TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!
"Wag kang mag-overthink. Kami ni Nica, hindi kami katulad ng iniisip mo. Ilang beses ko ng sinabi sayo yan, walang makakapagpalit ng status mo bilang Mrs. Villanueva. At para doon sa lalaking dancer, hindi ko alam pero nung niyakap ka niya, napakalakas ng reaksyon mo. Niyakap ka niya at tumalon at inikot ka, katanggap-tanggap ba iyon?"
"Wag mong gamitin ang marumi mong pag-iisip para husgahan kami!" Hindi na napigilan ni Agatha ang magbigay ng salungat na pahayag.
"Kami? Sino ang kinakausap mo tungkol sa 'kami'? Siya?" Malinaw na hindi na natutuwa si Noah.. "Wag mong kalimutan kung sino ang asawa mo!"
"Hindi ko rin alam kung kaninong asawa ba ang asawa ko!" Kaya hindi rin siya komportable s