Desiring My Sister-In-Law
Elaine, may pinapahanap na lumang file ang accounting na parang nawawalang kayamanan sa ilalim ng bundok ng papel.
Pero hindi ako nagreklamo.
Sa totoo lang, may parte sa akin na natutuwa. Nakakapagod, oo, pero totoong pagod. Hindi yung pagod na galing sa buong gabing nakatitig sa chart habang ang mundo ko ay umiikot sa red at green candles. Ito, may pangalan ang pagod. May oras. May dahilan.
Bandang alas-singko, habang nag-aayos ako ng folders, lumapit si Marco sa desk ko at sumandal sa divider.