My Husband's Biggest Regret
“Alam mo kung ako sa iyo, hindi na ako magtatrabaho pa ng ganito. Napakayaman ng asawa mo. Isang CEO… isang bilyonaryo! Limpak-limpak na pera ang mayroon siya at may kung ano-ano pang mga real state, tapos ikaw na asawa niya ay nandito lang? Nagla-live selling?”
Bumuga ako ng hangin bago naupo sa tabi niya. Oo napakayaman nga ng asawa kong si Gray, pero simula ng akalain niyang nanlalaki ako, hindi na ako tumanggap ng kahit anong pera o kahit magkano sa kanya. Ang gusto ko ay may sarili akong pera kung saan pinaghirapan ko talaga ito. Alam kong hindi pa rin ako tanggap At sa tingin ko nga hindi ako matatanggap ng kanyang ina. Dahil kinasal kami ni Grey ng palihim. At sa totoo lang, anim na b