Diary Ng XXX Celebrity
Alam na alam din niya kung paano makakabawi sa lahat ng sakripisyo ko sa pamilya namin.
“Maliligo po muna ako habang naghihintay. Salamat nga po pala, nanay,” paalam ko sa kaniya pero nahinto ako sa pag-alis nang magsalita pa siya ulit.
“Hindi, anak. Salamat. Kami ang dapat na magpasalamat sa iyo kasi ginagawa mo ang lahat para mataguyod ang lahat. Salamat, anak, gabayan ka sana palagi ng nasa itaas at lalo kang pagpalain. Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo,” sabi niya, habang parang maiiyak pa.