The Secret Wife's Temptation [Filipino Romance]
"Lalo na iyang magaling mong kapatid, naku! Akala ba ni Trever na hindi nakakarating sa tenga ko ang pagpapalit-palit niya ng babae. Alam ko iyon lahat. Ang tanda-tanda na pero hindi pa rin lumagay sa tahimik. He should have moved on and found himself a decent girlfriend. Minsan nga ay naisip ko nang i-arrange marriage siya sa anak ng business colleague ng Daddy mo."
"Ma, no! Baka lalong magrebelde iyong si Tor kung gagawin niyo iyan. Baka hindi pa kasi dumadating ang talagang nakatadhana kay Tor. Pihikan din naman kasi ang isang iyon, hindi lang masyadong halata." Hagikhik ni Reverie. "Atsaka, Mom. Huwag mo munang apurahin si Kuya Trever baka mapatid na naman iyan sa maling babae. Just like