PRINCESS DELA BOTE
Hindi kaya, sakaling magbago ito at magtagumpay sa buhay, ay kalimutan naman siya at ipagpalit sa ibang babae?
Diyos na mahabagin, hindi! Hindi niya kakayanin! Kaya lang naman nagdesisyon siyang magpakalayo ay upang magbakasakali na magtanda si Enrico. Gusto niyang mamulat ang mga mata ng asawa kapag wala na siya at pagsisihan ang naging mga kahinaan. Pero kung mauuwi lang sa wala, mabuti pa sigurong magbalik na agad siya sa kabila ng lahat.
Napailing siya sa mga naiisip. Masyado lang siyang nape-pressure ng mga problema. Bakit ba negatibong mga bagay agad ang iisipin niya? Wika nga, "so many thoughts spoil the mind".
Bab Populer