Filtrar por
Estado de actualización
TodoEn cursoCompletado
Ordenar por
TodoPopularRecomendaciónCalificacionesActualizado
Exchanged Heart

Exchanged Heart

Long-time boyfriend ng actress na si Hannah Lindsey ang male actor na si Froilan Dantes. Pero katulad nang ibang mag karelasyon, dumaan din sila sa isang mabigat na pag subok na humantong na sa hiwalayan. Nahuli ni Hannah Lindsey ang nobyo sa kuwarto nito na may kasamang ibang babae na walang iba kundi si Maricar Asuncio - Isang sikat actress at may long time boyfriend na non-showbiz na nag ngangalang Duwayne Fuentez. Ngunit sadyang mapag laro ang tadhana. Natagpuan na lamang ni Hannah ang kanyang sarili na kasama ang lalaking mainit ang dugo sa kanya, si Duwayne Fuentez. Mapigilan pa kaya ni Hannah ang namumuong pag-ibig niya para kay Duwayne? Paano kung siya lang ang nagmamahal? At ang binata ay gustong gumanti lamang?
9.920.5K vistasCompletado
Leer
Agregar a biblioteca
After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter

After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter

dangerosely
Si Kleer Ronnilaine Cruz, dating anak ng kasambahay sa pamilya Lyverigo ay may lihim na pagtingin kay Arrex Jhames Lyverigo, ang tagapagmana ng pamilya. Nang mapilitan silang magpakasal, biglang nagdesisyon si Arrex na makipag-divorce pagkaraan ng dalawang taon. Ang hindi niya alam, buntis si Kleer sa kanilang anak. Nang malaman ni Kleer ang tunay na yaman ng kanyang pamilya, nagpasya siyang lumipad patungong New York kasama ang kanilang anak para itago ito kay Arrex. Limang taon ang lumipas, bumalik si Kleer sa Pilipinas at muling nagkrus ang landas nila ni Arrex—ibang iba na ito, mayaman na at may kasamang anak. Sa pagbabalik ni Kleer, magbubukas ang bagong mga lihim at pagsubok. Ipapaalam na kaya niya kay Arrex ang katotohanan tungkol sa kanilang anak, o mananatiling sekreto ito magpakailanman?
Romance
103.8K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance

The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance

Nagsimula ang lahat sa arrange marriage, ngunit nagwakas din sa divorce dahil sa sangkot na third party. Walang ideya si Nigel na ang asawang si Nathalie na sinasabi n'yang hindi n'ya magagawang mahalin ay ang s'ya palang totoo niyan'g minamahal, nang madiskubre niya ang taong totoong nagligtas sa kanya mula sa sunog tatlong taon na ang nakakaraan. Nang tuluyan na silang magkahiwalay ay nilamon si Nigel ng matinding pagsisisi, gayunpaman ay hindi n'ya akalaing muli n'ya itong makikita. Sa kasamaang-palad ay hindi na kagaya ng dati si Nathalie na halos sa kanya lamang umiikot ang kanyang mundo. Mapagbibigyan kaya ang paghingi n'ya ng tawad at pagkakataon? Magagawa kaya s'yang pagbigyan ng dating asawa?
Romance
1010.4K vistasCompletado
Leer
Agregar a biblioteca
Loving the Betrayed wife

Loving the Betrayed wife

Wala nang mahihiling pa si Allyana dahil nasa kanya na ang lahat. Kagandahan, Kayamanan, pagmamahal at higit sa lahat, ikinasal siya sa lalaking mahal niya. Subalit, matapos ang kasal ay natuklasan niya ang kataksilan ng lalaking mahal niya at ang bestfriend niyang si Keane.
Romance
1038.7K vistasCompletado
Leer
Agregar a biblioteca
Dangerous Seannah

Dangerous Seannah

COFFEREIMXTR
Lumaki sa mayaman na pamilya. Kilala bilang isang Royal Family. Kilala si Seannah, bilang isang Royal Princess dahil sa pagiging mafia ng kaniyang mga magulang. Ang inaakala ng lahat na magandang buhay na mayroon si, Seannah ay malaking kabaliktaran pala sa totoong buhay. Inakala rin ng lahat na isang mahina at isang walang kwenta si, Seannah. Ngunit ang hindi nila alam ay may malaki pala itong sikreto na tinatago at kaunti pa lamang ang nakakaalam. Isang sikreto na magpapagulat sa lahat at kahit sa sarili niyang angkan.
Mystery/Thriller
103.1K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
My Only Sunshine

My Only Sunshine

ScriptingYourDestiny
My Only Sunshine Isa si Gabriella sa mga taong walang hiya hiya at mahilig bumanat sa taong gusto niya—at ang taong iyon ay si Titus, ang kaibigan ng Kuya Gabriel niya. No'ng una, wala lang naman sa kaniya. Parang nagbibiro lang siya. Ngunit sa nagtagal ay bigla na lang siyang nagseryoso at gustong mapasakaniya si Titus. @scriptingyourdestiny Ang story na ito ay purong fictional lamang. Kung mahilig kang magbasa ng plot na may taguan ng anak (ito ang hinahanap mo) CEO at Prosecutor.
Romance
1.2K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Nakatakdang magpakasal si Derrek Lucero sa anak ng amiga ng kanyang ina. Naisagawa ang kasunduan bago pa man pumanaw ang ina niyang may taning ang buhay. Halos tatlong taon na namuhay si Derrek at nagpakasaya at iniwasan ang tungkol dito.Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makilala ang babae na kinamatayan na ng ina. Tanging si Attorney Luciano lamang ang nakakakilala. Hanggang isang araw ay nag asawa muli ang kanyang ama na walang ibsa kundi ang malanding sekretarya nito. Natuwa si Derrek ng sabihin ng ama na hindi na isasagawa ang kasal sa kaibigan ng kanyang ina pero ang sinabi ng ama na itutuloy pa rin ang kasal ngunit hindi sa babaeng itinakda ng kanyang ina kundi sa anak ng kanyang madrasta niya sa unang asawa nito na si Lilibeth. Nilukod ng poot ang puso ni Derrek dahil ang ama niya ay naging sunod sunuran na lamang sa bagong asawa. Samantala si Monigue naman ay halos nakalimutan na ang bagay na ibinulong sa kanya ng kanyang ina bago ito nalagutan ng hininga sa ICU. Dahil nangiisang anak ay pinasan ni Monique an responsabilidad.Hirap man sa araw araw, ang tangi niyang dasal na lamang ni Monique ay ang makaahon sa kahirapan kahit sa anu pa mang paraan.
Romance
10574 vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
Reclaiming the Billionaire's Love

Reclaiming the Billionaire's Love

Limang taon ang nakalipas mula nang maghiwalay sina Luna at Alexus—isang flight attendant at isang bilyonaryong piloto na dating nagmamahalan. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay nawasak nang matuklasan ni Luna ang lihim na maaaring magdulot ng matinding sakit kay Alexus: ang kanyang sariling ama ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Alexus. Sa desperasyong protektahan ito mula sa masakit na katotohanan, sinira niya ang relasyon nila sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Sinabi niyang niloko niya ito at hindi si Alexus ang ama ng dinadala niyang anak. Ngunit hindi kailanman nawala ang nakatagong sugat sa kanilang mga puso. Ngayon, limang taon ang nakalipas, muling nagkrus ang kanilang landas sa isang flight na hindi inaasahan. Si Alexus ay isang matagumpay na piloto at bilyonaryo, ngunit dala pa rin ang sakit ng nakaraan. Si Luna naman, isang single mom, ay pilit na binubuo ang buhay kasama ang kanilang lihim na anak na si Bella. Habang nalalantad ang katotohanan tungkol sa nakaraan at ang lihim ni Luna, magagawa kaya nilang buuin muli ang nawasak na pag-ibig? At kapag nalaman ni Alexus na si Bella ay anak niya, handa ba siyang patawarin si Luna at labanan ang mga multo ng kanilang nakaraan para sa pagkakataong maging buo muli bilang isang pamilya?
Romance
9.721.5K vistasCompletado
Leer
Agregar a biblioteca
SEAL OF LOVE

SEAL OF LOVE

Si Veronica Smith, isang dalagang matalino at mabait mula sa probinsiya, ay nagpunyagi upang maiahon ang kanyang pamilya. Ngunit ang isang aksidente ay magbabago ng lahat, matapos tulungan ang matandang si Venus, inialok siya ng kasal kay Jarred Heart, isang matagumpay at napakasupladong CEO, at guwapong apo ni Venus. Wala sa plano ni Veronica ang magpakasal sa isang estranghero, ngunit sa halagang isang milyong piso para sa operasyon ng kanyang ama, pinirmahan niya ang kontrata—bawal mainlove, bawal makakaalam ang kanilang kasal, at bawal makialam sa buhay ng bawat isa. Ngunit sa kabila ng lahat, lihim na nahulog ang loob ni Veronica kay Jarred, habang para kay Jarred, ang kanilang relasyon ay isang simpleng kontrata lamang. Habang papalapit na ang araw ng annulment, nagsisimulang magbago ang lahat—may bagong manliligaw si Veronica, si Kenny Bill, isang katrabaho na may tapat na pag-ibig para sa kanya. At doon, nagising ang puso ni Jarred na mahal na pala niya si Veronica. Pero para kay Veronica, nagsimula nang mag-give up, natatakot na madurog ang kanyang puso. Maagaw pa ba ni Jarred si Veronica mula kay Kenny, o tuluyan na bang magkakahiwalay ang kanilang mga landas? Ang isang kasal na nag-umpisa bilang isang kontrata, magtutuloy kaya sa isang tunay na pagmamahalan?
Romance
101.5K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
Never let you go

Never let you go

Ms. Sagittarius
Minsan ng nasaktan si Axel at nangako na hinding-hindi na siya iibig ulit. Nagiwan ng malaking sugat sa puso ni Axel ang nangyari sa kanyang nakaraan na buong akala niya ay hindi na niya makakalimutan. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakilala niya si Althea ang babaeng nagkaroon ng malaking impact sa buhay ni Axel. Simple lang si Althea, ordinaryo, may malambot na puso at gagawin ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay na kabaliktaran ni Axel. Nagkaroon ulit ng pagkakataon si Axel na magmahal at magtiwala ulit pero hindi sang-ayon ang Papa niya. Ang tingin kasi ng Papa ni Axel katulad lang din si Althea sa mga babaeng Pera at kapangyarihan ang habol sa anak niya. Gagawin niya ang lahat para paghiwalayin ang dalawa pero hindi makakapayag si Axel na muling manghimasok ang Papa niya kaya naman gagawin din niya ang lahat para protektahan ang taong mahal niya. Ngunit may dumating pa na isang pagsubok sa pagsasama ni Axel at Althea na talagang susubok sa kanilang dalawa. Bumalik ang nawawalang kapatid ni Althea na si Vivian na gusto ng Papa ni Axel para sa kanya. Dumating sa punto na kailangan pumili ni Althea kung ang kaligayahan ng mahal niyang kapatid o ang sarili niyang kaligayahan. Kung noon lagi na lang nagpaubaya si Althea para sa kaligayahan ng ibang tao ngayon hindi siya makakapayag na mawala sa buhay niya ang taong nagparamdam sa kanya kung paano mahalin at pahalagahan. Mahal ni Althea ang pamilya niya pero mas pinili niya ang taong mahal niya na alam niyang hindi siya iiwan kahit ano pang mangyari. Sa kabila ng mga pagsubok sa relasyon ni Axel at Althea ay nagawa nilang lampasan ng magkasama. Pinatunayan nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa at mas tumibay pa ang pagmamahalan nilang dalawa.
Romance
1.7K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
ANTERIOR
1
...
454647484950
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status