Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
Mystery/Thriller
102.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Living with my Sister's Husband

Living with my Sister's Husband

Marya_makata
"You can fool my eyes but not my heart" *** Adrina Cordovez is living her life to the fullest. Simple ang kanyang buhay sa Miami, Florida hanggang sa sumulpot sa pintuan ng kanyang apartment si Siara Del Prado. Ibinalita nitong patay na si Kelly, ang kanyang kakambal na naiwan sa Pilipinas. Nakiusap ito sa kanyang magpanggap bilang ang nakatatandang kapatid habang hindi pa nila alam kung ano ang sanhi nang bigla nitong pagkamatay. Nangako si Siara na bukod sa makakatanggap ng malaking perang kailangan niya para masimulan ang pangarap na flower shop ay hahanapin din nito ang kanyang ina na matagal na niyang nais makapiling. She was left with no choice but to come back and pretend. She has to know what is the real reason behind Kelly's death. How ironic dahil matagal niyang tinakbuhan ang Pilipinas at lahat ng mga ala-alang nakalakip niyon. Sa muling pagtapak sa bayang sinilangan, ang lahat ng mga bagay na pilit niyang kinakalimutan ay unti-unting nagbalik kasama na doon ang kanyang childhood crush— si Emir, na napangasawa pala ni Kelly. Ang sama ng loob na kinimkim ay isa-isang nagsisipaglabasan habang tumatagal na kasama niya ito. Will she be able to solve the mystery behind the sudden death of her sister? How can she pretend as the wife of the jerk who shattered her young heart years ago?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Sir Ares, Goodnight!

Sir Ares, Goodnight!

Kahit pagkatapos makaranas ng dalawang buhay, hindi pa rin magawang tunawin ni Rose ang yelong puso ni Jay Ares. Durog ang puso, napagdesisyunan niyang mabuhay nang nagpapanggap bilang isang tanga. Dahil dito ay nagawa niyang lokohin si Ares at nakatakas kasama ang dalawa nilang anak. Ito ay lubos na kinagalit ni Ginoong Ares, at ang lahat ng tao sa paligid nila ay sigurado na ito ay ang magsisilbing sanhi ng kamatayan ni Rose. Gayunpaman, sa sumunod na araw, ang dakilang si Ginoong Ares ay makikitang nakaluhod sa isang tuhok sa gitna ng daan, sinusuyo ang makulit na babae, “Pakiusap ay maging mabuti ka at umuwi kasama ko!” “Sasama ako kapag pumayag ka sa mga kundisyon ko!” “Sabihin mo!” “Hindi ka maaaring kawawain ako, magsinungaling sa akin, at lalong-lalo na ang ipakita ang hindi mo natutuwang mukha sa akin. Dapat ay palagi mo akong tinuturing bilang ang pinakamagandang tao sa mundo, at dapat ay nakangiti ka sa tuwing pumapasok ako sa isip mo…” “Sige!” Natuliro ang mga saksi dahil dito! Ito ba ang sinasabi nilang mayroong panangga sa lahat ng bagay? Si Ginoong Ares ay tila nababaliw na, ang taong kaniyang nilikha ay nautakan siya. Dahil hindi niya ito magawang disiplinahin, ibibigay na lamang niya ang lahat ng kaniyang gusto!
Romance
9.5135.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Pagdilat ng mga mata ni Aurora mula pagkamatay, parang muling isinilang ang kanyang sarili—anim na taon ang lumipas, wala siyang alaala, ngunit muli siyang nabuhay na may bagong pamilya. May asawa siya ngayon, si Samuel Castillo, isang makapangyarihang CEO na kilala sa kanyang yaman, tapang, at malamig na ugali. Mayroon din silang dalawang anak na siya lamang ang tinatawag na “Mama.” At sa bawat araw na kapiling niya ang kanyang bagong pamilya, lalo niyang nararamdaman ang misteryo at bigat ng bagong mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit sa anino ng kanyang nakaraan, may isa pang lalaking nagtataglay ng kanyang puso—si Lucas, isang makapangyarihang Mafia Boss na minsang minahal ng Aurora bago siya mawalan ng alaala. Para sa nakaraang Aurora, si Lucas ang lahat; ngunit para sa kasalukuyan, tila si Samuel ang pinipili ng kanyang puso, kahit pa puno ng sugat, kapangyarihan, at kontrol ang kanilang relasyon. Magsisimula ang isang laban na hindi niya hiniling—isang tunggalian ng dalawang makapangyarihang lalaki, parehong handang gawin ang lahat upang angkinin siya. Sa gitna ng yaman, kapangyarihan, at pagnanasa, matutuklasan ni Aurora na siya ang magiging gantimpala at sanhi ng isang digmaan ng pag-ibig, pagkasuklam, at pagnanais na maghari sa kanyang puso. Ngunit sa dulo ng lahat, kanino nga ba tunay na kikiling ang kanyang damdamin—sa pagmamahal ng kanyang nakaraan, o sa bagong buhay na pilit bumabalot sa kanya?
Mafia
248 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Debut Ng Socialite

Ang Debut Ng Socialite

Matapos mag-graduate ng socialite training course, ang aking kapatid na babae ay nanumpa na magpakasal sa isang mayamang pamilya. Upang lumikha ng mga pagtatagpo kay Pierce Holden, ang prinsipe ng mga socialite, ang kapatid ko ang nagmaneho ng aking kotse, na gustong i-tailgate si Pierce at bumunggo sa sasakyan nito. Tinapakan ko ang preno at sinabi sa kapatid ko na hindi tanga ang mga Holden. Hindi namin kayang bayaran ang sasakyan ni Pierce, kahit na isuko namin ang lahat ng mayroon kami. Pagkatapos, nagkaroon si Pierce ng isang marangyang kasal na ikinagulat ng bansa. Nababaliw na ang kapatid ko sa selos, sinabing siya na sana ang bride kung hindi dahil sa pagpigil ko sa kanya noon. Dahil sa sama ng loob, binunggo niya ang kanyang sasakyan sa akin at pinatay ako. Nang muli kong imulat ang aking mga mata, nakita ko ang aking sarili sa front passenger seat. Kumpiyansa na ngumiti si ang kapatid ko, napako ang tingin niya sa mamahaling sasakyan sa harapan namin. "Sigurado akong mabibighani sa akin si Pierce kapag nakita niya ako. Hindi ko na kailangan magmaneho ng isang basura na ganito kapag nakasama ko na siya." Ngayon naman, hindi ko na siya pinigilan. Tinapakan niya ng madiin ang pedal ng gas, na naging sanhi ng pagbangga ng kotse laban sa sports car na may presyo na napakalaking halaga ng pera.
Read
Idagdag sa library
Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

LauVeaRMD
Pinatay ang magulang at kapatid ni Scarlet nang mga kalalakihan na di nila kilala. Nagising na lang siya na wala ng buhay ang kanyang pamilya at nag-iisa na lamang siya. "Ibibigay ko sa inyo ang hustisya na nararapat para sa inyo, ipinapangako ko iyan, ang kamatayan ninyo ang paghuhugutan ko ng lakas, para hanapin ang mga salarin na naging sanhi ng inyong kamatayan," lumuluhang sambit ni Scarlet sa harapan ng puntod ng kanyang pamilya, sa bawat salita na binitawan niya ay tila isang pangako para sa kanyang pamilya na pinaslang ng walang kalaban-laban. Galit at pagkasuklam ang nasa puso ng dalaga, para sa mga taong gumawa noon sa kanila. Kaya sa pagpunta niya sa Maynila ay nakilala niya si Lance Dela Piña na isang negosyante. Si Lance na kaya ang makakapagpabago sa pananaw ni Scarlet? Mahihilum kaya ni Lance ang sugatang puso ni Scarlet, dahil sa pagkawala ng kanyang pamilya? Mapapawi kaya ni Lance ang galit at puot na nasa puso ng dalaga! Ang binata na kaya ang makakapigil kay Scarlet para sa paghihiganti na gagawin nito? Paano kung may malaman na isang sekreto si Scarlet tungkol sa kanyang tunay na pagkatao? Paano kung malaman din niya na ang taong tumulong sa kanya ay siyang naging dahilan ng kamatayan ng kanyang pamilya.
Romance
104.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

writerNJ017
Si Sudara Boone ay isang taong lumaki sa pangangalaga ng mga taong lobo. Siya ay iniwan ng kaniyang tunay na ina sa kagubatan ng Aerabella at siya’y kinupkop ng prinsesa na si Sadi, at kaniya itong itinuring na anak. Nilihim ng ina ang tungkoll sa kaniyang tunay na pagkatao, kung kaya’t namuhay siya sa kasinungalingang natatangi siyang taong-lobo. Tahimik at masaya siya sa kaniyang kinagisnang buhay, ngunit nagbago ito nang kaniyang makilala ang litratistang binata na si Azro. Sa unang pagtatagpo ng kanilang landas ay ang malagim na panaginip, kung saan pareho silang napahamak sa isa’t isa, ngunit naging daan ito upang kanilang kilalanin ang bawat isa. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang sa sila’y naging magkaibigan at nagkamabutihan ng loob. Hindi ito ipinagsabi ni Sudara sa kaniyang tribo, hanggang sa lumalim ang kanilang samahan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag at nalaman din ito ng tribo at nagpasiya silang patayin ng lihim kay Sudara si Azro. Dahil sa kaniyang matalik na kaibigan, naipagtapat kay Sudara ang tungkol sa plano ng kaniyang tribo. Alam niyang wala siyang laban dito. Sa kadahilanang iyon, nagpasiya si Sudara na ibuwis ang kaniyang buhay para sa kaniyang minamahal at naging sanhi ito ng pagkatalo ng tribo, at walang nagawa kundi ang hayaan si Azro na lumaya kasama ang ala-alang masaya’t puno ng pangarap ngunit mapait na pag-iibigan.
Other
1.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Perfect Thief

The Billionaire's Perfect Thief

“You said you wanted to taste freedom, right? Then, allow me to show you what freedom tastes like.” — Kirill Yevgenyevich Ivanov — Nang nakawin ni Anastasia ang pitaka ni Kirill Ivanov, akala niya'y pera lamang ang mawawala sa bilyonaryo. Pero maling-mali siya. Dahil ang tunay na ninakaw niya ay ang atensyon ng lalaki—isang pagkakamaling magiging sanhi ng panibagong yugto ng buhay niya.  Sa liblib na isla na pagmamay-ari ni Kirill, paniniwala niya ay kamatayan na ang magiging kabayaran ng kaniyang mga kasalanan. Ngunit laking gulat niya nang nagdesisyon itong gawin siyang sekretarya. Inaakala niyang lumambot na ang puso ng binata, pero kalaunan ay nalaman niyang patibong lang pala ang lahat, isang bitag. Kirill doesn’t want revenge—he wants ownership. Her body, bound by lies that taste like devotion. Her mind, poisoned by secrets only his hands can unravel. Her soul, seduced by promises of freedom… a deceptive illusion.  But when a forbidden spark ignites between predator and prey, their twisted passion threatens to shatter the line between salvation and damnation. Pero hanggang kailangan ba mahuhumaling si Tasia sa ipinagbabawal na lasa ng sarap na ipinalalasap ni Kirill?  How much can Kirill destroy just to claim what’s his? Their story is a lethal game of desire and deceit, where love wears the face of ruin— and surrender might be the deadliest sin of all. “Starting tomorrow, you’ll be my secretary. My shadow. You’ll fetch my coffee and file the receipts for the men I bury. And every night, you’ll sit across from me at dinner, wearing the dresses I choose, eating the food I allow… and wondering when I’ll finally snap.” — Kirill Yevgenyevich Ivanov
Romance
105.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

Eyah
Hindi akalain ni Serena na ang simpleng pagtanggi niya na sapilitang maikasal sa kuya ng kanyang best friend ang magiging daan pala para maungkat ang isang rebelasyon tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ang naging simula ng isang napakalaking pagbabago sa buhay niya. Mula sa pagiging tagapagmana ng mga Choi ay natagpuan niya na lang ang sarili niya na nasa isang napakahirap na kalagayan. Mula sa naglalakihan at mga bonggang runway platform na nilalakaran niya suot ang iba't-ibang designer items ay naroon siya ngayon sa isang maliit na entabladong nasa gitna ng madilim na club— sumasayaw ng malaswang sayaw habang suot ang maliliit na piraso ng tela na kaunti na lang ay maglalantad na sa kaluluwa niya. Mula sa tingin ng paghanga at sigaw ng admirasyon mula sa mga umiidolo sa kanya ay nauwi siya sa pagsalo ng mga malalagkit na tingin at mahahalay na salita mula sa mga lalaking hindi niya kilala na pawang mga hayok sa laman. Ang magandang katawan na dati niyang iniingat-ingatan, ngayon ay naging parausan na lang ng kung sino man ang may kakayahang magluwal ng pinakamalaking halaga para sa isang gabing impiyerno sa loob ng VIP room ng club. Paanong ang simpleng paghahangad ng kabutihan niya para sa sarili ay naging sanhi ng pagbaliktad ng mundo niya at pagkawala sa kanya ng mga taong mahalaga sa buhay niya? Ngunit sa kabila ng hirap at walang katiyakan ay pinili niya pa ring mabuhay. Kahit alang-alang na lang sa isisilang niyang anak sa lalaking nakasama niya sa isang gabing impiyerno na iyon. Sa lalaking hindi niya man lang nakikilala...
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Under His Temptation

Under His Temptation

Tatlong taon na ang nakalipas simula noong maghiwalay sina Eloise at Cassian dahil matinding awayan ng kanilang mga pamilya. Napagtanto ni Cassian na mahal niya pa rin si Eloise kahit ilang taon pa ang nakalipas, nagsisi siya kung bakit iniwan niya ang babaeng pinakamamahal at sinisi sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Muli siyang bumalik sa Pilipinas at desididong hanapin si Eloise. Nais niyang makabawi sa lahat ng sakit na idinulot niya rito at sa pag-asang tatanggapin siyang muli nito at ipagpatuloy ang naudlot nilang relasyon. Ngunit nalaman niyang nalubog na sa utang ang pamilya ni Eloise. Nakita itong oportunidad ni Cassian upang muling kumonekta sa dalaga. Inalok niya ito ng kasal kapalit ng pagtulong niya sa pagbayad ng utang ng kaniyang pamilya. Kahit na mayroong pag-aalinlangan sa dibdib ni Eloise ay tinanggap niya ang kasunduan at naging tulay ito upang ipagpatuloy nilang muli ang nagwakas nilang pag-ibig. Sa kabilang banda naman ay ang kanilang kasiyahan ay panandalian lamang nang malaman ni Carsen, nakababatang kapatid ni Cassian ang muling pakikipag ugnayan sa pamilya ni Eloise, na sanhi ng pagkamatay ng kanilang ina. Dulot ng matinding galit ay handang gawin ni Carsen ang lahat upang maputol ang namumuong ugnayan ng dalawa. Gagawin niya ang lahat upang mawala sa paningin nila si Eloise kahit pa ang tanging paraan lang ay kamatayan. Ang matinding pagkamuhi ba ng kanilang pamilya sa isa't isa ang magiging rason sa tuluyang paghihiwalay ng dalawa? O sapat ba ang kanilang pag-ibig upang puksain ang namumutawing poot na bumabalot sa kanila?
Romance
9.93.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1234
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status