CARIÑO ETERNO
“Sasabihin ko na may malaki akong utang na loob sa iyo, at dahil sayo naligtas ang buhay ko, Binibini”
Muli kaming naglakad sa gitna ng kagubatan. Lagpas tanghali ng makarating kami sa aking lupain na tinitirhan. Nang makita ako ng isang bata na paparating ay agad siyang tumakbo at nagsisigaw, “Bumalik na si Palan-taw! Bumalik na si Palan-taw!” inulit-ulit niya yun hanggang sa malibot niya ang lahat ng bahay kubo. Ilang saglit lang ay nagsilabasan na ang mga tao. Hindi ko alam kung tuwa ba o pagkadismaya ang nakikita ko sa kanilang mga mata. Marahil natutuwa sila dahil ako ay nakabalik, pero may pagkadismaya at gulat ng makita nilang may kasama akong isang Binibini.
Hot Chapters