Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Annoying Assistant

The Billionaire's Annoying Assistant

Para mabuhay ang mga batang tinuturing na niyang kapatid. Nag-apply si Petra ng trabaho sa isang malaking kompanya. Nakuha siyang assistant ng arogante at mapaglarong CEO na si Joshua. Maayos naman ang lahat sa trabaho, kahit na minsan ay gusto niyang pilipitin ang leeg ng loko-loko niyang amo. Hanggang sa isang araw, ang pinakatago-tago niyang sikreto ay nabunyag. Dahilan para masisante siya sa trabaho at mawala sa buhay ng binatang amo na nagkaroon na ng parte sa kaniyang puso.
Romance
1056.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Sinful Secrets of the Billionaire

Sinful Secrets of the Billionaire

Napilitan si Amélie na bumalik ng Pilipinas nang mabalitaan niyang ikakasal na ang kanyang kapatid. Laking gulat niya dahil ni minsan ay hindi nabanggit nito na may fiancé na pala. Naghanda siya para sa araw ng kanilang pagkikita, ngunit tila nabura ang lahat ng ingay sa paligid nang makita kung sino ang lalaki. Si Riguel Morel, isang kilalang multi-billionaire. Tall, dangerously charming, almost flawless, and most of all, the man she once loved but chose to leave behind in pursuit of her dreams abroad. Para sa kapakanan ng kapatid, pinilit ni Amélie na magpanggap na tila wala silang nakaraan. Ngunit hanggang kailan niya mapapanindigan iyon kung sa tuwing wala ang kapatid niya ay mas lalo namang nagiging mapanganib ang bawat paglapit at tingin ni Riguel sa kanya?
Romance
353 viewsOngoing
Read
Add to library
Marreid to the secret Billionaire

Marreid to the secret Billionaire

Lumaki si Celestine Navarro sa bahay na kailanman ay hindi naging tahanan. Sa ilalim ng pang-aapi ng kanyang madrasta na si Margarita at ng maldita niyang stepsister na si Veronica, natutunan niyang maging matatag, tahimik, pero palaban. Isang araw, bigla siyang pinapirma sa isang arranged marriage contract—isang kasal na hindi niya maintindihan. Wala siyang ideya kung sino ang lalaki sa papel, at tanging sinabi lang ng abogado ay: “Mas gusto niyang manatiling pribado. Pero simula ngayon, nasa ilalim ka ng kanyang proteksyon.” Ang lalaking iyon ay si Adrian Cruz—isang malamig, makapangyarihang Bilyonaryo at CEO sa isang malaking kumpanya na sanay makuha ang gusto niya. Sa harap ng mundo, isa siyang taong walang emosyon at walang kahinaan. Ngunit sa likod ng kanyang katahimikan, may lihim siyang dahilan: minsan niyang nasaksihan kung paanong hinamak si Celestine ng sarili nitong pamilya. At mula noon, hindi na siya mapalagay. Tahimik niyang inayos ang kasunduan ng kasal—isang paraan para masiguro na walang sinumang makakasakit kay Celestine muli. Habang patuloy siyang binabastos at minamaliit ng mga Navarro, patago namang nakamasid sa kanya ang lalaking handang ipaglaban siya… kahit hindi pa niya kilala. Hanggang isang gabi, nakatanggap siya ng mensahe mula sa hindi kilalang numero: “Hindi mo na kailangang harapin sila mag-isa.” —A.C. Hindi niya alam, ang lalaking iyon ay ang mismong asawa niyang hindi pa niya nakikita—ang lalaking tahimik pero mapanganib magmahal. At kapag dumating ang araw na mabunyag ang katotohanan, malalaman ng lahat… na ang babaeng minamaliit nila ay asawa ng pinakamakapangyarihang lalaki sa lungsod.
Romance
10684 viewsOngoing
Read
Add to library
CARRYING THE TRIPLETS  OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND

CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND

Sa loob ng tatlong taon na sila ay kasal, ni minsan ay hindi pa naramdaman ni Cristina na may asawa siya sa kanyang tabi. Una palang ay alam niya ng hindi siya mahal ni Nigel dahil may mahal itong iba at napilitan lamang ito na pakasalan siya dahil sa isang kasunduan ng pamilyang Montefalco sa ama ni Cristina. Ngunit may hangganan ang mga bagay na hindi pinapahalagahan. Nang malaman ni Cristina na napaparty si Nigel kasama ang pinakamamahal nitong babae na si Millicent habang siya ay mag-isang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina. Doon niya naisipang hiwalayan na ang asawa at lumayo kasama ang ipinagbubuntis niya. Makalipas ang limang taong pagtatago ay tadhana na ang gumagawa ng paraan upang mag-cross ulit ang kanilang mga landas. Paano kung hindi niya na kaya pang itago ang tungkol sa triplets na isinilang niya mula kay Nigel. Paano siya at ang mga triplets na sisingit sa buhay ni Nigel gayong kasal na ito sa ibang babae. Ilalaban ba ni Cristina ang kanyang mga anak pati na rin ang kanyang puso or she will run away again with her children?
Romance
1054 viewsOngoing
Read
Add to library
BE MY WIFE

BE MY WIFE

Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso. Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Defend Me, Ninong Azrael

Defend Me, Ninong Azrael

Lumaki si Lara sa isang mahirap at magulong pamilya. Lasinggero ang ama, at madalang ang ina sa bahay dahil sa hindi niya maintindihang dahilan. Sa pagkamatay ng ina dahil sa isang "aksidente," nagsimula ang kanyang paghihirap. Sa edad na 16, sinaktan siya at inabusong sekswal ng kanyang tiyuhin at pinsan. Ang pinakamasakit, pati ang ama niya na dapat ay maging sandalan niya, ay pinagtangkaan din siyang abusuhin. Dalawang beses siyang nagbuntis at nagpa-abort sa pamimilit na rin ng mga hayup na nang-abuso sa kanya. Sa edad na 18, tumakas siya at nagmakaawang makapasok sa kumbento. Doon niya aksidenteng nakita si Azrael Fove, isang mayamang abogado na "ninong" niya. Tinulungan siya nito at kinupkop. Nangako rin ito na proprotektahan siya at kailanman ay hindi nito uulitin ang ginawa ng mga lalaking sumalbahe sa kanya. Ngunit paano kung sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay malabag ng Ninong Azrael niya ang pangako nito at magbunga pa iyon ng isa na namang binhi sa kanyang sinapupunan? Paano kahaharapin ni Lara ang pagbabalik ng matinding takot na minsan na niyang kinasadlakan, matapos isang lalaki na naman ang dapat na proprotekta sa kanya ang siya pang muling nagwasak sa kaniya? At kahit pa sabihin niyang may namumuo na siyang pagtingin ko sa lalaki, paano niya pa rin niya haharapin ang katotohanan na magkakaanak na sila nito? Gayong bago pa siya pumasok sa buhay nito ay meron nang babae na mahal at nakatakda nang pakasalan nito?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
SPIN THE BOTTLE

SPIN THE BOTTLE

Elo Arm
Masayang magkaroon ng mga kaibigan, may kadamay ka sa lahat ng bagay, may kakampi ka sa lahat ng pagkakataon, may kaagapay sa oras ng problema at higit sa lahat may kasama kang harapin ang laro ng buhay. Pero paano kung magkakasama kayong masangkot sa isang laro? Isang larong nakasalalay ang inyog buhay. Isang larong hindi niyo alam kung sino ang taya. Isang larong babago sa orasan ng buhay. Isang bote! Isang boteng magsisilbing orasan, Isang boteng magdidikta nang inyong katapusan, Kung sinong matapatan at matigilan siyang mawawalan ng tuluyan. Ngunit isang paraan! Isang paraang magpapatigil sa pag-ikot nito, ang hahanap sa taya ng katakot-takot na laro, at ito ay ang sundin ang kaisa-isaang patakaran, ...at ang Ultimate Rule: "Trust No One" Ikaw sinong pingkakatiwalaan mo???
Mystery/Thriller
106.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Can I be Him?

Can I be Him?

Raeliana
Hindi dahil gusto mo ang isang tao at gagawa ka ng paraan upang magkalapit kayo, magkakaroon ka na ng tsansang maging kayo. Hindi rin porket pinipilit mong maging relevant sa buhay nila, ibig sabihin e mapapansin ka. Minsan, mananatili't mananatili kang nobody sa buhay nila.At ganoon na nga ang naranasan ni Lyle kay Ridge.Sinubukan niyang maging parte ng buhay nito, magbukas ng pinto ng oportunidad para sa kanilang dalawa at umasang may tsansa silang dalawa. Pero sa huli, sa ibang tao pa rin nakatingin si Ridge — iba pa rin ang minahal nito at wala siyang palag doon.Kaya heto siya ngayon sa kalagitnaan ng kawalan. Pinagmamasdan ang binatang kay tagal niyang minahal na sumaya sa piling ng iba. Bubulong na lamang sa hangin at sasabihing sana... sana siya na lang.
LGBTQ+
9.916.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng siyam na taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Santiago ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang annulment papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
Romance
340 viewsOngoing
Read
Add to library
The Ceo's Gentle Offer (Tagalog)

The Ceo's Gentle Offer (Tagalog)

Mira Dela Cruz, isang determined pero struggling IT graduate mula sa probinsya, ay halos mawalan na ng pag-asa matapos ang sunod-sunod na job rejection—hanggang sa isang araw sa park, isang lalaking presentable at gwapo ang nagkamali ng akala sa kanya. Akala’y isa siyang bayarang babae. “Hi miss, if you’re available tonight... I’ll pay—just once.” Ito ang unang katagang binitawan ni Ethan Alexander Reyes—ang CEO ng isa sa kilalang successful IT company sa bansa. Isang lalaking seryoso, focused sa trabaho, at ni minsan ay hindi pa nagmahal. Hindi niya inakalang ang babaeng inalok niya ng isang gabi sa hotel ang magiging simula ng kanyang unang pag-ibig. Isang malakas na pagtangi ang tinanggap ni Ethan mula kay Mira nang hindi siya maniwala na isa siyang matinong babae. “Layuan mo ako! Kadiri ka. Baboy mo!” Ang hindi alam ni Mira ang lalaking iyon din pala ang magiging bago niyang boss, at siyang magbibigay sa kanya ng panibagong pag-asa. “I’ll match whatever the other companies offer, even higher—just say yes. I need someone like you here, Miss Mira Dela Cruz.” Ayaw man ni Mira na makatrabaho si Ethan, wala na siyang nagawa. Malaki ang oportunidad na dumating, at hindi niya ito kayang palampasin. Naniniwala si Ethan na ito’y tadhana—lalo’t pareho sila ng mundo. Simula pa lang, may naramdaman na siya. Love at first sight? Maybe. "Do you believe in destiny? Because I do. I just hope this time, I get it right."
Romance
10677 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1920212223
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status