Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Yaya Lingling and the Billionaire's twin

Yaya Lingling and the Billionaire's twin

Lumaki si Lingling na buhay prinsesa sa kanilang probinsya. Ngunit dahil sa nangyari sa kanya ay lumuwas siya ng siyudad para doon na muna manirahan. At dahil gipit sa pera kaya naisip niya na maghanap ng trabaho, humingi ng sign at hindi nagtagal ay may naghahanap na nang trabaho bilang isang private nurse ngunit hindi niya na ito tinanggap dahil nalaman niya na mas matanda pa sa kanya ang aalagaan niya at kulang ang kanyang kaalaman sa pagiging nurse. Hanggang sa may kaibigan ang kanyang ina na naghahanap din na gustong pumasok ng trabaho pero bilang isang Yaya kaya sa dalawang pagpipilian niya na trabaho ay pinili niya ang magiging taga-bantay. Ngunit nagulat si Lingling pagkarating sa bahay kung saan siya magtatrabaho na kung sino ang magiging amo niya. Magawa niya pa kayang tumakas gayong may kasalan siya rito? Ano kaya ang magiging kapalaran niya sa dalawang makulit na anak ng kanyang bilyonaryong amo? Paano kung may kahilingan ang mga anak ng bilyonaryo kay Lingling, kaya niya bang panindigan kung unti-unti ay napapamahal na ito sa kanya?
1054.5K viewsCompletedAdded to Library 1.5K Times as ms makulit
Read
+Library
If We Love Again

If We Love Again

J.R. McKay
Istrikta si Sarah pagdating sa rules; hindi niya ‘yon nilalabag at ayaw niyang may lumabag niyon lalo na kung mismong rules niya ang sinuway. Subalit nagbago ang takbo ng mundo niya nang makilala si Erhart, ang lalaking mahilig lumabag sa rules. Araw-araw nitong pinapasakit ang kaniyang ulo simula nang mag-krus ang landas nila. Ginawa na niya ang lahat ng paraan upang iwasan ito pero talagang makulit ang binata at ayaw siyang tantanan hanggang siya na mismo ang bumali sa sarili niyang batas—na BAWAL siyang magmahal. Dahil tinanggap niya ito ng buong puso kahit na hindi niya lubusang kilala ang pagkatao nito. Masaya ang naging pagsasama nila ngunit ang magandang panaginip na ‘yon ay naging isang bangungot nang may matuklasan siya sa pagkatao nito. Ang babaeng kinamumuhian niya, na nagluwal sa kaniya ay konektado sa binata. Ito pa mismo ang humiling sa kaniya na layuan ang kasintahan dahil kung hindi, masisira ang kilalala at respetadong pamilya ng binata. Magawa niya kayang talikuran ang lalaking minamahal o dapat niya bang itong ipaglaban?
2.9K viewsOngoingAdded to Library 101 Times as ms makulit
Read
+Library
The CEO's Personal Maid

The CEO's Personal Maid

Siya si Erika Fernandez, bata pa lang ay mulat na siya sa hirap ng buhay. Hindi na bago sa kanya ang pagta-trabaho ng mabibigat, at ang paninilbihan sa iba. Isang araw, nakilala niya si Brandon Monteverde, isang gwapong mayaman na sing-lamig ng yelo kung umasta. Palagi itong seryoso at parang galit sa kanya. Pero kahit iritado sa senyorito, ginawa ni Rika ang lahat manatili lang sa trabaho. Iyon ay ang pagiging personal maid ng isang CEO. Si Brandon Montevede, isang lalakeng lumaki sa marangyang pamilya. Lahat ay nagagawa at nakukuha niya. Maliban na lang ang makawala sa planong pagpapakasal sa babaeng 'di niya gusto para lang sa paglago ng negosyo. Iyon ay dahil nahulog ang puso niya sa makulit at anim na taong mas bata sa kanya na si Erika. Palagi siya nitong napapasaya, at siya rin ang naging depinisyon ng salitang "pahinga". Magiging sapat nga ba ang pagmamahal para piliin ni Brandon si Erika kapalit ng lahat ng kayamang meron siya? Lalo na't ang pagmamahalan ding iyon ay nakabuo ng isang tagapagmana?
1069.3K viewsCompletedAdded to Library 1.7K Times as ms makulit
Read
+Library
THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)

THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)

Si Vhon Di Martin Oz a.k.a Gerlan ay isa sa apat na magkakapatid na anak ng mga bilyonaryo sa larangan ng business world.Sya ay ipinagkasundong ipakasal sa anak ng business partner ng kanilang ama na si Zeffie Kazzandra Choi.Isa syang makulit at pasaway na babae kaya tinakasan nito ang kasal nila umpisa pa lang.Nagkrus ang kanilang landas pero wala silang kamalay-malay na sila pala ang ipinagkasundo.Ginamit ni Vhon ang pangalawang pangalan nito na Gerlan at si Zeffie naman ay ginamit ang Kazzandra.Para matakasan ni Kazzandra ang fiancé nito,inalok nito si Gerlan na magpakasal kapalit ang paninilbihan nito kay Gerlan.Hindi nito sinabi sa lalaki na mayaman ito.Pumayag naman ang lalaki dahil alam nyang hindi sya magugustuhan ng babae.Nagsama sila sa iisang bubong.Sa unang araw pa lamang ng kasal nila ay puro sakit ng ulo na ang binigay ng babae sa kanya.Hanggang sa isang araw ay narealize na lang nito na nahuhulog na pala ito sa asawa nito. Nang magkapalagayan ng loob ay malalaman nila ang mga sikretong itinatago ng bawat isa.Mas lalong magiging mailap ang kapalan at si kupido sa kanila dahil may mga kokontra sa kanilang pag-iibigan.Ngunit mananaig ang kanilang nararamdaman para sa isa't-isa.
399 viewsOngoingAdded to Library 11 Times as ms makulit
Read
+Library
Especially For You

Especially For You

Nakilala ni Angela Bautista ang dalagang mahilig sa pocketbook na si Heart Del Rio. Bitbit nito ang mga libro nito nang lumapit ito sa kaniya at binago ang takbo ng kaniyang mundo. Simula noon ay naging anino na niya ang dalaga. Naging maayos naman ang pagkakaibigan nila, ang kaso, pumasok sa eksena ang walang modo nitong kapatid na si Brian Del Rio. Inutusan siya ni Brian na layuan niya ang kapatid nito sa hindi niya maintindihan na dahilan. Kahit labag sa kaniyang loob ay sinunod niya ang binata at doon nagsimula ang kalbaryo ng buhay niya. Naging mas makulit pa si Heart at panay padala ito sa kaniya ng kung ano-ano na naging dahilan bakit na-chismis sila sa campus. Brian Del Rio to the rescue. Nagpanggap ang binata na ito ang nanliligaw sa kaniya para lang matabunan ang issue nila ng kapatid nito. Isang pagpapanggap na hindi dapat siya sumang-ayon. Maraming binitawan ang binata na mga pangako sa kaniya, but promises are meant to be broken. Hindi natupad dahil bigla na lang itong nawala at hindi na muling nagpakita pa sa kaniya. Dapat pa ba siyang maghintay? O dapat na siyang mag-move on dahil pagpapanggap lang talaga ang lahat?
518 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as ms makulit
Read
+Library
Sir Ares, Goodnight!

Sir Ares, Goodnight!

Kahit pagkatapos makaranas ng dalawang buhay, hindi pa rin magawang tunawin ni Rose ang yelong puso ni Jay Ares. Durog ang puso, napagdesisyunan niyang mabuhay nang nagpapanggap bilang isang tanga. Dahil dito ay nagawa niyang lokohin si Ares at nakatakas kasama ang dalawa nilang anak. Ito ay lubos na kinagalit ni Ginoong Ares, at ang lahat ng tao sa paligid nila ay sigurado na ito ay ang magsisilbing sanhi ng kamatayan ni Rose. Gayunpaman, sa sumunod na araw, ang dakilang si Ginoong Ares ay makikitang nakaluhod sa isang tuhok sa gitna ng daan, sinusuyo ang makulit na babae, “Pakiusap ay maging mabuti ka at umuwi kasama ko!” “Sasama ako kapag pumayag ka sa mga kundisyon ko!” “Sabihin mo!” “Hindi ka maaaring kawawain ako, magsinungaling sa akin, at lalong-lalo na ang ipakita ang hindi mo natutuwang mukha sa akin. Dapat ay palagi mo akong tinuturing bilang ang pinakamagandang tao sa mundo, at dapat ay nakangiti ka sa tuwing pumapasok ako sa isip mo…” “Sige!” Natuliro ang mga saksi dahil dito! Ito ba ang sinasabi nilang mayroong panangga sa lahat ng bagay? Si Ginoong Ares ay tila nababaliw na, ang taong kaniyang nilikha ay nautakan siya. Dahil hindi niya ito magawang disiplinahin, ibibigay na lamang niya ang lahat ng kaniyang gusto!
9.5136.6K viewsCompletedAdded to Library 4.1K Times as ms makulit
Read
+Library
Don’t Mess With Me

Don’t Mess With Me

LEXIE ZIMMERMAN- Isang simpleng babae na puno ng dignidad, nangangarap ng isang simpleng buhay na may kapayapaan ngunit mahirap para sa kan’ya na makaalis sa poder ng mga Terorista. Ang unang misyon ni Lexie ay patayin si Cedric ngunit dahil sa maling impormasyon na natanggap niya, nabigo ang kanyang misyon. Sa halip na patayin si Cedric, iniligtas pa niya ito. Idineklarang traydor sa kanilang grupo ang dalaga, dahilan kung bakit gusto siyang patayin ng mga kasamahan niyang terorista. CEDRIC HILTON- Sa edad na 34 ay naging matagumpay sa buhay, siya ang batang bilyonaryo na naging Governor ng Montenegro City. Naging obsessed sa babaeng nagligtas ng kanyang buhay. Hindi tumigil ang binata sa paghahanap sa dalaga hanggang sa natagpuan niya ang pamilya nito. Pwersahan niyang ipinakasal sa kanya ang dalaga, ngunit isang pagkakamali ang naging desisyon ng binata dahil ang babaeng pinakasalan nito ay ang identical twin ni Lexie, si Chloe Tanner. Ano ang gagawin ni Cedric kung malaman niya na ang babaeng kinahuhumalingan ay isang Terorista? May pag-asa pa bang magkatuluyan ang dalawa, gayong kasal na ang binata sa kakambal ni Lexie? Ano ang mangyayari kapag nagsama sa iisang bubong ang supladong Governor at ang makulit na dalagang Terorista? Siguradong babaligtad ang mundo mo dito. Samahan n’yo akong pasukin at tuklasin ang mundo ni Lexie Zimmerman at Cedric Hilton sa “Don’t Mess with Me.”
1019.5K viewsCompletedAdded to Library 623 Times as ms makulit
Read
+Library
Hidden Desire

Hidden Desire

Si Cindy Salcedo ay isang prangka, makulit, at matapang na babae na sanay lumaban sa kahit sinong bastos o mayabang. Nang makapasok siya sa isang kakaibang trabaho na may napakalaking sweldo kahit halos wala siyang ginagawa, akala niya ay jackpot na ang buhay niya. Pero nagkamali siya. Dahil sa kompanyang iyon, paulit-ulit niyang nakakasagupa ang lalaking pinaka-ayaw niya sa lahat—ang mayabang, babaero, at ubod ng kapal ng mukhang si Nilo. Isang lalaking naniniwalang lahat ng babae ay nahuhulog sa kanya, at walang mintis na nauuwi sa bangayan ang bawat pagkikita nila. Isang araw, dahil lamang sa isang sitwasyong kailangan niyang makabawi sa mga taong minamaliit siya, napilitan si Cindy na sumakay sa kalokohan ni Nilo—magpanggap silang mag-asawa. Akala nila simpleng pagpapanggap lang iyon. Pero habang tumatagal, nagiging mas magulo ang lahat. Unti-unting nahahaluan ng totoong emosyon ang kanilang kasinungalingan, at mas lalong gumugulo ang sitwasyon nang matuklasan ni Cindy ang isang nakakagulat na katotohanan— Ang lalaking kinaiinisan niya… ay maaaring ang mismong boss na pinagtatrabahuhan niya. Sa gitna ng mga away, pagpapanggap, at mga lihim na unti-unting nabubunyag, isang tanong ang bumabagabag sa kanilang dalawa: Paano kung ang relasyong nagsimula sa kasinungalingan ay mauwi sa totoong pagmamahalan? At paano kung ang taong pinaka-ayaw mo… siya pala ang taong itinadhana para sayo?
695 viewsCompletedAdded to Library 26 Times as ms makulit
Read
+Library
Obsessed by the Cruel Billionaire

Obsessed by the Cruel Billionaire

Limang taon ng masidhing pag-ibig ang natapos nang iwan si Victoria ng kaniyang mapapangasawa sa araw ng kanilang kasal, sa kadahilanang magpapakamatay raw ang kababata na halos ilang beses na nitong muntik gawin. Upang makalimutan ang masalimuot na pangyayari ay umalis si Victoria at plano niya sanang magsimula ng panibagong buhay. Ngunit tila pinaglalaruan siya ng tadhana dahil sa isang gabing nalasing siya sa hindi pamilyar na lugar ay nagising nalang siyang katabi ang isang lalaking kailanman ay hindi niya nanaising makadaupan man lang ng kanyang palad! Ang nag-iisang kaaway ng kanyang kapatid, si Walter Jace Coleman. Balak niya sanang takasan ang lalaki na hindi nito nalalaman ngunit bigla itong nagising at hinila siya sa paa dahilan upang maglanding ang katawan niya sa ibabaw nito! “Where do you think you`re going kitten? Pagkatapos mo akong halikan kagabi ay hindi mo na ako pananagutan?” Sa araw din na iyon ay nagbago ang ikot ng buhay ni Victoria. Kilala sa buong bansa ang pamilya ni Walter at alam niya kung gaano kalamig at kinakatakutan ang pagkatao nito. At ngayong hawak na siya ng bilyonaryo ay wala na itong planong ibalik siya sa kanyang pamilya. He even spent billion just to buy an ancient town for her. Sa madaling salita ay na-obsessed sa kanya si Walter. May pag-asa pa kaya siyang makawala sa kamay ng bilyonaryo?
366 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as ms makulit
Read
+Library
Mysterious Substitute Wife

Mysterious Substitute Wife

Ms_Abby03
Isang mayamang babae, maganda at maimpluwensiya sa negosyo ang dalagang si Lilybeth Lenz na kilala bilang Ms. Lenzly. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lamang siyang naging isang substitute wife ni Tyler Ferrero at napagkamalang mahirap. Ano kaya ang mangyayari sa buhay niya sa poder ng Ferrero Family? Mamahalin kaya niya ang kaniyang asawa na si Tyler Ferrero na isang gwapo, mayaman at seryosong lalaki? Hanggang kailan kaya maitatago ang kaniyang pagkatao para lamang maprotektahan ang Ferrero Family kahit na masama ang pakikitungo nila sa kaniya?
104.6K viewsOngoingAdded to Library 115 Times as ms makulit
Read
+Library
PREV
1
...
678910
...
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status