Bukan Pengawal Biasa

Bukan Pengawal Biasa

last updateLast Updated : 2025-10-02
By:  Bintang PerakOngoing
Language: Bahasa_indonesia
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
35Chapters
1.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Demi mencari pembunuh tunangannya yang menurut kabar ada di ranah politik, Art menerima tawaran Jared Filmore untuk bergabung dengan kesatuan pengamanan milik orang nomor satu di negara itu, dengan tugas khusus menjadi pengawal putrinya. Jared tertarik padanya setelah mengetahui kekuatan Art saat bertarung melawan musuh di kediaman Filmore. Art tidak sengaja menunjukkan kemampuan, padahal saat itu tugasnya hanya sebagai seniman yang disewa Jared si presiden untuk melukis kamar putrinya.

View More

Chapter 1

“Tuan Presiden!”

HALOS HINDI makahinga si Amanda habang binabasa ang isang article online patungkol sa asawa niyang si Theo. Ang kaniyang masasaganang luha ay tumulo na nang hindi man lang niya namamalayan.

[CEO ng Torregoza Group of Companies, spotted with her girlfriend na nagde-date sa Paris.]

Makikita sa larawan kung gaano ka-sweet ang dalawa matapos maghanda umano ang CEO ng surprise fireworks display para sa kasintahan.

Hindi mapigilan ni Amanda na mapangiti ng mapakla. Girlfriend, huh? Talaga namang hindi marunong makunteto ang asawa niya. Lumalandi sa ibang babae habang siya, laging tila namamalimos na lang ng pagmamahal niya.

"Pakiayos ang gamit ko."

Halos mapatalon sa gulat si Amanda nang marinig ang pamilyar na boses ng asawa niyang kararating lang. Ni hindi niya alam na ngayon na pala ang balik niya. Galing ito sa flight niya galing sa ibang bansa para sa trabaho kahit ang totoo naman ay dinate lang nito ang babae niya.

Hindi umimik si Amanda at pasimpleng pinunasan ang luha niya. "Saan ka galing?" tanong niya rito, walang emosyon sa boses bago harapin ang asawa niyang busy kalasin ang necktie nito.

"Trabaho. Saan pa ba? Tss," balewalang sagot ni Theo. "At hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, pakiayos ng gamit ko," aburidong dagdag pa nito.

Hindi gumalaw si Amanda, tumitig lang sa asawa. Hinahanap niya kung saan ito nagkakaroon ng lakas ng loob humarap sa kaniya ngayon na para bang hindi ito galing sa babae niya.

"Hindi mo ako katulong," maikling saad ni Amanda na siyang nagpatuwid ng tayo kay Theo. Kung noon ay lagi siyang sumusunod sa gusto ni Theo, ngayon ay hindi.

Sa ilang taon nilang mag-asawa, wala siyang ibang ginawa kundi unawain at alagaan si Theo. Gusto niyang maging isang butihing asawa para sa lalaki kahit pa isang malaking kahibangan iyon.

Kumunot ang noo ng lalaki. "Ano bang pinagsasabi mo? Ano na namang kaartehan ito, Amanda? 'Wag mong sabihing nagagalit ka pa rin sa 'kin dahil hindi ako pumayag na magtrabaho ka?! Ang babaw ng ikinagagalit mo sa 'kin, ah..." Tumawa ito nang mapang- uyam.

Umiwas ng tingin si Amanda, nilunok ang bara sa lalamunan. Mababaw? Siya pa ngayon itong mababaw?

Mababaw ba kung gusto niya lang naman ipagpatuloy ang pangarap niya sa larangan sa musika na isinantabi niya simula nang pakasalan niya si Theo? Mababaw bang pagtuonan naman niya ang mga kagustuhan niya sa buhay?

Napakuyom ng kamao si Amanda. "Hindi lang iyon tungkol do'n, Theo. Marami... Marami na pakiramdam ko, malulunod na ako sa lahat ng mga kasalanan mo sa 'kin!" Tumaas na ang boses ni Amanda. Maging siya ay nagulat sa sariling boses. Pakiramdam niya ay para siyang isang bulkan na sasabog na lang bigla nang bigla na lang niyang naalala lahat ng paghihirap niya bilang asawa ni Theo.

Napailing si Theo at napahilamos sa mukha. "Alam mo, Amanda... pagod ako. 'Wag mo muna akong dramahan ngayon."

"Hindi lang naman ikaw ang napapagod, Theo. Pati ako, pagod na pagod na!"

Kumunot ang noo ni Theo. "Saan ka ba pagod?! Maganda ang buhay mo sa puder ko! Naibibigay lahat ng gusto mo! At 'yang trabahong ipinagmamalaki mo sa 'kin... hindi mo kakayanin 'yun! Magsasayang ka lang ng oras at pagod mo."

Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. "At sa tingin mo, sapat bang maganda lang dapat ang buhay ko, huh?"

"Tang*na naman, Amanda! Ano bang gusto mo?! Sinasagad mo talaga ang pasensya ko!" Sumigaw na rin si Theo. Animo'y puputok na ang litid ng pasensya niyang pinapangalagaan niya kanina pa. "Kailangan mo na naman ba ng pera?! Ibibigay ko, basta patahimikin mo lang ang buhay ko kahit sandali lang!"

Tumawa ng pagak si Amanda. "Anong akala mo sa 'kin, 'yan lang talaga ang habol sa 'yo, huh?!"

"Totoo naman, eh! Kahit bali-baliktarin natin ang mundo..." Linapitan niya si Amanda at mariing hinawakan sa baba upang magpantay ang kanilang mukha. "...kailangan mo ang pera at yaman ko, Amanda. Hindi mo makakayang tumayo sa sarili mong paa nang wala ako."

Kaagad lumayo si Amanda. "Ang mahirap sa 'yo, pera lang ang alam mong paganahin lagi. Bakit?! 'Yang limpak limpak mong salapi, kaya bang pagtakpan lahat ng kagaguhan mo sa babae mo?"

Napatigil si Theo at mariing tumingin kay Amanda bago ito napatango. "Kung gano'n, nakita mo na ang balita..." wala sa sariling aniya.

Napangisi si Amanda. "Oo, Theo. Kitang-kita ko na! Alam na alam ko nang ang asawa ko... may nilalanding ibang babae na pinaghandaan pa talaga ng isang magarbong date!" Tumawa ito ng sarkastiko.

Umigting ang panga nito. "Masyado kang nagpapaniwala masyado sa balita. Hindi ako ang may pakana no'n. Idea 'yun ng sekretarya ko---"

"Kahit ano pang rason mo, hindi ko na kaya pang maniwala pa, Theo," mas kalmadong saad niya. "Kasi... hindi ko na kaya, Theo. Hindi ko na kaya pang makasama ka pa..."

Tila nandilim ang ekspresyon sa mukha ni Theo. "Anong... anong hindi mo na kaya?" naguguluhan na tanong niya.

Humugot ng isang malalim na hininga si Amanda, animo'y pinapalakas ang loob upang masabi ang gusto sa asawa. Lumipas ang ilang segundo, tinitigan muli ni Amanda si Theo.

"Gusto kong mag- divorce na tayo, Theo. Itigil na natin 'to."

Nasabi na niya nang tuluyan. At ipinagpapasalamat niyang hindi nabasag ang sariling tinig dahil ramdam niya ang tila bikig sa lalamunan. Tumakas na ang kaniyang sariling luha na kanina pa niya pinipigilan sa harap ni Theo.

Hindi inaakala ni Amanda na pagkatapos ng ilang taon, masasabi niya ang mga katagang iyon ng deretso mismo sa harap ni Theo. Hindi man naging maganda ang takbo ng kasal nila, totoo at wagas ang pag-ibig niya rito.

Pero hindi kailanman iyon nasuklian ni Theo.

Ang atensyon at puso nito ay nasa iisang babae lang na kailanman ay hindi mapapantayan o mahihigitan ni Amanda. Ang babaeng sana'y dapat nasa tabi ni Theo ngayon na tunay niyang mahal. Si Sofia...

Nandilim lalo ang mga mata ni Theo. "Hindi ako makakapayag. Hindi, Amanda," matigas na sagot nito.

"Pero mas makakabuti ito sa atin! Mababalikan mo rin si Sofia--"

"Wala kang karapatang banggitin ang pangalan niya! Dahil sa 'yo... dahil sa 'yo, nasira ang pangarap kong pakasalan ang babaeng dapat na papakasalan ko. Sinira mo lahat nang gabing 'yon!" Namula ang mata nito at nanlilisik ang mga matang tumingin kay Amanda.

Napahagulgol si Amanda. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ko magagawa iyon sa 'yo, Theo! Maniwala ka naman sa 'kin!" Hindi siya makapaniwala na sinisisi pa rin siya nito nang gabing 'yon. Ang gabing naging mitya ng pagpapakasal nila.

"Hindi, dahil alam kong plinano mo lahat!"

Ngumisi kapagkuwan ang lalaki bago humakbang papalapit kay Amanda. Umatras lang naman ang babae hanggang maramdaman niya ang dulo ng kama sa likod ng tuhod. Nawalan siya ng balanse at napahiga sa kama. Akmang babangon si Amanda pero mabilis na umibabaw si Theo sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang kaniyang pulsuhan.

Mabagsik ang mga matang ipinukol ni Theo kay Amanda habang nagpupumiglas ito.

"A-Ano ba, Theo?! Bitawan mo ako! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Gusto ko nang makipag-divorce!" Pilit na pinatapang ni Amanda ang boses.

Isang halakhak lamang ang sagot ni Theo bago inilapit ang ulo mismo sa puno ng tenga ni Amanda. Ang mainit na hininga nito ay animo'y binubuhay ang kung ano sa tiyan nito. Ayaw mang aminin ni Amanda, malakas pa rin talaga ang epekto ni Theo sa kaniya.

Pero hindi niya ipinakita iyon sa lalaki.

"Sa tingin mo papayag ako sa divorce na gusto mo, Amanda? Never. At tsaka ito naman ang gusto mo noon pa man, hindi ba? Gustong- gusto mong maikasal sa akin..." Humalik ang labi nito sa balat ni Amanda na siyang nagpatindig ng kaniyang balahibo. "Ngayon, hindi ka na makakawala pa. Magdurusa ka habang buhay bilang asawa ko..."

Niyukumos bigla ng halik ni Theo si Amanda.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Selamat datang di dunia fiksi kami - Goodnovel. Jika Anda menyukai novel ini untuk menjelajahi dunia, menjadi penulis novel asli online untuk menambah penghasilan, bergabung dengan kami. Anda dapat membaca atau membuat berbagai jenis buku, seperti novel roman, bacaan epik, novel manusia serigala, novel fantasi, novel sejarah dan sebagainya yang berkualitas tinggi. Jika Anda seorang penulis, maka akan memperoleh banyak inspirasi untuk membuat karya yang lebih baik. Terlebih lagi, karya Anda menjadi lebih menarik dan disukai pembaca.

Comments

user avatar
R L
mantap Mag. hidupkan literasi indonesia, gasss
2024-05-29 20:33:14
0
user avatar
Lien Machan
keren kak Thor, semangat upnya ya......
2024-05-15 18:46:43
1
35 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status