Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
“You're over-acting, bruh. So what? If someone truly loves you, no matter who you are or what your past is, they will accept you no matter what.”
“I'm a victim of sexual abuse. Marumi na akong babae at wala na akong ipagmamalaki sa sarili ko. Sino ba ang tatanggap sa babaeng katulad ko, bruh?”
Bakas ang pait at lungkot sa tinig ni Abby nang sabihin iyon. Para sa kan'ya, normal lang na humanga lalo na sa opposite sex pero wala siyang karapatan na ang pangarapin pa ang lalaking iyon. Marumi siyang babae at alam ni Abby kung saan niya dapat ilugar ang sarili. Hindi pa siya nababaliw para sirain ang buhay ng kung sino mang lalaki na papatol sa kan'ya.