แชร์

Kabanata 65

ผู้เขียน: Belle Ame
last update วันที่เผยแพร่: 2026-05-31 22:08:49

Nangilid na ang luha sa mga mata ni Aling Jen. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ng dalaga at hindi makapagsalita nang maayos dahil sa bara sa lalamunan.

“Cailyn, hindi ito worth it. Wala naman kaming nagawang malaking bagay para sa’yo.” paulit-ulit nitong saad, hindi makapagsalita nang maayos.

Tumayo nang tuwid si Cailyn at pinunasan ang luha ng ginang. “Huwag po kayong umiyak.”

Pagkatapos niyang pakalmahin si Aling Jen ay lumingon siya pabalik. Nasa likuran niya ang mga kamay at sa kanyang
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 85

    Ibinaba ni Jace ang ang tingin niya sa sahig, tila kalmado at payapa pa ang anyo nito. Hindi naman namalayan ni Cailyn ang matinding galit na nakatago sa kaibuturan ng kanyang mga mata nang muling magsalita ang binata.“Mabuti na lang talaga at gasgas lang ang nakuha mo ngayon. Dahil kunb tinamaan ka nang tuluyan ng mga bakal na nahulog doon, hindi na ito magiging kasing‑dali at kasing-simple gaya ngayon.” ani Jace. Hindi naman umimik si Cailyn. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Jace.Ganoon ba talaga ang tinatawag nilang pag‑aalala ng isang kuya?Pakiramdam kasi niya ay naiiba iyon sa ipinapakita ni Kian, ngunit hindi rin naman niya maipaliwanag kung saan nanggagaling ang pagkakaiba na iyon.Iba lang talaga ang pakiramdam niya sa mga oras na iyon. Nang makita siyang nakakunot ang noo at tahimik pa rin, inakala ni Jace na nag‑aalala pa rin ito na lalo pang lalaki ang isyu.Nanliit ang kanyang mga mata.“Muntik ka nang mapahamak sa loob ng Science High. Hindi ito pwedeng p

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 84

    Halos pagpawisan naman si Drei habang nakaupo sa driver's seat dahil sa nararamdamang kaba para kay Cailyn.Boss Jace, parang wala naman pong saysay ang logic niyo, e. Pero nagagawa niyo pa rin talagang gawing parang tama at makatwiran ang lahat, ano? Napakuyom ang labi ni Cailyn, namumutla ito dahil sa pagkawala ng dugo, pagkatapos ay kumunot ang noo nito. Matalim ngunit may halong inis ang mga mata niya bago muling sumagot.“Kahit naman nasugatan ang kamay ko, hindi naman nito naaapektuhan ang paglalakad ko, 'no! Kaya kaya kong maglakad palabas nang mag‑isa!” ani Cailyn. Ilan nga ba sa mga estudyante ang nakakita sa tunay na anyo at kapangyarihan ni Jace kanina? Dahil tuloy sa ginawa nito ay siguradong sigurado si Cailyn na magkakalat ng iba’t ibang kwento at haka‑haka ang mga estudyante na iyon kapag bumalik na siya sa eskwelahan.Hindi naman niya pinahahalagahan ang sasabihin ng ibang tao, at hindi rin niya iniisip yung mga bulung‑bulungan ng mga tao kapag nakatalikod siya. Per

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 83

    Ibig sabihin lang niyon ay dapat siguraduhin ng mga ito para masuri at malaman din ng lahat ang buong katotohanan hanggang sa huli!Napakunot-noo naman ang principal sa tinuran ni Jace. Alam kasi nito na sa oras na pinalalim pa ang pagtatanong ay masisira lamang ang magandang pangalan ng eskwelahan, ngunit sa harap ng taong ganoon kalakas at makapangyarihan ay mayroon pa ba siyang karapatang tumanggi?“Mr. Figueroa, tungkol po sa bagay na iyan…” sinubukan pa niyang makiusap, nagnanais pang iligtas ang dangal ng eskwelahan sa huling pagkakataon.Ngunit narinig niya ang boses ng lalaki. “Hindi naman ho ako masamang tao, masama lang ho talaga ang ugali ko. At tandaan niyo na ang mga taong itinuturing kong akin, ako lang ang may karapatang maging mahigpit o makipaglaro sa kanila. At sa oras na may ibang nang-api o sumakit sa kanila, at hindi ko nahanap ang salarin… mapipilitan akong dumiretso at humingi ng sagot mismo dito sa paaralan.” may halong babala ang mababang boses na sabi ni Jac

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 82

    Mula nang banggitin ni Cailyn ang sulat ay naging tulala na si Nissy, hindi na nito malaman kung paano iyon nalaman ni Cailyn. Bumalik lamang ito sa kaniyang ulirat nang sikuhin siya ni Harry. Lumabas ang ekspresyon na mas masakit pa sa pag‑iyak nito kanina.“A-ah.… i-itinapon ko na ang sulat, e.” saad nito. Nadismaya sina teacher Almira pati na rin si Renzo.Tanging sina Fayra at Aina naman na nasa labas lang ang nakahinga nang maluwag.Humakbang si Fayra paharap, kitang‑kita ang ganda niya sa gitna ng mga tao. “Principal, teacher Almira, baka naman po misunderstanding lang ito. At dahil ayos naman na po sina Cailyn at Nissy, baka aksidente lang naman po talaga. Hindi na po siguro natin kailangan pang palakihin ito.” mahina ang boses na sabi ni Fayra. “Oo nga naman po, ayos naman na po sila, e. Bakit pa po natin ikakabahala ang buong eskwelahan?” mabilis na sang-ayon ni Aina. Samantalang si Cailyn naman na hindi pa sigurado kung sino ang nasa likod ng pangyayari na iyon ay nakit

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 81

    Lumapit si Harry at dahan‑dahang inalis ang mga kamay ni Nissy na nakatakip pa rin sa mukha. “Bakit ka ba umiiyak? Ang pangit ng itsura mo diyan, oh. Ayos lang naman si Cailyn, ‘di ba?” mahinahon niyang payo kay Nissy.Sobrang bigat ng loob ni Nissy na hindi niya magawa pang tumingin sa iba.“Kasalanan ko ang lahat e.” aniya habang humihikbi.Kung hindi lang sana niya pinaniwalaan ang sulat na iyon, at kung hindi niya lang sana sinubukang alamin kung sino ang nagpadala sa kaniya niyon ay hindi sana nasugatan si Cailyn doon.Halos matunaw na siya sa sobrang pagsisisi sa sarili. Ayaw na niyang itaas ang mukha niya habang tuloy‑tuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata.Inunat ni Harry ang kamay para pinunasan ang luha sa pisngi ni Nissy. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya nakipagtalo sa dalaga. “Sige na, tama na 'yang pag‑iyak mo diyan. Lalo lang sasakit ang ulo ni Cailyn sa’yo, e.” malambot ang boses na sabi niya rito.“Gusto mo bang lumapit pa siya sa 'yo para damayan ka diyan gayong ma

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 80

    Hindi naman siya nagpapansin kay Fayra, e. Sadyang may isang babae lang talaga sa tabi nito na laging nakatingin sa kanya nang may matinding galit at masamang tingin, na para bang may malalim itong hinanakit o parang pinatay pa ang buong pamilya nito. At dahil doon ay hindi pa rin maiwasan ni Cailyn na bigyan din ito ng pansin.Pagpasok ni Cailyn sa classroom ay napansin niyang may itinatago si Nissy sa mesa nito. Bahagyang umarko ang mga kilay ni Cailyn at saka naglakad para lumapit.“Bakit? Ano ba 'yang itinatago mo riyan?”Mabilis namang itinago ni Nissy sa likuran niya ang hawak-hawak at saka pilit na ngumiti sa kaibigan.“Ah! C-Cailyn, b-bakit ang bilis mong bumalik?” kabadong tanong nito. Hindi naman ganoon kalakas ang naging reaksyon niya laya parang hindi rin naman masyadong nagtaka si Cailyn. Lumapit lang ito sa kaniya at saka hinila ang upuan pagkatapos ay umupo.“Kaunti lang naman 'yung pinag- usapan namin ni Teacher Almira kaya pinauwi na rin agad niya ako.”“Ah, sig

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 53

    Pagkalipas ng ilang sandali ah natapos rin niyang balatan ang peras. Inisip niya na mas mabuting huwag na lang tuluyang alisin ang balat ng prutas na iyon kaya ginawa niyang magaganda at maliliit na hugis na parang kuneho ang mga piraso ng laman nito. Puno ng confidence nya itong dinala palapit sa

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 52

    Habang nagsasalita si Drei ay nakatingin din si Jace sa direksyon kung saan naroon si Cailyn. Nakita niya rin ang bagay na nasa loob ng bag na hawak-hawak ng dalaga, maging ang hugis niyon ay talagang kahawig ng tinatawag na agarwood.Pero katulad din ng naiisip ni Drei, akala lang din ni Jace ay i

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 51

    “Sige,” sagot ni Cailyn at saka tinanggap na lang iyon bilang kasunduan nilang dalawa.Agad namang sumilay ang masayang ngiti sa mga labi ni Nissy. Tila isa talaga siyang tagahanga na nakikipagkasundo na makipagkita sa taong iniidolo niya.Kunwari namang naiinis habang nakanguso si Harry na siyang

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 49

    Mensahe mula kay Jace: "Kumusta naman ang naging unang araw mo sa klase? Maayos naman ba? Masaya naman ba ang naging takbo ng lahat?" Nanliit ang mga mata ni Cailyn at mabilis na nagtipa ng sagot sa isang malamig at walang emosyon na paraan.Tugon ni Cailyn:" Hindi ako tumingin sa kalendaryo bag

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status