I'm inlove with a PRIEST
“Ah, basta, gusto ko ng puppy. Tutal mahilig ka lang din namang mangagat, eh.”
“Pero, love---”
“Kapag hindi ka nagpatawag ng puppy, break na tayo.”
“Ang ganda talaga ng endearment na puppy, love. Actually, isa-suggest ko nga sana ‘yon sa’yo kaya lang naunahan mo na ako, eh.” Turan n’yang halatang napipilitan kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Napahagalpak na ako ng tawa.