My Only Love
Alam niya ang ibig nitong tukuyin.
Sinaway na niya ang nobyo at itinaboy nang paalis. Kahit hirap siyang pakawalan ito dahil gusto pa sana niyang makasama.
"I love you," sabi ni Clark.
"Oo na. Dali na at mahuhuli ka na," kunwa ay pagtataboy niya, pero nag uumapaw naman ang kaligayahan sa dibdib.
"I said I love you," pangungulit na lambing ni Clark.