Triplets and a Second Chance
Hindi na gaanong masakit ang sugat at ang pakiramdam na iyon ay parang nag-aanyaya na lang siyang matulog magpakailanman.
Sa ulap ng kanyang kamalayan, tila naririnig niya ang tinig ng kanyang ina… mahina, maawain, kinakantahan siya ng
“Twinkle, Twinkle, Little Star.” Kasabay ng haplos na parang nag-aalo sa kanya.
Matulog ka na, Elara…
So sleepy… so tired… I really want to sleep… bulong niya sa isip.
Pero biglang bumalik ang alaala ng sinabi ni Mommy. Elara, don’t sleep. Not now.