Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Night With You

A Night With You

She wakes up that morning in an unfamiliar room with a stranger lying beside her and both naked under that plain green blanket.Wala siyang maalala sa nangyari and what shocked her most is when he claimed and mistook her for some lowly prostitute!Rage and anger comsumed her pero wala siyang magawa kundi iiyak nalang ang nangyaring iyon sa kanya. Pinilit niyang kalimutan ang gabing iyon, pinilit niyang ipagpatuloy ang kanyang buhay.Pero paano niya gagawin iyon kung matapos ang isang buwan ay natagpuan niya ang sarili na dinadala ang bunga ng gabing iyon. Ang bunga na naging sanhi ng pagkasira at pagkawala ng lahat-lahat sa kanya!
Romance
9.4286.3K viewsCompleted
Read
Add to library
* BILLIONAIRE SUBSTITUTE BRIDE *

* BILLIONAIRE SUBSTITUTE BRIDE *

Ang walang-hanggang pagmamahal ni Elizabeth sa kanyang yumaong ina ang nagtulak sa kanya na gumawa ng mga bagay na tanging isang desperado lamang ang nakakaunawa. Upang iligtas ang kumpanya ng kanyang ina, pumayag siyang pakasalan ang isang lalaki na dalawang beses sa kanyang edad. Walang paraan na makakatakas siya sa kahabag-habag na katotohanan, ngunit sa araw ng kasal, napangasawa niya ang maling nobyo na naging pinakamayamang tao sa bansa. Para siyang binigyan ng Langit ng isa pang pagkakataon at hindi niya hahayaang mawala ang pagkakataon. Gayunpaman, kaya ba niya ang tensyon sa tuwing malapit sa kanya ang pekeng asawa? Paano kung mahulog siya sa kanya? Mahuhuli ba siya? O mahuhulog siya sa mas kumplikadong sitwasyon? *** Ang pangarap ng bawat lalaki ay pagmasdan ang kanilang nobya na naglalakad sa pasilyo patungo sa kanila, gayunpaman, ang magandang panaginip ay naging isang bangungot nang makakita si Tyrone ng ibang babae sa ilalim ng belo. Tumakas ang kanyang nobya at napilitan siyang magpakasal sa isang estranghera. Para maging mas kumplikado ang lahat, kaka-appoint lang niya bilang President ng kumpanya at kailangan niyang mapanatili ang magandang reputasyon. Ang pagpapanatili sa kanyang pekeng nobya sa kanyang tabi ang tanging pagpipilian na natitira sa kanya. Gayunpaman, paano niya haharapin ang kanyang pagpipigil sa sarili kung ang babaeng napagkamalan niyang pinakasalan ay isang ganap na diyosa ng tukso?
Romance
109.6K viewsCompleted
Read
Add to library
THE UNFAITHFUL WIFE

THE UNFAITHFUL WIFE

MissThick
Si Cindy ay isang teacher nang nakilala niya si Mark na isang gwapong estudiyante. Sa kagustuhang maranasan yung mga fantasy niya sa sex, pinatulan niya si Mark kahit pa alam niya na mahigpit na ipinagbabawal sa isang teacher na patulan ang kanyang estudiyante. Dahil ibinibigay ni Mark ang sex na gusto niya at si Mark ang una niyag naging karanasan, nabaliw siya sa lalaki. Gusto niyang solohin si Mark ngunit hindi pwedeng exclusive si Mark sa iisa lang. Nasira ang buhay niya. Natanggal siya sa pagiging teacher. Naging call center agent naman siya. Lalong lumala ang kanyang pagkahilig sa sex at dumating sa buhay niya si Raymond. Dahil nagpakita ng kabaitan ang napakagwapong si Raymond, inuwi niya ito sa kanila at sa mga unang mga araw, napakabait nga ng lalaki ngunit wala itong trabaho. Kung kailan mahal na niya si Raymond, isang araw pag-uwi niya, wala na lahat ang pera niya, ang lahat ng mamahalin niyang alahas at gamit kasama ng magnanakaw na si Raymond. Doon na naging lalong magulo ang buhay ni Cindy. Nakipagkita na siya sa kung sinu-sino basta maibigay ang hilig niya sa sex. Hindi na siya naniniwala sa pag-ibig. Hanggang sa dumating si Daniel sa buhay niya. Si Daniel na naniniwala sa tunay na pag-ibig kaya niyaya itong pakasal sa kanya. Bumuo sila ng isang pangarap. Masaya na ang kanilang pagmamahalan. Hanggang sa hindi nagagawang kontrolin ni Cindy ang kanyang sakit. Sakit na hindi niya alam na mayroon siya. Paano magtatagal ang pagsasama nila ni Daniel kung walang tiwala si Cindy na mahal talaga siya ng lalaki? Paano masasatisfy ni Daniel si Cindy kung may sakit ang babaeng nymphomania na lalong lumala nang may asawa na siya. Na naghahanap na ang katawan ni Cindy ng sex hindi lang kay Dani kundi sa iba pang mga lalaki?
Romance
101.7K viewsCompleted
Read
Add to library
HB 1: HIS BEAUTIFUL START

HB 1: HIS BEAUTIFUL START

RAVE SANJERCAS - Five years ago, Rave had closed his life from the world and from everyone. Simula nang mamatay ang kanyang asawa ay itinuon na niya ang atensyon sa limang taong anak na si Ross, sa paggawa ng mga comic illustrations at pagsusulat ng mga nobela. For 5 years, he never let anyone enter his life, even GOD. Not until his best friend Mykael pestered him every day to get out and have fun. Nagawa nitong mapapayag siyang umalis sa bahay niya para samahan ang kaibigan na mag-bar. What he didn't expect ay bumili ito ng babae para paligayahin siya sa gabing 'yon. Si Laura, ang babaeng mala anghel ang mukha ngunit tila tinanggalan ng pakpak dahil napadpad ito sa ganoong trabaho. At one glance, Rave hated everything about Laura and her work. But what if Laura is different? Paano kung masyado lang siyang naging judgmental sa babae? Paano kung talagang anghel talaga ito? What if… Laura can be HIS BEAUTIFUL START?
Romance
109.9K viewsCompleted
Read
Add to library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Price of the Billionaire Actor's Revenge

The Price of the Billionaire Actor's Revenge

At twenty-five, Heather Martinez sacrificed everything to take care of her younger sibling at matiyak na may matitirhan sila. Pero dahil sa matinding pangangailangan, she had no choice but to enter a dangerous deal with Theo Skye Dawson, isang malupit at misteryosong aktor na kahit sa isang iglap ay kayang baliktarin ang kaniyang mundo. She knew it was a mistake, but she never expected it to change her life forever. Ikinulong siya ng isang kasal na walang pag-ibig, naging bahagi ng mundo ni Theo kung saan siya lang ang talo. Alam niyang malupit ito, walang pakialam sa nararamdaman niya. Pero paano nga ba pipigilan ang pusong natututo nang umibig kahit hindi dapat? Samantala, si Theo, na matagal nang biktima ng kanyang nakaraan, ginamit lang siya bilang pawn sa isang matagal nang laro ng paghihiganti. Pero paano kung hindi niya inaasahang mahuhulog siya sa babaeng minsang balak niyang sirain? As long-buried secrets unravel and old wounds begin to bleed again, will love be strong enough to overcome the pain? Or will their love itself be the ultimate sacrifice?
Romance
504 viewsOngoing
Read
Add to library
Giving Him An Heir (Filipino)

Giving Him An Heir (Filipino)

Akala ni Donna ay pagiging isang kasambahay lang ang magiging trabaho niya ngunit hindi pala. Kailangan niyang bigyan ng anak ang amo niyang lalaki na si Dave kaya pumayag naman kaagad siya sa kagustuhan nito. Wala siyang ibang choice kundi ang pumayag. Crush niya rin ito. May nobya ito na pakakasalan nito sa mga susunod na buwan ngunit dahil sa hindi na ito puwedeng magbuntis ay nagdesisyon ang nobyo nito na si Dave na gumawa ng paraan upang magkaroon ng anak sila at 'yon nga ang naging desisyon niya—ang makipagsex kay Donna para magkaroon siya ng anak. Hindi naman niya puwedeng hiwalayan ang nobya niya dahil pagagalitan siya ng daddy niya. Habang ginagawa nilang dalawa ni Donna ang bagay na 'yon ay unti-unti silang napapalapit sa isa't isa hanggang sa nagkaroon sila ng relasyon. 'Pag ba nabigyan na ni Donna ng anak ang lalaking amo niya na si Dave ay tapos na rin ba ang namamagitan sa kanilang 'yon? Paano kung ayaw niya na itigil 'yon? Paano kung ayaw na rin ng lalaking amo niya na si Dave? Paano ang babaeng umaasa na pakakasalan ito? Ano'ng gagawin nila sa resultang 'yon?
Romance
9.4K viewsCompleted
Read
Add to library
I STOLE MY SISTER'S HUSBAND AND HIS HEART

I STOLE MY SISTER'S HUSBAND AND HIS HEART

Paano kung ipinalit kang ipakasal sa isang ruthless Mafia boss na may 60 days na lang para mabuhay? Si Adeline Mendez o mas kilala sa tawag na ‘Ada’ ay walang nagawa nang pilitin sya ng mga magulang na ipalit sa nakakatanda nitong kapatid na ikakasal na sana sa isang Business Tycoon at Billionaire na si Segno Velarde, sa kadahilanang tumakas ang kanyang kapatid bago pa man ito makatungtong sa simbahan. Walang nagawa ang dalaga kundi ang sundin ang gusto ng mga magulang nito. Kaya sa isang iglap ay naging asawa na ito ng isang Bilyonaryo. Pero ang akala nitong magiging buhay ay taliwas sa nasaksihan nya. 'Ni hindi sya pinapansin ng asawa nito at parang hangin lang sya sa pagkalaki-laki nilang Mansion. Hanggang sa may madeskubri nya ang lihim ng asawa-- may 60 days na lang ito para mabuhay? Paano kung ang pinakasalan mong lalake ay may kunting panahon na lang para mabuhay? Ano ang gagawin ni Adeline para sulitin ang kakarapot na panahong ito para makasama ang asawa kung hindi naman sila magkasundong dalawa? Paano uusbong ang pagmamahalan sa pagitan ng lalakeng maraming lihim sa kanyang pagkatao? Masusulit kaya ang 60 days para matutunan nilang mahalin ang isa't-isa?
Mafia
10184 viewsOngoing
Read
Add to library
Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2

Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2

Naging bangungot para kay Elise ang naging buhay niya sa piling ng asawa niyang si Kenzo Madrigal. Masakit para sa kanya ang malaman na Kailanman ay hindi siya minahal ng asawa at ang yaman lamang nito na nasa lihim ng kasunduan ang hinantay nito. Matapos ipagtabuyan ng asawa ay umalis ng nangdadalang tao si Elise. Ngunit sa pasya ng tadhana isang taong may mabuting puso ang komopkop sa kanya walang iba kundi Si Kevin Madrigal ang kayang bayaw. Sa tulong at malasakit ni Kevin sa kanya ay nakaraos si Elie sa papghihirap sa papgdadalang tao at sa pamumuhay na mamg isa. Ngunti paano kung ang kapait ng tulong ng bayaw niya ay anng kahilignang bumalik sa mansion at lumaban biang legal na may karapatan ng lahaht ng meron siya bilang isang esposa ng isang Madrigal.Lalaban ba si Elise at pagbibigyan ang pakiusap ng lalaking nagkaroon nang puwang sa kanyang puso o mas pipiliin niya na lamang na manatiling nakatago para manatiling katabi niya si Kevin Madrigal
Romance
1012.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Not Your Wife Anymore

Not Your Wife Anymore

Sa batang edad ay napilitang magpakasal si Raven Santana sa nag-iisang tagapagmana ng Go Prime Holdings na si Caleb Go. Pero pagkatapos niyang ipanganak ang kamnbal nilang anak, hindi pa rin naging maganda ang kanilang pagsasama. Hindi siya tinratong asawa ng lalaki. Hanggang sa dumating sa punto na napuno na si Raven at nakipaghiwalay na sa asawa. Maraming nagtaka sa ginawa niya. Sabi nila ay para siyang nagtampo sa bigas, pinakawalan ang isang napakagandang pagkakataon. Pero paano kung ang wakas pala ng pagsasama nila ni Caleb ay ang magiging simula ng panibagong kuwento ng buhay ni Raven? At sa kuwentong iyon, siya naman ang bida.
Romance
1036.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
56789
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status