Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1)
Tanong sa amin ni Ate Lea habang kumakain na kami.
Nakapalibot kami sa banig na nakalatag sa damuhan. Nasa gitna namin ang mga pagkain na niluto ng mga asawa ng mga ito na nakalatag sa dahon ng saging. Puro kanin sa gitna ng dahon. Pinalibutan ito ng sari-saring ulam. Pork and chicken barbeque, lechon manok na tinadtad na, ginisa at pritong hipon, tahong, inihaw na pusit, inihaw na apat na malaking bangus at nakapiraso ng malalaking alimasag. Mga gulay din at nakahiwang prutas na mangga, pakwan, ubas, saging, kamatis, pipino, pritong talong at nilagang okra. At sawsawan na toyo na may kamatis at sili. Catsup at Mang Tomas naman para sa mga bata.
Hot Chapters