Share

96

Author: Boraine
last update Last Updated: 2025-11-16 11:50:54

Kalagitnaan ng Nobyembre, at sa wakas ay dumating ang unang malamig na ambon sa Pampanga. Malamig ang hangin, may bahagyang hamog na parang usok sa paligid, at halos nanginginig ang mga dahon habang tinatamaan ng ambon.

Nakatayo si Arienna sa may pintuan ng dorm, balot sa makapal na jacket. Hindi niya mapigilang mapasigaw sa tuwa habang nagvi-video.

“Ang lamig dito, parang winter sa movies!” sabi niya habang kinukunan ang paligid na tila nababalot ng puting hamog. Isinend niya agad ang video kay Jiro.

Sa bahay, tinignan ni Jiro ang video. Habang umiikot ang camera, narinig niya ang masigla at matamis na boses ni Arienna:

“Jiro, look! Ang kapal ng fog dito sa Pampanga. Ang ganda!”

Bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya, ngiting hindi naitatago.

“Good morning, Sir,” bati ni Juli mula sa hagdan.

Itinago niya ang phone at tumango. “Morning.”

Nagkaroon ng ingay sa labas, isang kotse ang pumasok sa driveway. Lumabas si Juli, at nanlaki ang mata niya nang makilala ang sasakyan.

“Ay, Miss Ja
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   29

    May bakas pa ng unan sa pisngi ni Alizee nang magising siya. Paos ang boses niya at halatang antok pa, kaya hindi niya agad napansin ang pagbabago sa paligid.Nang mapansin ni Arion na papasok siya sa elevator, tahimik itong umatras ng isang hakbang. Isinuksok niya ang isang kamay sa bulsa, malamig ang mukha, at maikling tumugon, “Hmm.”Pagkasabi niya noon, parang biglang bumaba ang temperatura sa loob ng elevator. Kinilabutan si Alizee, bahagyang napayakap sa sarili, at hindi na naglakas-loob na lingunin ang taong nasa likod niya.Dahil hindi siya nakapindot ng floor, kusa nang bumaba ang elevator hanggang parking lot. Wala siyang nagawa kundi sundan si Arion palabas.Pagdating doon, huminto si Alizee, huminga nang malalim, at bahagyang ibinaba ang tono ng boses. Gusto pa sana niyang magsalita.Ngunit bago pa man siya makapagsimula, itinaas ni Arion ang mga mata niya. Malayo at walang emosyon ang tingin. “Huwag kang humarang,” malamig niyang sabi, sabay iwas, ni hindi man lang siya b

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   28

    Bahagyang ngumiti si Arion, pero malamig ang ngiting iyon, parang pilit lang. “Iyon pala ang pinasok mong deal,” sabi niya, mababa ang boses ngunit ramdam ang galit na pinipigil. Parang isang maling salita na lang at sasabog na siya.Nakunot ang noo ni Alizee, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon nito. Para sa kanya, malinaw naman ang usapan, pareho lang silang kukuha ng kailangan nila. “Huwag kang mag-alala,” mahinahon niyang sagot. “Alam kong may gusto ka nang iba. Ang papel ko lang ay tulungan kang harapin ang pamilya mo. Hindi mo kailangang isipin ang mararamdaman ko.”Huminga siya nang malalim at itinuloy, mas buo na ang boses. “Hindi rin ako makikialam sa relasyon mo. After all, agreement couple lang tayo.”Sa kabilang panig, umusog si Arion. Inunat niya ang mahahabang binti, pinagkrus ang mga kamay sa harap ng dibdib, at bahagyang pumikit ang mga mata, matalim, malamig, at walang bakas ng emosyon. Hindi siya nagsalita.“Ali, okay ka lang ba?” hindi na nakatiis

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   27

    Mahinang nagsalita si Alizee, halos pabulong, at bahagyang naiwas ang tingin niya. Hindi na siya muling tumingin sa lalaki.Sa totoo lang, medyo awkward siya. Noon, hindi niya alam na si Arion pala ang bagong leader. Simple lang ang goal niya noon, makalampas sa internship at maging regular na empleyado. Hanggang ngayon, ganoon pa rin naman ang layunin niya.Pero hindi niya maikakaila, may nadagdag na bagong motibasyon sa puso niya.Gusto niyang mapansin ni Arion. Gusto niyang makita nito ang kakayahan niya at kilalanin ang effort niya sa trabaho.Bahagyang kinagat ni Alizee ang ibabang labi. Unti-unting naging seryoso ang tingin niya. Lumapit siya sa kanya, hindi dahil sa pagkakataon, kundi dahil may malinaw siyang intensyon.Pagbalik mula sa City, parang muling napuno ng gasolina si Alizee. Bumalik ang sigla niya, mas determinado kaysa dati, na parang nag-reset ang buong sistema niya.Ngayong araw ang lipat-bahay niya. Maaga pa lang, nag-message na si Oliven para sabihing paparating

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   26

    May kakaibang lamlam ang mga mata ni Arion, yung tipong mata ng taong sanay masilayan, pero bihirang lapitan. Nakasuot siya ng itim na long-sleeved shirt na maayos na nakasuksok sa tuwid na slacks. Diretso ang tindig, pulido ang dating. Nang marinig niya ang tanong ni Alizee, bahagya lang niyang tinaas ang talukap ng mata.“Passing by,” sagot niya, kaswal ang tono, parang totoong napadaan lang.Napapisil si Alizee sa labi. Mahigpit ang hawak niya sa baso ng tubig, pero hindi na siya nagsalita pa. Sa loob-loob niya, may bahagyang pagkulo. Halata namang hindi lang siya basta napadaan, malinaw sa isip ni Alizee na andito lang siya para manood, para makita kung mapapahiya siya.Naalala niya pa rin ang malamig at walang-pakialam na itsura nito kahapon.Napatingin din ang nanay niya kay Arion, saglit na pinagmasdan, parang may gustong sabihin pero piniling manahimik.“Ang galing mo today, Ate!” masiglang sabi ng kapatid niyang si Xiello, sabay palakpak. Buong-buo ang suporta.Bagong pasok l

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   25

    Tinitigan ni Arion ang laman ng chat box. Hindi niya napigilang umangat ang sulok ng labi niya, parang may kung anong nakakatawa.Samantala, nakakunot ang noo ni Alizee. Kita sa mukha niya ang lungkot at pag-aalala. Napabuntong-hininga siya, saka muling nag-type gamit ang dulo ng daliri.[Kung gano’n… puwede bang baguhin ko muna ang strategy? Magpalit ng outsourcing company?]Halos agad ang sagot.Mr. Ramirez: [Ikaw ang mag-aabono?]Napako ang tingin ni Alizee sa screen. Sa totoo lang, matagal na niyang iniisip ’yon. Aprubado na ang budget ng event, at kung magpapalit siya ng supplier sa huling minuto, siguradong lalagpas sa gastos. Ibig sabihin, may kailangang sumalo.Mariin niyang kinagat ang labi, saka dahan-dahang nag-reply.[Oo.]Pagkatapos mabasa ang sagot niya, basta na lang iniwan ni Arion ang cellphone sa mesa. Nakatitig siya sa computer screen pero halatang wala roon ang isip niya.Ilang sandali pa, napatawa siya, isang maikling, pilit na tawa. Sa totoo lang, alam na niya an

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   24

    Umalingawngaw sa maluwang na hall ang tunog ng yelong hinahalo sa inumin. Sa sandaling iyon, biglang namula ang tenga ni Alizee at tuluyang bumagsak ang maingat niyang composure.Parang narinig niya ang boses ni Arion.Napalingon siya agad, naghanap sa paligid. Pero walang bakas ng lalaki. Halos wala ring tao sa buong mall hall, kaya lalong naging malinaw at matalim sa pandinig niya ang boses na iyon.Sa tapat niya, nakataas ang cellphone ng intern, ngunit nagyelo ang ngiti sa mukha nito. “Y-your microphone…”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Alizee. Mabilis niyang kinapa ang cellphone sa bulsa, pero dahil sa sobrang nerbiyos, dumulas pa ito mula sa mga daliri niya. Sa maliwanag na screen, kumikislap pa rin ang icon ng microphone.Gusto na lang niyang maglaho. ‘Pwede bang lamunin na lang ako ng lupa?’Sa ilalim ng titig ng intern, tahimik niyang pinatay ang mic, saka yumuko at mabilis na naglakad palayo na parang walang nangyari.Sa loob ng meeting, sumabog ang chat, halo-halong reaksyon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status