Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
UNBREAK MY HEART

UNBREAK MY HEART

Si Sophia Florence ay isang napakagandang babae na may pusong handang magsakripisyo para sa pag-ibig. Limang taon niyang inialay ang kanyang buhay kay Wright William, ang gwapong CEO ng Wright Trading Inc.—isang self-made billionaire na hinubog ng ambisyon at sakripisyo. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay, ang kanilang kasal ay isang lihim sa mata ng mundo. Si Sophia ang lihim na asawa, ang babaeng laging nasa anino, patuloy na nagmamahal sa isang lalaking hindi kayang ibigay ang buong pagmamahal sa kanya. Sa kanilang ikalimang anibersaryo, pumasok si Sophia sa Wright Tower, dala ang homemade lunch at isang malaking lihim—siya ay buntis. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Sa gitna ng grand marble lobby, nakita niyang hawak ni Wright ang kamay ng isang babae—si Jane Clyde-Wright, ang "opisyal" na asawa sa mata ng publiko. Ang sakit na dulot ng katotohanan ay parang isang matalim na kutsilyo na sumaksak sa kanyang dibdib, habang siya'y umiiyak, nagiging multo sa sarili niyang kasal. Sa pinakamadilim na sandali ng kanyang buhay, lumitaw si Teddy Smith, ang misteryosong business partner ni Wright—gwapo, mayaman, at puno ng galit para kay Wright. Ibinukas ni Teddy kay Sophia ang pinto ng paghihiganti, ngunit sa kanilang paglalakbay ng lihim na pagmamahal, nagsimulang matuklasan ni Sophia ang mas malalalim na lihim na nagtatago sa kanyang pamilya at ang tunay na motibo ni Teddy. Habang ang mga lihim at pagnanasa ay lumalalim, natutuklasan ni Sophia ang mga madilim na katotohanan bakit itinago ni Wright ang kanilang kasal? Ano ang tunay na layunin ni Teddy? Sa bawat hakbang patungo sa katarungan, kailangan niyang magdesisyon: Mananatili ba siya sa sakit ng nakaraan, o susunod siya sa mapanganib na pag-ibig kay Teddy, na may panganib na magbigay ng kaligtasan... o magdala sa kanya ng kapahamakan?
105.6K viewsOngoingAdded to Library 197 Times as sam pinto nude
Read
+Library
Own By an OLD and Hot Man(SPG)

Own By an OLD and Hot Man(SPG)

Si Athena De Vera, dalawampu't dalawang taong gulang, ay isang masayahin at simpleng dalaga na naniniwalang darating ang tamang tao sa tamang panahon. Ngunit hindi niya inaasahan na ang taong magpapabilis ng tibok ng kanyang puso ay ang lalaking hindi niya dapat mahalin—si Leonardo Del Castillo, ang guwapo, matagumpay, at respetadong ama ng kanyang matalik na kaibigan. Sa una, itinuring lamang ni Athena si leonardo bilang isang mabait at responsableng ama. Ngunit habang mas madalas siyang bumibisita sa bahay ng kanyang best friend, mas lalo niyang nakikilala ang lalaki. Unti-unti niyang nakita ang kabutihan, pag-aaruga, at tunay na pagkatao nito sa likod ng malamig at seryosong imahe na ipinapakita nito sa iba. Sa bawat pag-uusap at bawat sandaling magkasama sila, isang damdaming hindi nila inaasahan ang namuo sa pagitan nila. Damdaming pilit nilang nilalabanan dahil alam nilang maraming masasaktan kapag nalaman ang katotohanan. Ngunit gaano man nila subukang pigilan ang kanilang mga puso, mas lalo lamang silang nahuhulog sa isa't isa. Dahil sa takot sa paghusga ng iba at sa posibilidad na masira ang kanilang mga relasyon, pinili nilang itago ang kanilang pag-iibigan. Sa mata ng lahat, isa lamang si Athena sa pinakamatalik na kaibigan ng anak ni Leonardo. Ngunit sa likod ng mga saradong pinto at lihim na pagkikita, may isang pag-ibig na unti-unting lumalalim sa bawat araw na lumilipas. Ngunit walang lihim na nananatiling nakatago habambuhay. Paano kung malaman ng kanyang best friend ang kanilang relasyon? Paano kung tutulan ito ng kanilang mga pamilya? At paano kung dumating ang araw na kailangan nilang pumili sa pagitan ng pagmamahalan at ng mga taong mahalaga sa kanilang buhay? Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang isang pag-ibig na ipinagkait ng pagkakataon ngunit kusang pinili ng kanilang mga puso?
10209 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as sam pinto nude
Read
+Library
The Whispering Love of a Lily

The Whispering Love of a Lily

Ani pa ng mga taong nakapalibot kay Sereia Lilou Rebeiro, siya na ang pinaka - maamong babae na umaaligid kay Adriel Latimer. Animo’y para siya isang aso na panay sunod ng sunod sa kanyang amo kung saan ito magpunta. Bakit nga ba? Isang araw, nang mag - check - in sa isang mamahaling motel si Adreil ay sinundan niya ito. Hindi siya nag - aalinlangan na kumatok sa pinto na inupahan nito. Mas gusto pa niyang sundin ang kanyang kagustuhan, at ang rason kung bakit siya sumunod? Para lang bigyan ito ng payong dahil sa masamang panahon. Nakatikim siya ng bulyaw dahil lang doon. Sinabihan pa siya ng walang hiya pero wala siyang pakialam. Mas importante sa kanya ang makitang nasa magandang kalagayan ang iniingatan niyang babaero ng campus. Sa kabila ng masama nitong reputasyon sa mga babae, naging bingi at bulag siya. Mas gustuhin pa niya na makasama ito kaysa makinig sa mga haka - haka ng mga tao. Pinadaan lang niya sa kabilang tainga ang naririnig niyang tsismisan, kahit na minsan ay parang may isang palaso na nakatarak sa kanyang puso. Hanggang sa isang gabi, isang katotohanan ang siyang kumakatok sa isipan ni Sereia. Nahinuha na lang niya na ang lalaking inaantay niya ng tatlong taon ay nagbago. Hindi na ito katulad ng dati, na parati siyang inaalo - alo at sinasamahan. Dala ng reyalisasyon, tinalikuran niya ito ng walang pasabi. Imbes na tatahimik na ang buhay niya ay kinukutya pa siya ng mga tao. Ani pa nila'y nagpapakipot lang daw siya. Isa na roon si Adriel. Tingin niya ay gusto lang ni Sereia na suyuin niya ito para bumalik siya sa kandungan nito. Pero napawi ang agam - agam ni Adriel noong isang araw, aksidenteng nahulog ang pitaka ni Sereia. Bumungad sa kanya ang isang litrato ng lalaking minsan na niyang iniiwasan.
102.1K viewsOngoingAdded to Library 67 Times as sam pinto nude
Read
+Library
My Uncle is My Daddy!

My Uncle is My Daddy!

Rhenkakoi
"I can't marry Nathan, kailangan kong makalayo dito ngayon kasama si Milo. I should not marry him because his brother is Grey!" nanginginig na ani ni Samantha na ikinakunot-noo ng kaniyang bestfriend na si Shaina. "What do you mean? Sam, ilang oras nalang ikakasal ka na kay Nathan tapos bigla kang uurong because of Grey?! Can you explain to me why kasi naguguluhan ako, parang okay pa naman ikaw being with Grey sa family dinner last night ah." "Sh-Shaina, this marriage is a mistake. Hindi puwedeng malaman ni Nathan, lalo na ni Grey na anak niya si Milo." lumuluhang pag-amin ni Samantha na ikinalaki ng mga mata ni Shaina sa gulat. "Ano?! Yo-you mean, si Grey ang naka one night stand mo seven years ago?! Siya ang ama ni Milo?!" Paano matatakasan ni Samantha ang katotohanang pilit man niyang ilihim, ay panahon na ang gumagawa ng paraan upang malaman ito. Matupad pa kaya ni Samantha ang pangako niya sa kaniyang anak na mabigyan ito ng masayang pamilya, gayong naalala na ni Samantha na ang gabing naibigay niya ang sarili niya kay Grey ay kapatid pala ng lalaking dapat na pakakasalan niya. How can Samantha explain to her son, that the uncle he was fond off, is actually his father? And what will Samanta will do, once Grey remembered her and start to claim her son and also asking of claimng her? Will everything will be alright between her, Nathan and Grey? Will Milo, a seven year old smart boy, accept the fact that his handsome uncle is actually his real father? "My Uncle is my daddy?"
102.5K viewsOngoingAdded to Library 96 Times as sam pinto nude
Read
+Library
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
1029.9K viewsCompletedAdded to Library 687 Times as sam pinto nude
Read
+Library
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status