Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Romance
1023.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Condemned Son In Law (Tagalog)

The Condemned Son In Law (Tagalog)

"Hindi ko alam kung sasapat ang pagmamahal ko sa iyo sa kabila ng mga nagawa ng pamilya mo sa angkan ko. Sobrang mahal kita, Noelle! Ngunit hindi ko maipapangako kung magagawa ko na palampasin ang kasamaan ng mga magulang mo," puno ng hinanakit na saad ni Kael. Si Noelle ay kabilang sa kilala at mayamang pamilya na nagmahal sa kagaya ni Kael na isang anak mahirap. Pinagbintangan at ikinulong ngunit nagbalik na may magandang buhay na maipapangalandakan. Nagbalik s’ya upang maitama ang pagkakamali na nagawa sa kanya ni Don Mondragon. Ang kanilang pagmamahalan ay napuno ng hinanakit na nagdulot ng malalim na sugat kay Kael na maagang naulila sa kagagawan at kasakiman ng ama ng babae, at si Noelle na naging biktima sa kasinungalingan at pambibintang ng sariling ama upang mapaikot sa mga palad nito at mapasunod sa gusto. May pag-asa pa kaya na manumbalik ang marubdob na pagmamahalan sa kabila ng magulong nakaraan na nagpapahirap sa kanila hanggang sa kasalukuyan? Alin ang mangingibabaw sa kanila, pagmamahal ba o mas mananaig ang galit sa dibdib ng isa sa kanila?
Romance
97.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Rejected Wife of A Heartless CEO

Rejected Wife of A Heartless CEO

Sabi nila, isa raw sa magagandang araw sa buhay ng isang babae ay ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Pero hindi ako. Dahil iniwan ako ng lalakeng nangako sa akin na sasamahan ako habang buhay sa mismong seremonya ng aming kasal. Iniwan niya akong nag-iisa sa altar at mas pinili ang nakababata kong kapatid. Hindi lahat ng kasal ay masaya. Isinumpa ko ang araw  na iyon at nangako sa sariling maghihiganti. Pero paano pa ako makapaghihiganti kung namatay ako mismo sa araw na iyon?
Romance
8.533.1K viewsOngoing
Read
Add to library
She Once Married The Duke (ZL Lounge Series 05- 2nd Gen)

She Once Married The Duke (ZL Lounge Series 05- 2nd Gen)

Ang maging chef ang pinaka pangarap ni Everlee Moore talaga. Lahat na kasi meron siya kaya nakatutok lang siya sa pangarap niya. Sa ikakasiya niya. Pinanganak siyang may gintong kutsara na sa bibig. Hindi na niya kailangang magtrabaho din sa kumpanya nila dahil nandyan naman ang mga kapatid niya. Gustong-gusto niyang magluto. Para sa kanya, food is life. At iyon ang naging dahilan para mag-enroll siya sa isang cooking school sa England. Dalawang school iyon. Isa sa Bedfordshire, kung saan kasalukuyang Duke si Davey Kristoff or DK Ward Collin. Matalik na makaibigan ang pamilya nila. Kaya humingi siya nang tulong dito nang mawala ang bagahe niya sa airport. Walang natirang gamit sa kanya at walang naibalik. Kinupkop siya nito at pinatira sa palasyong tinitirhan nito. Hindi pwedeng malaman ng magulang niya ang nangyari sa kanya, dahil baka pababalikin siya ng mga ito sa Pilipinas. Kaya inilihim nila ni DK ang lahat. Pero hindi akalain ni Everlee na may mabubuong pagmamahalan sa kanila ni DK habang nasa poder siya nito. Akala niya dahil sa utang na loob lang kaya siya pumayag na maging Duchess ng Bedford. No. Mahal na pala niya si DK. Ngunit isang aksidente ang pumutol sa pagmamahalang iyon. Hindi siya maalala ni DK na pinakasalan siya nito. Dahil sa respeto nito umano sa magulang at kapatid niya, dinivorce siya nito bago pa malaman ng pamilya niya. Kaya nang muli silang magkita sa Pilipinas, tanging sambit lang ni Everlee sa sarili sa tuwing nakikita si DK, she once married that Duke…
Romance
1013.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Unforgettable Love with Mr. CEO

Unforgettable Love with Mr. CEO

Isang dalagang pumasok sa trabaho bilang kasambahay sa isang mansion para sa kanyang pamilya, dalagang pilit winaksi ang nararamdamang nasimulan dahil alam n'yang hindi ito nakakabuti sa trabaho o sa kanyang sistema lalo na't kung ikakasal lang din naman ang lalaking iniibig nya sa babaeng kasosyo sa negosyo. Sya ang dalagang walang kaalam-alam na sa kanyang pagpasok sa trabaho ay isang plano lamang mula sa lalaking matagal nang may gusto sa kanya. Plano nitong mapalapit ang dalaga at mapaibig ito. At hindi nga nabigo ang lalaki dahil nagkakatotoo ang kanyang mga plano. Sa pag-iibigang namamagitan sa kanila, kaya ba nitong maisalba ang paparating na malaking bagyo para sa kanila? Sapat ba ang kanilang pagmamahalan upang balewalain ang nakaraang pilit umi-eksena sa kanilang storya? Sapat ba ang kanilang pagkakagusto upang labanan ang madilim na nakaraan na may kinalaman sa Ina ng dalaga? But what if destiny plays its hand? Is there a chance that these opposite worlds will meet and give a chance to have an UNFORGETTABLE LOVE they have ever felt? Or are they just given a chance to feel the unforgettable pain they have ever felt?
Romance
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Rain Sevilla
Lihim sa mga kabanda ni Jhonel Hosoda ang relasyon niya sa co-singer sa dating pinagtatrabahuan niya sa Japan, not until he proposed to Akime, upang matanggap lamang ang rejection mula rito. Ang matagal niyang pinaghandaan at inasam ay nasira sa isang sandali lang. Ngunit kung bakit sa gitna ng pag-iwan ni Akime sa kanya ay biglang may isang babaeng nais pumalit sa ex-girlfriend niya para maging asawa. Sa labis na awa at concern ay inalok ni Laceyleigh ang kamay niya kay Jhonel para siya na lang ang pakasalan nito, pero sa halip ay pinagtawanan siya. But her guts reached to its next level. She kissed him, and then... he kissed her back! Mula niyon ay umiwas na siya rito. Sadyang mapagbiro lang ang tadhana dahil sa kagagawan ni Jhonel ay nag-viral sa social media ang pictures niya, hindi dahil sa gusto siya nitong makita kundi para mabawi ang engagement ring na ninakaw niya. Mahanap pa kaya muli nila ang isa’t isa?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
Mafia
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Desiring My Runaway Billionaire Uncle

Desiring My Runaway Billionaire Uncle

What will happen if a runaway bride meets her runaway billionaire uncle? Suot ang wedding gown sa mismong araw ng kanilang kasal, pinili ni Islaine na iwan ang lahat pagkatapos masaksihan ang pagtataksil ng kaniyang fiancé at ang wedding coordinator nila. Sa kagustuhang takasan ang lahat, magtutungo siya sa isla kung saan matagal nang naninirahan ang Uncle Nereus niya, ang step-brother ng mommy niya na piniling talikuran ang marangyang buhay para manirahan sa isang malayo at tagong isla. Sa kaniyang pagdating sa isla, paano kung ang Uncle Nereus ay tila ibang-iba na sa dating pagkakakilala niya? Ang dating bilyonaryong sanay sa syudad, may mestizo na kutis at may matayog na posisyon sa kompanya ay isa nang mangingisdang sunog sa araw. Pero sa kabila ng ilang pagbabago, naroon pa rin ang ilang katangian niyang hinahangaan niya rito. Siya pa rin ang guwapo at maskuladong uncle na pasekreto niyang hinahangaan noon. At sa bawat sulyap, sa bawat pagkilos nito, lalong lumalalim ang pagnanais na matagal na niyang pilit inilibing. Sa ilalim ng araw at mga alon, isang bawal na damdamin ang muling nagising. Dahil minsan, mas matindi ang tukso kapag alam mong bawal.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
Romance
1010.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Missing Heir

The Missing Heir

MERIE
Nakidnap si Alyssa, isang kilalang aktres-model sa hindi niya malamang dahilan. Nang makakakita siya ng pagkakataon, nagawa niyang makatakas mula sa mga kumidnap sa kanya. Sa kanyang pagtakas, napadpad siya sa isang isla. Doon niya nakilala si Mark. Si Mark ay isang military man. Iyon ang buong akala ni Alyssa tungkol sa binata. Ngunit hindi pala. Ang pagkatao pala nito ay nababalot ng isang sikreto. Sikreto na noon lang muli mauungkat. Sino ba talaga si Mark? Ano kaya ang sikreto sa likod ng pagkatao nito? Magiging hadlang kaya ang sikretong ito sa namumuong pagmamahalan sa pagitan ni Alyssa at Mark?
Romance
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status