Not a One-Night Stand
Kitang-kita niya ang gulat sa aking mukha at mukhang tuwang-tuwa pa siya nang nasaksihan niya iyon.
“And for your information, malapit na ang kasal namin. Napurnada lang dahil may isang mabahong basura na naligaw rito, and I'm here to get rid of it.” Bigla siyang sumeryoso at mas lalong lumapit, bahagya siyang yumuko sa aking tenga upang mariin akong bulungan. “And I'm telling you, mabait pa ako sa ngayon kaya bibigyan kita ng pagkakataon na ikaw na mismo ang lumigpit sa sarili mo. Lumayas ka rito at huwag na huwag mo nang lalapitan ulit si Cargo. Sumunod ka sa akin habang may pasensya pa ako, dahil kung hindi ay ako mismo ang kakaladkad sa ‘yo paalis dito. Naiintindihan mo ba?”
Hot Chapters