تصفية بواسطة
تحديث الحالة
الجميعمستمرمكتمل
فرز
الجميعشائعتوصيةمعدلاتتحديث
The Billionaire’s Secret Bride

The Billionaire’s Secret Bride

Akala ni Bhemzly Acson ay habambuhay siyang untouchable. Lahat ay kayang paikutin, kayang tapakan—pati si Jack Devera, ang tahimik at simpleng lalaking minsang naging laruan ng kanyang kabataan. Ngunit paglipas ng panahon, bumaliktad ang mundo. Ngayon, si Jack na ang nasa itaas—isang respetadong billionaire na hindi lang ubod ng talino, kundi kontrolado rin ang halos lahat… kasama na ang kapalaran ni Bhem. At sa isang kasunduang wala siyang takas, napilitang tanggapin ni Bhem ang papel bilang asawang-kontrata ng lalaking minsan niyang sinaktan. Ang hindi niya alam, hindi lang paghihiganti ang dahilan ni Jack. Sa ilalim ng malamig nitong anyo, may lalaking matagal nang may pagtatangi sa babaeng nang-api sa kanya noon. At bang kasunduang ito, ay hindi lang para turuan siya ng leksyon—kundi para protektahan siya, ilayo sa mas malaking kapahamakan, at muling kilalanin ang pusong dati’y binasag. Ngunit sa pagitan ng galit at pag-aalangan, unti-unti ring lumilitaw ang tunay na kulay ng bawat damdamin. Kapag ang poot ay nagsimulang tumiklop sa harap ng muling pagtibok ng puso—may pag-asa pa bang maging totoo ang isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? Isang kwentong puno ng emosyon, sikretong hindi inaasahan, at isang lalaking kahit may sugat sa nakaraan—ay piniling mahalin pa rin ang babaeng naging dahilan nito.
101.3K وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 37 مرة ضمن the broken ring novel wattpad
قراءة
+مكتبة
Not Ordinary Love

Not Ordinary Love

Hindi plano ni Alexie Kim Padilla na magmahal ulit. After being cheated on by her ex-boyfriend, she promised herself one thing—no attachments, no expectations, no pain. Kaya nang lumipat siya ng network, ang goal niya lang ay magsimula ulit at iwan ang lahat ng nakaraan. Pero isang banggaan sa hallway ang magpapabago ng lahat. Doon niya nakilala si Emmanuel Villa—gwapo, charming, at… hindi pala straight. Parte siya ng LGBTQ+ community at may boyfriend na rin. Sa unang tingin, alam na ni Alexie—hindi pwede. Pero bakit parang ang hirap umiwas? Habang tumatagal, mas nagiging malapit sila sa isa’t isa. From simpleng tulong, naging comfort, hanggang sa maging sandalan sa mga sakit na pareho nilang tinatago. Pareho silang nasaktan, pareho silang takot… pero pareho ring unti-unting nahuhulog. Hanggang sa dumating ang moment na kailangan nilang tanungin ang sarili nila—kaya ba nilang sugalan ang isang bagay na alam nilang komplikado? Isang relasyon na walang label. Isang pag-ibig na bawal. At isang katotohanan na mahirap tanggapin. Nang masira ang lahat dahil sa isang pagkakamali, mapipilitan silang harapin ang tanong na matagal nilang iniiwasan— Kung ang pag-ibig ay hindi ordinaryo… karapat-dapat pa rin ba itong ipaglaban? Sa mundong puno ng judgment, expectations, at takot—pipiliin ba nila ang isa’t isa? O hahayaan na lang nilang maging isang alaala ang lahat?
103.7K وجهات النظرمكتملأُضيف إلى المكتبة 134 مرة ضمن the broken ring novel wattpad
قراءة
+مكتبة
The Conquences of a Night with a Billionaire

The Conquences of a Night with a Billionaire

Si Madison Georgette Fortunato ay isang dalawampung taong gulang na ulila na lumaki sa ampunan. Sa murang edad, natuto siyang mabuhay mag-isa habang pinagsasabay ang pag-aaral, pagiging coffee shop crew, at freelance modeling para lamang mabayaran ang renta at mabuhay nang maayos. Tahimik at simple lang sana ang mundo niya—hanggang sa makilala niya si Lucian Charles Stryker, isang batang bilyonaryong sanay makuha ang lahat ng gusto niya. Gwapo, makapangyarihan, ngunit mapanakit at wasak ang pagkatao. Nagsimula ang lahat sa isang gabing puno ng alak, musika, at matatamis na salita. Isang gabing hindi nila akalaing magiging simula ng magulong pag-ibig. Sa kabila ng babala ng utak niya, unti-unting nahulog si Madison sa lalaking puno ng sikreto at kasinungalingan. Ngunit habang lalong lumalalim ang relasyon nila, unti-unti ring nabubunyag ang madilim na katotohanan tungkol kay Lucian—ang pamilya nito, ang ibang babaeng ipinapakilala bilang kasintahan, at ang mundong hindi kailanman magiging para sa isang simpleng babae tulad niya. Hanggang sa isang gabi, tuluyan siyang nasaktan at piniling lumayo. Bitbit ang wasak na puso at isang sikretong hindi alam ni Lucian… umalis si Madison habang dala-dala ang anak ng bilyonaryo.Pagkalipas ng ilang taon, muli silang pagtatagpuin ng tadhana. Ngunit sa pagbabalik ni Madison, handa pa bang mahalin ni Lucian ang babaeng iniwan niya noon—o muli niya lamang itong sisirain?
68 وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 1 مرة ضمن the broken ring novel wattpad
قراءة
+مكتبة
In Ninong Santino's Bed

In Ninong Santino's Bed

Hindi naging madali ang buhay ni Cataleya Lorenzo. Lumaki siyang walang ina at ang tanging pamilya niya ay ang ama niyang palaging abala pero kailanma’y hindi siya pinabayaan. Sa Amerika siya nagkaisip, malayo sa mundong tunay niyang pinagmulan. Pagbalik niya sa Pilipinas, isang linggo pa lang ang lumilipas nang ipakilala sa kanya ng ama ang matalik nitong kaibigan—si Santino Rosales. Matagal na niyang naririnig ang pangalang iyon, pero hindi siya handa sa kung anong klaseng presensya ang sasalubong sa kanya. Walang nabanggit ang ama niya tungkol sa lalaking may tinging kayang tumagos sa laman, tinig na malamig pero nakakakuryente, at lakas ng loob na hindi mo puwedeng bale-walain. Si Santino Rosales ay isang kilalang propesor, negosyante, at taong hindi basta nalalapitan. Pero habang tumatagal, lalong nahuhulog si Santino sa bitag ng sarili niyang damdamin. At nang biglang bawian ng buhay ang ama niya sa isang aksidente, naiwan siyang walang mapuntahan kundi ang bahay ni Santino. Sa huling hiling ng ama niya, ito na ang magiging tagapangalaga niya. Ngunit sa bawat araw na magkasama sila, sa bawat tahimik na gabing sila lang ang naroroon, mas lalong humihigpit ang tali ng damdaming hindi dapat umusbong. Anong gagawin niya kung ang nag-iisa niyang tagapagtanggol ay siya ring lalaking unti-unting bumibihag sa puso niya?
2.2K وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 59 مرة ضمن the broken ring novel wattpad
قراءة
+مكتبة
Beneath the Billionaire's Mask

Beneath the Billionaire's Mask

“Magiging asawa mo ako, Vespera. Hindi dahil gusto ko—kundi dahil wala kang takas.” Si Thorne Valtor, ang malamig at walang-awang CEO ng Valtor Enterprises, pinilit ng kanyang lolo na magpakasal upang iligtas ang pamilya at ang kompanya mula sa eskandalo. Hindi niya inaasahan na ang pipiliin niyang “pang-cover” ay ang bagong maid sa penthouse niya—si Vespera Lang. Pero hindi ordinaryong katulong si Vespera. Limang taon na ang nakalipas, isang mainit na gabi ng one-night stand ang nagtapos sa sakit nang sirain ni Thorne ang negosyo ng pamilya niya at itulak ang ama niya sa bangin ng kahirapan. Nawala siya noon, nagbago ng pagkatao, at ngayon ay bumalik siya—disguised, determined, handang magnakaw ng ebidensya at wasakin ang imperyo niya mula sa loob. Sa ilalim ng kontrata ng kasal, nagiging sunog ang bawat haplos, bawat tingin, bawat away. Si Thorne, na sanay mag-utos at mag-angkin, ay unti-unting nahuhulog sa babaeng akala niya kontrolado niya. Si Vespera naman, na puno ng galit, ay nahihirapang pigilan ang init na muling sumisiklab sa pagitan nila. Hanggang saan ang kaya niyang itago ang kanyang paghihiganti? At hanggang kailan kaya niyang itanggi na ang lalaking sinisira niya ang buhay ay siya ring lalaking hinahanap ng kanyang puso? Makakatakas ba sila sa trap na ito… o susunugin sila ng apoy na sinimulan nila pareho?
341 وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 13 مرة ضمن the broken ring novel wattpad
قراءة
+مكتبة
MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1

MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1

Marinelli Starr
Destined to save the world from its doom caused by an ancient curse that appears every one hundred years, Matthaios Levidis, together with a group of young and brave doctor scientists from Athens, Greece, is set to find and kill the carrier of the curse, the ambitious fashion model Ava Taylor. Ava is suspected to be the first carrier of the unknown virus that turns victims into flesh-eating nocturnal mutants. Ngunit sa halip na si Ava ang natagpuan, isang simpleng probinsiyana ang bumihag sa puso ni Matthaios. But right after he pledged his heart to Nica Masangkay, a dark secret is revealed which compels him to choose between his mission and the woman he loves. IMPORTANT REMINDER!!! I spent time, effort and money in writing this piece of art. Nobody is allowed to make money out of it unless I give my written consent. If I caught somebody COPYING or SELLING the soft copy of this story or any of my stories here on Good Novel, I will make sure that he/she will deal with the law for violating Republic Act No. 8923.
102.2K وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 68 مرة ضمن the broken ring novel wattpad
قراءة
+مكتبة
Pandora's Box (Tagalog)

Pandora's Box (Tagalog)

AnneBlythe
Timothy Blythe is known as the king of Strawberry Fields Academy. He poses as an arrogant jerk who only likes to play soccer and hook up with different girls. But behind all these despicable traits hides a very fragile boy who was haunted by his dark past. His repressed memories that have been locked away have suddenly broken loose, and painful feelings are coming back to destroy his life and the lives of those around him. Will he be able to control these vengeful feelings that came from his own Pandora's box, or will he succumbed to this dark persona that looms behind him and destroy the love he tried to form with others?
105.5K وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 202 مرة ضمن the broken ring novel wattpad
قراءة
+مكتبة
A Love to Last

A Love to Last

iamsashi_
Upon unfolding the truth in the past, the sentiments unraveled. Magi and Dylan were each other’s first love, proving that ‘first love never dies. They were about to start their fairytale-like love story, not until a controversial revelation happened… that Dylan was the ex-boyfriend of her sister, Macy. Her sister’s ex-boyfriend that she is still in love with and obsessed with. Will it matter to Magi the love she has for Dylan? Or rather will she choose to let him go for her sister’s sake? Could she be able to prioritize herself or instead, she chooses to give up the love she has for Dylan in the fear that the relationship she has with Macy could possibly be broken?
96.9K وجهات النظرمكتملأُضيف إلى المكتبة 179 مرة ضمن the broken ring novel wattpad
قراءة
+مكتبة
His Forbidden Maid

His Forbidden Maid

Si Cyzrie, simpleng probinsyana, ay napunta sa mansyon ng lalaking kinatatakutan ng lahat—si Luiz. Marangal at masipag sa trabaho, tahimik siyang sumusunod sa bawat patakaran.Pinili na lamang ni Cyzrie na umaktong walang nangyari at iwasan si Luiz hangga’t maaari. Nagtiis siya sa sitwasyon, ngunit nang matuklasan niyang buntis siya, napagdesisyunan niyang tumakas— sana. Kasabay nito, nalaman din niya ang delikadong mundong ginagalawan ng kanyang boss—kaya lalo siyang natakot na madamay, lalo na ang batang dinadala niya. Nalaman ni Luiz na buntis pala si Cyzrie. Nag-alok siya ng kasal para protektahan ang pamilya ng kanilang magiging anak at nangako ring tulungan siya sa utang at lupa ng pamilya sa probinsya. Dahil dito, pumayag si Cyzrie —bagama’t natatakot, wala na siyang ibang pagpipilian. Unti-unti rin niyang nakikilala ang totoong Luiz: ang lalaking dati’y mabigat ang aura at bihirang ngumiti ay naging mahinahon at gentle, lalo na para sa baby. Ngunit dumating si Belle, fiancée at greatest love ni Luiz, at sinubukang sirain ang kanilang mundo. Isang gabi, muntik pang mapanganib ang baby nila dahil sa galit at inggit ni Belle—at dito sumiklab ang galit ni Luiz. Mula noon, hindi na niya iniwan si Cyzrie, at unti-unti niyang na-realize na minamahal na pala niya ang babaeng dati’y simpleng maid lamang— sa paraan na alam niya.
166 وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 6 مرة ضمن the broken ring novel wattpad
قراءة
+مكتبة
Behind the CEO’s Scandalous Marriage

Behind the CEO’s Scandalous Marriage

Warning: SPG May mga nilalaman na hindi angkop sa mga bata. *** Hindi niya pinili ang kasal. At hindi niya dapat pinagnasahan ang lalaki. Nang malaman ni Althea De Fuego na ipapakasal siya sa isang makapangyarihang CEO upang iligtas ang kanyang pamilya, isang gabi lang ang hiniling niya. Isang gabing wala siyang obligasyon, wala siyang pangalan, at wala siyang kinabukasan na iniisip. Isang gabi. Isang pagkakamali. Ngunit natuklasan niya ang katotohanan. Ang lalaking nakasama niya ay si Anderson Velasco - ang lalaking konektado sa kapangyarihang kumokontrol sa buhay niya, ang lalaking nakatayo sa maling panig ng kanyang kasal, at ang lalaking hindi niya dapat kailanman hinawakan. Sa loob ng isang mansyong itinayo sa mga kontrata, katahimikan, at kontrol, ang pagnanasa ay nagiging kasalanan. Bawat tingin ay binabantayan. Bawat hakbang ay sinusukat. Habang hinihigpitan ng kanyang mapapangasawa ang hawak sa kanya, pilit namang nilalabanan ni Anderson ang damdaming maaaring sumira sa kanilang dalawa. Ngunit kapag may lihim na kumalat, may pagtataksil ring mamabunyag, at ang araw ng kasal ay nauwi sa kaguluhan. Sa mundong ang kasal ay kasunduan at ang katahimikan ay paraan ng kaligtasan. Hanggang saan siya lalaban upang bawiin ang sarili at paano kung ang lalaking gusto niya ay ang lalaking hindi niya maaaring piliin? Paano itatago ang pagnanasang hindi na kayang pigilan?
101.1K وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 36 مرة ضمن the broken ring novel wattpad
قراءة
+مكتبة
السابق
1
...
4445464748
...
50
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status