Chapter 4
"Oh, ang galing! Galing mong sumayaw, galing mong gumiling, galing mong tumuwad, galing mong tumambling. Pabibo ka talaga, la, la, la, la," kanta ko habang nagpapalit ng bedsheet ng amo ko. Wala ang amo ko, nasa gym ito nag-eensayo. Kaya ang yummy ng katawan niya, panay ensayo sa umaga ang ginagawa. Tapos, suplado na nga, masungit pa. Kaya bansag ko gorilyang dragon na dinosaur. Bagay na bagay niya ang pangalan, idagdag pa na yummy siya. Kasi bako-bako ang katawan, sobrang tigas, siguro ang mga muscle niya. Nakaka-excite siguro na panoorin siya habang nasa korte, nakikipag-debate sa kabilang kampo para lang ipagtanggol ang hawak niyang biktima. Ang hot at ang angas siguro ni sir. Baka ang pagsigaw niya sa akin ay ganoon din kapag nagtuturo siya sa university. Pero iba pa rin kapag nasa ganoon na field siya, alam kong professional ito. Dito lang sa bahay niya pinapakita ang masamang ugali. "Mapisil nga minsan, yay," kinilig pa niyang sambit. "Mapisil ang alin?" "Ay, tangina, palaka!" napatalon pa ako sa gulat. "Bakit ang tagal mo dito sa loob ng kwarto ko?" "Bakit ka po nanggugulat, sir? Uso po ang kumatok, sir. Wala po sa law iyan, pero dapat kumatok pa rin," simangot ko dahil nagulat talaga ako. Sobrang kaba ng dibdib ko. "I'm the owner of this house. This is my room, and I'm a lawyer. Ako ang batas sa pamamahay na ito. Ako ang may karapatan na magbigay ng mga parusa sa mga kasambahay ko dito. Ngayon pa lang, kailangan na siguro kitang patawan ng disciplinary action dahil sa pag-uugali mo," seryosong sabi ni sir Harrison. "Ay hala, grabe ka naman po, sir. Wala akong violet dito, ha? Lahat ginagawa ko ang utos mo, sir, at trabaho ko. Kahit ang alikabok, nadudulas dahil sa kintab ng sahig at pader ng mansyon mo, sir. Mabait akong sumagot, ikaw lang sir ang suplado at masungit pa. Dapat ikaw ang bigyan ng disciplinary action, po. Nag-voilet ka sa sarili mong pamamahay," mahaba kong sabi sa amo ko. Hindi ko alam, pero parang ngumiti ito sa sinabi ko. Namalikmata lang yata ako. Or baka guni-guni ko lang. "Bago mo ako sabihan niyan, ayusin mo muna ang pagkakasabi mo ng nag-voilet. Violent or violence kasi iyon. Kaya disqualified ang ranting mo, ako pa rin ang amo dito," seryoso nitong sabi. Aangal sana siya ng unahan siya ng amo. "May ginagawa ka bang kalokohan dito sa loob ng kwarto ko?" mapanuring tanong ni sir na may nakatitig na mga mata sa akin. Lumapit pa ito habang nakatitig sa akin. Napaatras naman ako ng bahagya. "Hala nako, sir, wait lang po. Huwag ka po mangagat. Wala po akong ginagawang masama dito. Kita mo naman na nagpapalit ako ng kobre kama, di ba, sir? Natural, may ginagawa ako dito sa loob ng kwarto mo po, sir," sagot ko naman. Pero ang mga mata ko'y nakatingin sa hubad niyang katawan. Naka-jogging pants lang ito pero walang suot na damit pang-itaas. Sinasadya ba niyang akitin ako? Nag-heart pa yata ang mga mata ko na nakatitig sa maganda niyang pawisan na katawan. "Aray ko naman!" reklamo ko. Pinitik lang naman nito ang noo ko. "Hindi ka na nahiya sa amo mo. Para ka nang buwaya diyan na tulo-laway. Bilisan mo ang paglilinis dito sa kwarto ko. Baka makasuhan pa kita ng pangmomolestiya sa aking katawan," "Kasalanan mo naman, sir, eh," mahina kong sambit. "Paglabas ko ng banyo, dapat wala ka na dito sa loob ng kwarto ko," sermon nito sa akin. "Thank you, sir," matamis pa akong ngumiti sa kanya. "For what?" kunot-noo na tanong ni sir Harrison. "For... sa hindi mo pagsigaw sa akin ngayon, sir. Nakahinga ng kunti ang tainga ko," kimi pa akong ngumiti. Sumama naman ang mukha ng amo ko. Magsasalita na sana ito ng unahan ko na siya. "Objection, your honor, wala ng bawian. Makakaligo ka na, your honor," "You're an impossible crazy woman!" sumusukong sabi ni sir Harrison. "Yes!" sabay taas ko sa isang kamay ko. "First time in history na hindi nagalit sa akin si sir. Napagod lang sigurong nag-exercise kaya wala pang lakas-loob na pagalitan ako. Sana palagi na lang siyang pagod," hiling ko pa sabay hagikhik. Napangiti na akong tinapos ang ginagawa ko dito sa kwarto ng amo ko. Nagmadali na ako dahil baka maabutan niya ako dito. Baka magagalit na naman ito sa akin at babanatan na naman ako ng mga batas-batas na iyan. Ang goal ko na lang ay ang makita si sir na nakangiti dahil sa akin. Baka hindi lang mag-heart ang mga mata ko. Baka mag-zigzag pa sa kilig ang mga bituka ko. Tapos biglang mahulog ang luma kong underwear dahil sa kilig. Napa-facepalm ako sa naisip. Bawal ang lumandi dito, sabi ni Manang pala. No chance. "Get out now, Margarita!" sigaw ni sir Harrison na ikinagulat ko na naman. "Okay sir, 'wag ka na muna lalabas na n*******d, baka mabusuhan kita. Joke lang po, labas na ako. Bye, sir!" sigaw ko rin. Nagmadali na akong lumabas bitbit ang mga lalabahan kong kurtina at bedsheet. Narinig ko na naman kasi na nagmura ang amo ko. "Kahit kailan, talaga self loka-loka ka," natatawa kong sita sa sarili ko. Dumiretso na ako sa laundry area para maglaba na. Trabaho ko talaga ang lahat dito. Habang nakasalang ang mga kurtina sa washing machine, naglilinis naman ako sa paligid ng laundry area. Wala namang masabi ang amo namin dahil malinis ang bahay niya. Pati sulok kasi nililinisan ko. Gusto kong magpakitang gilas para taasan ang sahod ko. Tanghalian na at kailangan ko nang magluto ng request ni amo na adobong baboy. May recipe naman dito, pero gusto ko subukan na ipakain sa amo ko ang version ko ng adobong baboy. Habang si Manang ay lumabas, may pinabili si sir sa supermarket. Hindi na nila ako isinama pa, baka raw mas maligaw pa ako at mawili sa loob ng mall. Medyo nagtampo ako kay sir dahil excited pa naman akong makaapak sa mall.Chapter 140 Harrison "Don't you dare, Mom!" sigaw ko nang galit! Nagulat ang mga magulang ko. Napatayo pa silang dalawa sa gulat. Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko sa mga nalaman! "Anak!" sabay pa nilang sambit. Mukhang apologetic si Dad, si Mom no emotion. Lumapit ako sa kanila sa sala. Masama akong nakatingin kay Mommy na parang wala lang sa kanya ang narinig ko. "All this time, ikaw lang pala ang may kasalanan sa lahat kung bakit nagkasakit ang kapatid ko dahil sa kagagawan ninyong mag-asawa! Anong klase kayong mga magulang!" galit na sumbat ko. Uminit ang ulo ko sa narinig. Namula na rin ang mukha ko sa galit sa kanila! My God! "It's not my fault kung bakit naging mahina ang kapatid mo! Ang tanga kasi mamili ng lalaki! Kung sana nakinig siya sa akin..." "Bullsh!t!" sigaw ko. "Kung sana hindi mo siya pinakialaman, hindi sana siya humantong sa depression at kamuntik ng magpatiwakal! Kung hindi ka nanghimasok sa buhay ng kapatid ko! Masaya na sana siya ngayon! It's y
Chapter 139 Margarita Emosyonal ang mga magulang ko nang makita ang kalagayan ko. Nagkwento ako tungkol sa nangyari sa restaurant, pati na ang pagkonpronta ko sa isang kusinera. "You mean sinabi niyang hindi ikaw ang nagpapasahod sa kanya? So sino ang nagpapasahod kung ganoon?" tanong ni Hershey. "Siguro dahil sa pagkakasampal ko sa kanya kaya binuko niya ang sarili niya. Si Tiffany raw ang nagpapasahod sa kanya." "Tiffany?" sabay-sabay na tanong ni Hershey at ang kanyang mga lolo’t lola. Si Harrison walang reaksyon, nakikinig lang, pero kita sa mga mata nito ang galit. "Oo. Ang bastos niya sumagot sa akin kaya nasampal ko siya. Kaya sinabi ko na last duty na niya sa araw na kinumpronta ko siya. Tapos ayon nga ang nangyari, biglang may sumabog sa kitchen area. Kamalas-malasan lang dahil bigla akong pumasok sa loob nang may naamoy akong sunog. Kaya ito ang nangyari sa akin. Parang na-karma ako agad sa pananakit ko sa kusinera na iyon," mahabang paliwanag ko. "Deserve niya
Chapter 138Margarita Nagising ako na madilim na sa paligid. Naalala ko ang nangyari sa restaurant ko. Kinabahan ako na baka nasa langit na ako. "Ahhhh!" sigaw ko dahil sa dilim ng kapaligiran. Natakot ako na baka nasa loob na ako ng nitso. Maya’t maya, biglang sumakit na ang ulo ko. Napadaing ako sa sakit. May yumakap sa akin. Niyayakap ba ako ng Panginoon para pagaanin ang pakiramdam ko? Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa yakap nito."Huh? Patay na ako?" bulong ko. Kinapa ko ang sarili ko. Buo pa naman ako. May katawan pa ako, hindi pa rin naman nabawasan ang boöbs ko. Maumbok pa rin. Ibig sabihin, buhay talaga ako. Hindi kasi tumagos ang kamay ko sa taong yumakap sa akin. Kinapa ko rin ang katawan nito. Buhay talaga ako. Thanks God, buhay ako. Hindi pa ako patay. "Shhh... It's me. You are safe now, Mahal!" Dahil sa malamyos na boses nito, mapayapa na naman akong nakatulog. Kinabukasan, nagising ako sa ingay sa tabi ko. Naramdaman kong may mga humahalik sa pisngi ko
Chapter 137 Harisson "Let's go, mga anak, ihatid ko na kayo sa sasakyan. Sa bahay na lang muna kayo nila Lolo at Lola titira ngayon," sabi ko dahil wala yata silang balak tumayo sa tabi ng Nanay nila. "Gusto po namin dito, Daddy. Sama ikaw bantay kay Nanay," pakiusap ni baby Hollis. "Gusto namin dito, Daddy. Ayaw namin umalis tabi ni Nanay. Wala ikaw kasama dito po," segunda naman ni baby Molly. "Please po, Daddy," pakiusap pa nilang dalawa. "Lolo, Lola, sorry po, pero gusto po namin dito kay Nanay. Dito lang po kami tabi niya," sabi pa ni baby Hollis. "Hindi po kami aalis dito po," matigas na sabi ni baby Molly. Bumuntong-hininga na lang ako. Nakakaunawa naman sila, grandparents ko. Kaya tumango na lang sila. "Yakap na muna kayo kay Lolo at Lola, mga anak, dahil aalis na sila. Balik na lang ulit sila bukas dito," ibinaba ko na silang dalawa. Ayaw pa sana nila bumaba, kaso binuhat ko na silang sabay at ibinaba. Yumakap na sila at agad rin na lumapit sa kama ng Na
Chapter 136 Harisson Iniwan ko na muna ang kaibigan ni Marga nang may kumatok na naman. Baka ang mga anak ko na ang dumating kasama ang mga lolo’t lola nila."Daddddyyyy!" sigaw ng kambal sabay takbo at yakap sa akin. Mabilis ko naman silang binuhat na dalawa at mahigpit na niyakap. Inalis na nila ang suot na mask sa mukha. Gumaan ang pakiramdam ko nang halikan nila ako sa pisngi. Lumambot ang expression ko at gumaan ang kalooban ko. They really are my therapists, my stress relievers, and my happiness. "I love you guys. I miss you both," masuyong sambit ko. "We love you too Daddy! We love Nanay too!" sagot nilang dalawa. Malapad akong napangiti. "Si Nanay po?" tanong ni baby Hollis, palinga-linga sa paligid. "I'm sorry mga anak kung nagsinungaling si Daddy. Ayoko lang na mag-alala kayo kay Nanay kaya dinala ko na lang kayo dito para ma-visit niyo si Nanay. Baka hinihintay niya kayo mga anak bago magising," mahinahon kong sabi sa kanila. Nag-iba agad ang expression ng muk
Chapter 135 Harisson Limang araw na hindi pa rin nagigising si Marga. Hindi ko ito iniwan hangga't hindi ito nagigising. Tawag na rin nang tawag si Grandma dahil sa mga bata. Hinahanap na nila kami. And here they are again, tumatawag na naman sila. Kaya wala na akong choice kundi sagutin ang tawag nila. Private naman ang kwarto ni Marga, pwede ko silang dalhin rito para makita nila ang Nanay nila. Nahirapan na kasi akong magdahilan pa. "Daddddyyyyy!" rinig ko agad ang iyak ni baby Molly. Na-stress na naman ako dahil sa pag-iyak nila. "Sshhh... stop crying, baby ko," alo ko. "Bakit tagal-tagal niyo namang uwi, Daddy? Ayaw niyo na ba sa amin?" iyak nito. Nahabag na naman ako. Wala na naman akong ibang sinisisi kundi ang mga taong gumawa nito kay Marga! Damn it! Pagbutihin ninyong magtago dahil kapag nahanap ko kayo, ibabaon ko na kayo agad sa lupa ng buhay! "It's not like that, baby ko. We miss you so much. May hindi magandang nangyari lang kaya hindi pa kami makak