Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Takasan Ang Bilyonaryong Taksil

Takasan Ang Bilyonaryong Taksil

Pagod na pagod na si Merida pakisamahan ang kaniyang asawa at kaniyang mga in-laws na ang buong attention ay nasa stepsister lang niya. Sa limang taon na kasal sila ni Evos, ginawa siyang alila ng biyenan niya at hindi siya kailanman tinuring ni Evos na asawa. Hanggang sa dumating sa puntong nalaman niya ang pagtataksil nito at iisa lang ang nais niyang mangyari, ang takasan ang asawa niyang taksil.
10120.5K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 3.0K kali sebagai tripiṭaka
Baca
+Pustaka
Makasalanang Haplos ni Ninong (SPG)

Makasalanang Haplos ni Ninong (SPG)

Akala ni Dasha ay nabuntis siya ng kanyang boyfriend. Ngunit nang mahuli niya itong may ibang babae, na sarili pa niyang kapatid, nakipaghiwalay siya rito nang hindi sinasabi na buntis siya. Pero bago pa man mangyari ang lahat ng iyon, nagkaroon siya ng isang one-night stand sa isang lalaking hindi niya nakilala dahil sa kalasingan. Ang hindi niya alam, ang lalaking iyon ay ang sarili niyang Ninong Cameron, na siya ring bagong boss niya. Kalaunan, nalaman niyang baog ang kanyang ex-boyfriend. Kasabay nito, unti-unti ring nabunyag ang katotohanan, na ang lalaking naka-one-night stand niya ay ang kanyang ninong. Doon niya napagtanto na ito ang tunay na ama ng batang dinadala niya. Ngunit paano kung ang inakala niyang ninong… ay ibang tao pala, at siya rin ang ama ng dinadala niya?
739 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 25 kali sebagai tripiṭaka
Baca
+Pustaka
Isang Magandang Pagkakamali

Isang Magandang Pagkakamali

Sa araw ng kanyang kasal, namatay ang kanyang asawa, na iniwan siya sa isang mahirap na sitwasyon. Pinagbawalan siya ng kanyang mga biyenan na magpakasal muli at pinilit siyang magtrabaho bilang isang sekretarya ng kanyang bayaw, na presidente ng isang kumpanya. Hindi nagtagal ay napagtanto niya na ang pangulo ay ang lalaking nakatagpo niya sa nakamamatay na gabing iyon. Tila nakilala niya siya at tinatrato siya nang may paghamak, pagmamataas, at kabastusan, na nagparamdam sa kanya ng labis na pagkabalisa. Naisipan niyang tumakas, ngunit nahuli siya nito at ibinalik. Ano ang kanyang tunay na intensyon?
4.6K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 169 kali sebagai tripiṭaka
Baca
+Pustaka
Ang Bilyonaryong Magsasaka

Ang Bilyonaryong Magsasaka

Pagkatapos masawi sa pag-ibig ang bilyonaryong si Maximus o mas kilalang Axis, ay nagdisisyon siya na tumira sa mountain province at piniling maging isang magsasaka. Sa lugar na 'to ay nagawa niyang makalimutan ang panlolokong ginawa ng ex-girlfriend niya. Subalit sa 'di inaasahang sandali ay dumating sa buhay niya si Abigail, ang dalagang spoiled brat na laking America. Magagawa kaya nitong pasukin ang puso niya? Paano kung sa ugali pa lang nito ay nalagyan na niya ng ekis ang pangalan nito?
10136.6K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 2.9K kali sebagai tripiṭaka
Baca
+Pustaka
Asawa ng Nakalimutan: Buntis at Inabandona

Asawa ng Nakalimutan: Buntis at Inabandona

Nalaman ko na buntis ako kasabay ng childhood sweetheart ng asawa ko na si Rosa. Para protektahan ang kanyang anak mula sa pagpapaabort, sinabi ng asawa ko na anak niya iyon. Sa anak ko? Pinagaan niya ang loob ko, sinabi niya na aangkinin lang niya ang bata kapag isinalang na ito. Kinumpronta ko siya, gusto ko malaman kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Malamig at walang alinlangan ang sagot niya: “Ang angkinin ang baby ang tanging paraan para protektahan sila pareho. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanya o sa baby niya.” Sa oras na iyon, habang nakatingin ako sa lalaki na minahal ko ng sampung taon, napagtanto ko na namatay na ang pag-ibig ko para sa kanya. Hindi nagtagal, kinundena ako ng pamilya ko, tinatawag akong pokpok dahil nagkaanak ako ng wala itong ama at pinressure ako na magpa-abort. Samantala, nasa ibang lungsod naman ang asawa ko, kasama ang sweetheart niya, tinutulungan siya sa kanyang pagdadalantao. Sa oras na nakabalik siya, nakaalis na ako.
3.2K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 87 kali sebagai tripiṭaka
Baca
+Pustaka
BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO

BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO

Sa isang lungsod na puno ng mga kontraste, dalawang tao mula sa magkaibang mundo ang nagtagpo. Si Hendry, isang sikat at makapangyarihang billionaire, ay nabubuhay sa mundo ng luho at tagumpay. Subalit, may isang bagay na nagpapaiba sa kanya sa iba pang mga mayayaman-siya ay pilay. Dahil sa isang aksidenteng hindi nya inaasahan, si Hendry ay gumagamit ng wheelchair, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya upang makamit ang mga pangarap at maging isa sa mga pinakamatagumpay na tao sa negosyo. Sa kabilang banda, si Sienna ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Lumaki siya sa isang maliit na baryo kung saan ang bawat sentimo ay mahalaga. Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, si Sienna ay matiyaga, matalino, at puno ng pangarap. Nagtrabaho siya nang husto upang makapag-aral at umahon sa kahirapan. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang pagkikita nila mula sa isang simpleng pagkakataon tungo sa isang malalim na koneksyon. Sa gitna ng mga hamon ng kanilang magkaibang mga mundo, natutunan nilang magtulungan at magbigay inspirasyon sa isa't isa. Si Hendry ay nakita ang lakas at pag-asa sa hirap ng buhay ni Sienna, habang si Sienna naman ay natuto mula sa tapang at talino ni Hendry sa pagharap sa mga pagsubok.
2.1K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 52 kali sebagai tripiṭaka
Baca
+Pustaka
NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

Twenty-three years old si Tori nang makilala niya si Taj na isang bombero sa isang maliit na bayan sa Guimaras. Nasa kasagsagan siya noon ng tagumpay bilang isang popstar ngunit na-in love siya sa lalaki at ang dating organisado niyang buhay ay nagulo. It was a whirlwind romance ngunit dahil sa pangingialam ng kanyang ina ay napilitan siyang magpakasal nang lihim kay Taj. Kung gaano sila kabilis na nagkalapit ng lalaki ay ganoon din sila kadaling nagkalayo nang pumutok ang balitang nabuntis si Tori ng CEO ng Crystal Music na si Sid Rodriguez kasunod ng pagkakatuklas niya sa tunay na pagkatao ni Taj. Limang taon na ang dumaan at pareho na silang may magkaibang landas na tinatahak. Ayaw na ni Tori na magkaroon pang muli ng kaugnayan kay Taj ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muling nagsanga ang landas nila sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Muli kaya silang magkakalapit o tuluyan na nilang tutuldukan ang ugnayang siyang naging dahilan ng kirot sa puso na pareho pa rin nilang nararamdaman?
1022.8K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 753 kali sebagai tripiṭaka
Baca
+Pustaka
Nagmakaawa siyang makipagbalikan

Nagmakaawa siyang makipagbalikan

Matapos ang limang taon kasama si Nathaniel Sinclair, inisip ni Sylvia Garner ang kanilang pagmamahal ay aabot sa habang buhay na commitment. Pero ng pinostpone ni Nathaniel ang kanilang kasal, ang kanyang mundo ay nagsimulang gumuho. Sa private club, nakita ni Sylvia ang isang eksena na dumurog sa kanyang puso—Si Nathaniel nakaluhod sa isang tuhod, nagpropose sa ibang bbabae. “Kasama mo si Sylvia ng limang taon, pero ngayon bigla mong papakasalan si Vivian Hayes. Hindi ka ba takot na malulungkot siya” May nagtanong. Nagkibit balikat si Nathaniel. “Si Vivian ay may sakit. Ito ang kanyang dying wish. Sobrang mahal ako ni Sylvia para iwan ako.” Alam ng buong mundo na mahal ni Sylvia si Nathaniel sa punto na obsessed siya, naniniwala na hindi siya mabubuhay ng wala ito. Pero sa oras na ito, mali siya. Sa araw ng kanyang kasal, sinabi niya sa kaibigan niya, “Bantayan mo si Sylvia. Huwag siyang hayaan na malaman na may iba akong papakasalan!” Napahinto ang kaibigan niya. “Ikakasal din si Sylvia ngayon. Hindi mo ba alam?” Sa sandaling iyon, nagbreak down si Nathaniel.
1.6K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 59 kali sebagai tripiṭaka
Baca
+Pustaka
NAAKIT NG MAKASALANANG BILYONARYO  (ISANG EROTIKO)

NAAKIT NG MAKASALANANG BILYONARYO (ISANG EROTIKO)

Babala ⚠️ ‼️ ⛔️ Ang aklat na ito ay naglalaman ng tahasang grapikong nilalaman, mala-bughaw na pananalita, at mga mahalay na pagnanasa | Maaari ka bang 100% mahikayat na lumapit, mag-ingat🤤💦| Ibaon ang iyong sarili dito sa iyong sariling kapinsalaan…o kasiyahan🥵😋🔞| ***************** Tapos na ang paghihirap ko! Ipinangako ni Robin sa kanyang sarili. Hindi na niya hahayaang ang tadhana ang magdesisyon sa kanyang kaligayahan, gayundin ang kanyang nabigong relasyon. Ang kaligayahan ay isang banyagang wika para kay Robin Clay pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang mga kapatid na babae, ang karumal-dumal na pagpatay sa kanyang mga magulang, at isang mapaminsalang paghihiwalay sa kanyang serial cheating fiancée. Kailangan niyang malampasan ang lahat ng ito; ang sakit, pagtataksil, sakit, dalamhati, at pagkawala. Sa bingit ng kanyang pagbabago, nakakuha siya ng inaasam na trabaho sa McCullen Confectionery, isang kompanyang nagkakahalaga ng bilyon-bilyong dolyar na pangarap lamang pagtrabahuhan. Di-nagtagal, natuklasan niya na ang kanyang amo at CEO, si Jack McCullen, ay siyang lahat ng kanyang ipinangakong hindi kailanman masasangkot; matured, may tiwala sa sarili, magnetic, makapangyarihan, mapanganib na kaakit-akit, at nakabibighaning kagandahan, ay nagpahina sa kanyang determinasyon at iniwan siya sa kanyang awa. Pinasigla ni Jack ang bawat mapaminsalang pagnanasa sa kanya, isang bagay na hindi niya handa at labis na ikinahihiya, lalo na nang sa palagay niya ay may ibang babae na siyang karelasyon. Gayunpaman, ang nagsimula bilang isang propesyonal na interaksyon sa pagitan nila ay mabilis na naging isang madamdamin at ipinagbabawal na atraksyon na minarkahan ng mga ninakaw na sandali, matinding kimika at isang patuloy na tunggalian sa pagitan ng pagpipigil, pagnanasa at kanyang moralidad. Siya ay napunit; pinipigilan ang kanyang mga pagnanasa o sumuko sa pagnanasang pinukaw ni Jack sa kanya—isang bagay na nakakalasing, makasalanan at mapanira.
10326 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 12 kali sebagai tripiṭaka
Baca
+Pustaka
LOVE HAS NO GENDER:mahal kita ngayon,bukas at magpakaylanman

LOVE HAS NO GENDER:mahal kita ngayon,bukas at magpakaylanman

Yellowbelle
No! no!...its impossible….no way…ayoko…. Confused. Curious. Self-denial. Fear. Mixed emotions. Yan ang nararamdaman ni Belle a nursing student na nagpupursige na makapagtapos sa kolehiyo para maiahon ang buhay nilang mag-ina sa kahirapan. It’s a weird thing para sa isang babae na magkaroon nang kakaibang feelings sa kapwa ya babae. She’s never been into girls before. Straight na straight siya pagdating sa gender preference nya pero ito ay nag iba nang makilala nya si Dina Joy Benitez, a criminology student, a feminine lesbian, a shy type person. Walang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao maging ang kanyang pamilya na siya ay isang tibo maliban sa mga piling kaibigan. Saan kaya hahantong ang nararamdaman ni belle?
102.5K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 63 kali sebagai tripiṭaka
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
12345
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status