Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!

Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!

P.P. Jing
“Ipapalaglag mo ang anak natin?!” galit na sigaw ni Carcel sa'kin. “Pinirmahan ko na ang divorce paper 'di ba?! Kaya huwag kang mangialam sa gagawin ko, Carcel!" “Huwag mong idamay ang bata, Jett! Ipanganak mo lang iyan, at kami na ni Gia ang magpapalaki sa kanya!" "Ginag*go mo ba talaga ako, ha?!" tumutulo ang mga luha ko sa sakit. "Gusto mo ba talaga akong durugin nang buong-buo, Carcel? Hindi ba sapat na niloloko mo ako para sa kapatid ko na 'yon at sa anak niya, tapos ngayon gusto mo pang ipanganak ko ang anak natin para kayo na mag-alaga?!" "J-Jett, minahal kita. Pero si Gia na ang mas matimbang sa akin ngayon kaya---" "Kaya nga ipapa-abort ko na lang ang nasa sinapupunan ko! Para tuluyan nang maputol ang koneksyon ko sa'yo!" umiiyak kong sigaw at tumalikod. "No, Jett! Hindi ako papayag na may gawin kang masama sa bata!!" Nagmamadali akong tumakbo sa kalsada para tumawid sa takot na mahabol niya pa ako. "NOOO!! JEEETTT!!!" Subalit nanigas ako sa kinatatayuan nang may isang malaking truck ang malakas na bumusina. Nabulag ako ng ilaw niyon ngunit alam kong nasa harapan ko na ito. Sa pagkabigla ay pawang hinihintay ko na lamang na bumangga sa katawan ko ang truck. "JETT!!" mabilis akong tumilapon sa malamig na semento dahil sa kamay na tumulak sa akin, hindi ako ang nabangga ng truck.  Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat nang makita si Carcel na gumulong-gulong sa kalsada kasabay nang pagkalat ng kanyang dugo. "CARCEL!!!" Na-comatose si Carcel sa loob ng limang taon, at nagising siyang may-amnesia. Nakalimutan niya si Gia, at ang pagmamahal sa akin lamang ang naaalala. Ngayon ay umaakto siyang parang hindi siya nagloko at halos magmakaawa sa akin na mahalin ko siyang muli kasama ng four-year-old naming anak na babae.
Romance
8.53.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I love you, professor

I love you, professor

This is work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living, or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from exploit the contents of this story in anyway; please obtain permission. ____________________________________ The stubborn girl Rainee Cleo Fonterraet Professor Kofi Salvacheera, the substitute of Mr. Dumagundong. Rainee Cleo is a strong, and sometimes snob but what if makilala niya si Professor Kofi na napakacharming. Magbago kaya ang ugali niya? Paano kung may mangyari sa kanila? Panindigan kaya siya? O itatakuwil na parang basura? "Kung pwede ko lang ibigay sa'yo lahat ng sakit na nararamdaman ko, gagawin ko. Hindi para saktan ka, kung hindi para malaman mo kung gaano kasakit ang talikuran ng taong minahal mo. I did not deserve what you did to me, nagmahal lang ako Prof. Kofi Salvacheera," - RAINEE CLEO FONTERRA "I want to love you, keep you, took care of you but I can't. I can't hurt a person like her, she's my fiancée and you're just a girl who feed my lust, Rainee. It's not love, it's just a full of lust." -KOFI SALVACHEERA Likidong nagpapatakan, luha at ulan... Na tila'y nagkaintindihan at sabay na naglabasan... Kung gaano kasakit ang kaniyang sugat sa pulsuhan, ay siya ring sakit ng sugat sa pusong duguan... Mga pusong nawasak na animo'y plorerang basag-basag.. Mabuo pa kaya ang nasirang pagsasama? Kung ang pusong nagmamahalan ay magkakahiwalay na? Samahan mo akong sumaksi sa saya, sarap at sakit ng kanilang pagmamahalan.... ••• COPYRIGHT ALL RIGHTS RESERVED I LOVE YOU, PROFESSOR 2020- RAINEE_NEE
Romance
104.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bayani: Katutubong Diyos

Bayani: Katutubong Diyos

Bilang isang mamayang Filipino, gaano mo kakilala ang bansang Pilipinas. Hanggang saan ang nalalaman mo pagdating sa ating nga kultura at tradisyon. Ilan sa mga natatanging kuwento at hiwaga ng ating bansa ang iyong nalalaman. Panahon na upang tuklasin ang ugat ng ating pagkapilipino at ang mga paniniwala ng ating mga ninuno. Gaya na lamang ni Earvin, na matapos ang isang malagim na pangyayari, ay natagpuan ang sarili sa isang natatagong lupain. Isang lugar kung saan ang nakaraan ay nagbabalik, ang mga bagay na nakalimutan ay siyang iyong makikita at mga hiwagang inakala niyang nasa libro lamang. Maging ang kaniyang kapalaran ay nasubok dahil sa kawalan ng kasanayan sa ibang lupain. Dito ay nakilala at nakita niya ang iba't ibang katutubong Diyos, mga Diyos na dating kinikilala sa ating bansa. Mga Diyos na nagbigay sa kaniya ng tulong, gabay at basbas. Mga Diyos na siyang nangangalaga ng mga tao. Maging mga Diyos na nagtataglay ng katakot takot na kapangyarihan. Nagawa din niyang makipaglaro sa ibang nilalang at mga diwata. Maalala ang mga tradisyunal na larong pilipino. Ang payak na pamumuhay ng mga mamamayan. Maging ang makipagtalo at makipaglaban sa mga nakakatakot na nilalang at mga engkanto, gaya ng tikbalang at mga aswang. Kaya naman samahan natin si Earvin sa kaniyang paglalakbay na nagpapakita ng mga nalimot na kultura. Masdan kung paano niya magagawang pagharapin, pagsamahin at pagbuklodin ang ating nakaraan at kasalukuyan.
Fantasy
103.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Into The Dark

Into The Dark

Totoy
Lumaki si Syrie sa isang mundong kakaiba sa kung ano siya. Nabuhay siya na nakapalibot sa kaniya ay mga bampira. May matitilos na pangil, mahahabang kuko at mapupulang mga mata. Kakaiba sa dapat nakikita niya. Kakaiba sa dapat mundong kinabibilangan niya. Labis iyong pinagtaka ni Syrie na pinagtapat naman sa kaniya ng mga kinikilala niyang magulang. Napulot daw siya ng mga ito sa gitna ng gubat. Inabandona raw siya. Iminulat ng mga magulang ni Syrie ang isip niya na ang mga taong lobo ay kalaban.    Napatunayan iyon ni Syrie nang masaksihan niya kung paano pinatay ng mga taong lobo ang kinikilala niyang mga magulang. Ang mga taong lobong kagaya niya ang kumitil sa mga magulang niya. At buo ang puso niyang ipaghiganti ang mga ito. Hahanapin niya ang mga pumatay sa kanila. Hahanapin niya ang mga taong lobong may ukit na buwan sa kanilang mga braso.    Pero paano kung matagpuan niya ang lalaking pumatay sa mga magulang niya pero huli na dahil mahal na niya ito? Makakaya kaya ni Syrie na patayin ang lalaking minamahal o paiiralin ang pagmamahal na bumuhay sa buo niyang pagkatao?
Other
1014.1K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (28)
Read
Idagdag sa library
Jenyfer Caluttong
Mahilig talaga ako sa mga story about sa mga lobo at Vampire kaya nga naghahanap ako ng book na pwedeng basahin ni recommended ng kapatid about dito sa story ng Into the Dark kaya sinubukan kong basahin at di ako nagsisi kasi parang dinala ako ni author sa mundo nila habang nagbabasa ako
Bhie Rambonanza In
based on what I read on this story I'm so excited to know more about vampire and wolf especially about what had happened from the past of Syrie, the story is very interesting and I'm so eager to read until the end of the story even I'm busy, sobrang galing ng author na to, ang lawak ng pag-iisip......
Basahin ang Lahat ng Review
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Fantasy
1010.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
 A LOVE STORY OF REKINDLED SOULS

A LOVE STORY OF REKINDLED SOULS

10ShyGirl
Si Seraphina ay isang Reincarnated soul at isang Bilyonaryang CEO na Suplada at Allergic sa mga kalalakihan ang mahuhulog at mababaliw sa isang sikat at gwapong Celebrity Billionaire na si Elias Tan. Ang kanilang kasalukuyang kwento ay maraming katanongan na ang tanging mga kasagotan ay nasa nakaraang buhay. Magsisimula ang kwento dahil sa dalawang magkasintahan na kinitil ang sariling mga buhay. Matapos magpakamatay ni Brent ay nagpakamatay din si Amelia.Sinisisi niya ang sarili sa pagkawala ng Binata kaya nagpasya din siyang taposin ang sariling buhay. Samantala, matapos ang 27 na taon ay unti unting nagkakaroon ng mga kakaibang panaginip si Seraphina,mga panaginip na para bang konektado sa kanyang nakaraang buhay. Si Elias naman ay ganoon din ang nararanasan, ang managinip ng mga kakaibang scenario na puno ng mga katanongan. What if mag meet si Seraphina at Elias? Ano kaya ang mararamdaman nila sa isat-isa? Magkakaroon na ba ng mga sagot sa kanilang mga katanongan? Si Seraphina at Elias nga ba ang reincarnation ni Amelia at Brent? Mauulit ba ang nakaraang pangyayari tragically sa kasalukuyan? Sino-sino ang mga reincarnated souls?Ano kaya ang tunay na dahilan kung bakit natapos ang buhay Pag-ibig ni Brent at Amelia tragically? Handa na ba kayong malaman kung sino-sino ang mga reincarnated souls na magpapainit ng inyong mga katawan at mapapakilig ng inyong mga puso? Alamin natin ang buong kwento.
Romance
708 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Talaarawan ni Corazon

Ang Talaarawan ni Corazon

irelle
Mahinhin, maingat sa kinikilos, mahinahon, mapagkumbaba, at mapagtimpi. Yan ang mga katangian ng isang Maria Clara. Pambahay lamang ang mga babae at hindi ito pwedeng makipagsalamuha sa mga kahit kaninong lalaki. Pero paano kapag ang babae ay magpapanggap na lalaki? Basahin natin at subaybayan ang mga isinusulat ni Corazon sa kanyang talaarawan bilang isang babaeng naging guardia civil sa panahon ng mga Kastila.
History
105.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mister Billionaire's Sunshine

Mister Billionaire's Sunshine

Si Lirah Sarmiento, isang haciendera at masunuring anak. Wala siyang ibang ginawa kundi sundin ang mga inuutos ng mga magulang at kapatid para lang makuha ang inaasam na pagmamahal ng mga ito. Kahit na ang magpakasal sa isang lalakeng hindi naman niya kilala para lamang mailigtas ang kanilang kompanya.. Si Matias Gomez, ang panganay na anak ng mga Gomez. Isang bilyonaryong bigo sa pag-ibig. Lumaki siyang may galit sa mga magulang dahil gusto ng mga itong maging perpekto siya bilang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian. Kahit na pati sa magiging asawa niya. Dalawang tao na may magkaibang katauhan. Parehas na pinagkaitan ng pagmamahal. Magawa kaya nilang mahanap ang pag-ibig na kanilang inaasam sa piling ng isa’t isa?
Romance
910.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Owned by the Possessive Billionaire

Owned by the Possessive Billionaire

Hoshi Rhodes
Elaina was saved by Silas Desmond ang kanyang bilyonaryong Padrino na sampong taon niyang hindi nakita. Dahil sa hindi siya nasanay sa kahirapan at sa takot na balikan siya ng mga taong pumatay sa kanyang mga magulang ay nakiusap siyang sumama kay Silas at pumailalim sa proteksyon nito kapalit ang mga dokumento na naglalaman ng lahat ng kanyang mamanahin mula sa kanyang mga namayapang magulang. Ngunit hindi sapat ang mga iyon para sa isang Silas Desmond sapagkat ninanais din nitong angkinin siya.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Sa mundo ng musika at pag-ibig, kilalanin si Rasselle, isang dalagang kolehiyala na may talento sa pagkanta at may pusong sensitibo. Ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang makilala niya si Rage Hidalgo, isang kaakit-akit ngunit misteryosong lalaki na nagdala ng bagong pag-ibig at pagkakamali sa kanyang buhay. Sa kanilang pagmamahalan, natuklasan ni Rasselle ang mga lihim na nakatago sa likod ng mga ngiti at halik ni Rage. Ang mga lihim na ito ay magdudulot ng sakit at pagdurusa sa kanilang relasyon. Habang si Rasselle ay nagpupumilit na malampasan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, natuklasan niya rin ang mga katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang at sa mga dahilan ng kanilang pagtutol sa kanilang relasyon. Sa gitna ng mga pagtataksil at pagdurusa, magagawa ba ni Rasselle na patawarin si Rage at muli niya itong tanggapin pabalik sa kanyang buhay? O magtatapos na lang ba ang kanilang relasyon sa isang malungkot na paghihiwalay? Sundan ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan sa gitna ng mga pagsubok at pagtataksil sa "The Melody of Heartbreak" ni J.C.E Cleopatra.
Mafia
10573 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
45678
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status