Isang gabi sa piling ni Bakla
PROSERFINAbirthday message for mother tagalogisusumbong kita sa tatay kotula tungkol sa amasad stories tagalog
BASHA
“Bakit hindi ka pa natutulog?” Usisa niya nang dumilat siya at nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
“Excited kasi ako bukas, diba bibili tayo ng biik?” May ngiti sa labi kong paalala sa kanya. Nang pumayag siya kanina sobrang saya ko talaga, hindi ko rin alam kung bakit pero parang ang cute lang mag-alaga ng biik. Sigurado matutuwa si Badeus kapag nagkaroon siya ng kaibigan.