The CEO's Hidden Son
“Alam kong mahirap iyan. Naiintindihan ko na sanay kayong malayang nakakagalaw, at ayaw kong makaramdam kayo na nakakulong lang kayo dito. Pero para sa ngayon, ito ang pinakaligtas na hakbang na maaari nating gawin. Jayson is not the type to give up easily. He’s desperate, and desperate people do dangerous things. We have to be one step ahead of him always.”
Napabuntong-hininga ako. Tama siya. Kilala ko nang lubusan ang dating asawa ko. Kapag may gusto siya, gagawin niya ang lahat—kahit labag sa batas, kahit makasakit ng ibang tao—basta makuha lang ang kanyang nais. Ang kapangyarihan at yaman na hawak niya ay ginagamit niya bilang sandata, at hindi ko maikakaila na nakakatakot ito.
Chapitres populaires