TRAPPED IN HIS WRATH
Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na tumakas, baka sa susunod ay hindi na ito maulit pa.
May mga damit sa closet na kasukat niya, pati mga sapatos, rubber shoes ay tila isinukat sa kanya. Pumili siya ng puting tshirt, rubber shoes, at jeans. Katulad ng inaasahan niya ay nakita niya si Red na naghihintay sa kanya.
"Follow me." Anito bago nagpatiunang maglakad.
Habang nakasunod rito ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil sa kaba. Hindi siya pwedeng pumalya sa pagtakas.
ตอนยอดนิยม