Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Secret door in the dark forest

Secret door in the dark forest

Aya Lyka C.
Sa Isang mahiwagang mundo na binuo ng pag iibigan ng isang diwata at isang engkanto, isang kilalang hari at reyna sa palasyo ng gardenya. Nabuo ang kanilang pagmamahalan sa pagdating ng isang supling na babae. Isang napakagandang bata na may taglay na kakaibang kapangyarihan. Binigyan ng pagkakakilanlan ang sanggol at tinawag nila itong Princess Lucia. Pinagdiwang nila ang pagdating ng bagong itinakdang maghari sa buong gardenya. Subalit sisirain ito ng isang mapaghiganti na may maitim na mahika ang kasiyahang nagaganap. Dumilim ang kalangitan at namatay ang lahat ng mga puno at halaman ang buong kaharian. Kagimbal-gimbal ang mga pangyayari dahil napakalakas ng itim na mahikang taglay ng kung sino man ang gumagamit nito. Dahil sa takot na mapahamak ang sanggol ay pinaubaya ng hari at reyna ang kanilang anak sa isang diwata na si Lila. Mabilis na itinakbo ng diwata at inilayo sa lugar na yun ang prinsesa. Dinala niya ito sa isang diwata na si Kala na umibig sa isang mortal at namuhay bilang tao. Bago tuluyang nagpaalam si Lila ay may binigay ito na kwentas at kapirasong papel kay Kala. Di na rin pinaalam ni Lila kung ano ang nangyari at kung sino ang sanggol para sa ikatatahimik ng lahat. Pinalaki ng maayos ng mag asawa ang batang pinagkaloob sa kanila at pinangalan nila itong Callea. Lumaking maganda at masayahin ang bata ngunit sa pagsapit ng ikalabing-walo niyang kaarawan ay matutuklasan ang hiwagang at misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao. Sa pagtuklas sa nakalipas ay makakatagpo siya ng isang taong lobo ngunit ang lobong ito ang magdadala sa kanya sa kapahamakan. Maibalik pa kaya ang ganda ng nasabing kaharian na nagmistulang isang madilim at nakakatakot na kakahuyan? Sino ang nasa likod ng paggamit ng itim na mahika? Sino o ano sa buhay ng dalaga ang taong lobo?
Fantasy
3.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status