HIDDEN BONDS OF VENGEANCE
"Ay, kahit hindi mo patunayan, Janice, alam kong demonyita ka, hindi ko nga alam pero ramdam ko talaga na ikaw yung bad energy na naninirahan sa mansiyon na ito. Baka kailangan ulit ipa-bendisyon ito para mawala ang demonyong tulad mo."
"Hindi ka ba talaga natatakot, Estrella?" Natatawang tanong ni Janice, balewala na sa kanya na tawaging demonyita dahil alam niya sa sarili niya na masama siyang tao.
"Minsan, natatakot ako, Janice. Kasi kapag natutulog ako, lagi akong may naririnig na humihingi ng tulong. Ewan ko ba? Baka siguro isa 'yun sa mga kagagawan mo??" Sarkastiko pang sabi ni Estrella, gusto niya talagang mabaliw si Janice.
Hot Chapters