The Hot Touch of a Cold Husband
Ang bilis talaga nitong lumambot kapag si Rafael na ang naglalambing sa kanya.
Hindi ito uubra kapag ang Rafael na kaharap niya ay ang version na parang toro, parang bato, o 'yung skin na legend. Oo, ang legend skin ng asawa niya ay ang pagiging suplado at malamig. Ang mga skin na 'yun ay hindi makakapagpakilig kay Valeria. Hinding-hindi!
“Kung lalaki ang kambal, gusto ko silang pangalanang Berry at Apple. Kung babae naman, Pumpkin at Lemon,” sagot ni Valeria nang may matamis na ngiti.