Married to His Father, Claimed by the Son
"Kung may kailangan kayo sa akin, sabihin niyo na. Dahil kung andito kayo para mang-insulto lang, tatawag ako ng security."
"Oh, sweetie, you don't want to call security," kalmadong sagot ni Miranda. Naglakad ito papunta sa sofa at umupo, prenteng naka-krus ang mga binti. "Umupo ka. May papanoorin tayo."
Inilabas ni Miranda ang kanyang pinakabagong smartphone mula sa kanyang Birkin bag.
Hindi gumalaw si Amara.
"Sabi ko, umupo ka," nawala ang ngiti ni Miranda, napalitan ng awtoridad. "Unless gusto mong i-play ko 'to sa maximum volume para marinig ng buong nursing staff sa labas?"