I love you, Sister
ipinakita niya sa akin ang loob ng coffee shop, at namangha ako dahil hindi pa naman oras ng uwian pero pila na ang mga customer hanggang labas.
“Dad, bilib na talaga ako sa’yo!” tuwang-tuwang komento ko. “Ang galing-galing mo talaga pagdating sa negosyo.”
“Siyempre naman, anak.” Proud na sambit ni daddy. “Hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay mo sa akin. Huwag kang mag-alala, palalaguin ko itong negosyong iniwan mo, at susubukan kong magtayo ng iba pang mga branch kapag kinaya na ng budget. Mag-iipon muna ako Kakausapin ko din ang mga dati kong panyero para mag-invest, at siguradong hindi nila ako tatanggihan. Hindi man tayo makabalik sa dati, sisiguraduhin kong hindi na tayo maghihirap.”
Hot Chapters