CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD
Nakatalikod ang lalaking kasama ni Cara kaya hindi niya masigurado kung si Finn nga ba ito o hindi.
"Thank you for the help, Mr. Hoodie. Pwede ka nang umalis," pasasalamat niya habang inaabot ang sobre ng bayad sa lalaki.
Agad itong kinuha ng lalaking naka-hoodie, at kahit hindi gaanong makita ang mukha nito, bahagyang napatango bilang tugon. Tahimik itong lumingon-lingon at naglakad palayo, tila sanay sa ganitong klase ng transaksyon. Pinanood niya itong mawala sa likod ng mga sasakyan bago siya muling nagkubli sa anino ng mga kotse.