My Maid, My Love (Filipino)
Umihip ako ng malamig na hangin at saka nagsalita, "Iyon nga ang sabi niya sa akin, Ma. Gusto niya akong isama na pabalik sa Maynila bukas."
"Gusto mo ba na sumama na sa kanya pabalik bukas sa Maynila, huh? Tinatanong kita kung gusto mo na sumama sa kanya pabalik sa Maynila dahil kung gusto mo ay hindi kita pipigilan na sumama sa kanya pabalik. Alam ko naman kung gaano mo siya kamahal, eh. Mahal ka rin naman niya, anak," sagot ni mama sa 'kin. Tinatanong niya ako kung gusto ko na sumama sa kanya. Kung sa gusto ay gusto ko nang sumama sa kanya pabalik sa Maynila. Gusto ko siyang makasama muli. Ayaw ko na mawala pa siya sa buhay ko. Ayaw ko na maranasan pa ang sakit at lungkot na mabuhay nang