong handang gawin ang lahat upang angkinin siya. Sa gitna ng yaman, kapangyarihan, at pagnanasa, matutuklasan ni Aurora na siya ang magiging gantimpala at sanhi ng isang digmaan ng pag-ibig, pagkasuklam, at pagnanais na maghari sa kanyang puso. Ngunit sa dulo ng lahat, kanino nga ba tunay na kikiling ang kanyang damdamin—sa pagmamahal ng kanyang nakaraan, o sa bagong buhay na pilit bumabalot sa kanya?
102.0K viewsOngoingAdded to Library 56 Times as mga pang uri
Read
+Library
The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)

The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)

AraBella
Si Evina Chen ay isang young career woman na hindi natatakot na suwayin ang mga nakatataas sa kanya lalo na't alam niyang sila ay mali. Itataya pa niya ang kanyang personal na buhay upang ipagtanggol ang kanyang mga kasamahan mula sa mga malulupit nilang boss. Samantala, si Gabriel Yang naman ay isang dominanteng CEO na handang isakripisyo ang lahat para sa kapakanan ng paglago ng kanilang kumpanya. Dudurugin niya ang sinumang maglalakas-loob na humarang sa kanyang daraanan. Kinamumuhian ni Evina ang mga awtoridad. Ayaw naman ni Gabriel sa mga rebelde. Ngunit pareho nilang matututunan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig sa mga bisig ng isa't isa. ***** NOTE: > You can reach me at my FB account po @7arabella7 > Salamat po ng madami sa suporta! Sana po ay magustuhan nyo ang kuwento ni Gabriel at Evina!:*
2.0K viewsOngoingAdded to Library 60 Times as mga pang uri
Read
+Library
MY  SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE

MY SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE

Si Bonita Georgina Martinez aka Borge ay isang scholar student sa High East International University at nagmula sa probinsiya ng cebu. Dahil panganay sa pitong magkakapatid at nagmula sa mahirap na pamilya ay nagsumikap siya. Bukod sa pagiging scholar ay working student din siya. Para makapag- padala ng pera sa kanyang mga magulang at makatulong sa mga ito. Minsan din ay sumasali siya sa mga beauty pageant para may ipangdadag sa kanyang mga pambili ng mga projects. Morena beauty, matangkad at matalino. Dahil sa nag- iisa lang siya sa maynila ay wala siyang masyadong kakilala kundi ang kanyang mga professor at mga kaklase. Dahil sa kapabayaan ng isang tenant ng kanyang bording house na inuupahan ay nasunog ang kanyang tinutuluyan. Kaya naman nang malaman ng isa sa kanyang professor na si Mrs. Trina Cruz ang kanyang sitwasyon ay inalok siya nitong tumira muna sa kanyang bahay dahil wala naman daw siyang kasama sa bahay. Dahil ang kanyang mga anak ay sa condo unit nakatira. Pero hindi niya naman aakalain na ang isang anak nito ay isang sikat na celebrity ng bansa at ang kanyang ultimate happy crush! At nakilala niya ng personal si Kristoff Dale Cruz aka Toffy Cruz ang kilabot ng mga kolehiyala dahil sa galing nitong kumanta at umarte sa harap ng camera. Modelo at endorser ng iba’t – ibang mga sikat na produkto sa bansa. Dahil sa isang kontrobersiyal na kinasangkutan nito ay nagpahinga muna ang binata sa showbiz at maninirahan kasama ang kanyang ina. Matatagalan kaya ni Borge na tumira sa bahay ng kanyang professor kasama ang kanyang ultimate happy crush…??? Paano kung ma- inlove sa kanya ang isa Toffy Cruz??? Paano niya haharapin ang mga fans ng loveteam nito na magiging bashers niya?....
101.1K viewsOngoingAdded to Library 40 Times as mga pang uri
Read
+Library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status