Contract and Marriage
Bumukas ang pinto, kita ko ang pag-angat ng kanyang kamay, alanganin, parang nag-aalangan kung dapat ba niyang tanggapin ang bulaklak na hawak ko.
"Sa’yo siguro ‘to," maiksi kong sabi, iwas ang tingin.
Wala siyang sinagot. Kinuha lang niya ang tulip, at tuluyan na akong tumalikod.
Habang papasok ako sa unit ko, ramdam ko ang biglang pagbigat ng dibdib ko. Ang puting tulip… tulad ng ibinibigay noon ni Drew. Lagi. Paulit-ulit. White tulips kapag may tampuhan kami, white tulips kapag may gusto siyang itama. White tulips nung huling araw na nakita ko siya, at pagkatapos niyon, wala na. Parang bula siyang nawala, dala ang lahat ng sagot na kailanma’y hindi ko na nakuha.
Bab Populer