Mag-log inMALAYO pa lang ay nagkulay pula na ang traffic light. Ngunit dahil sa labis na pagkataranta dahil sa nagawa ay hindi na iyon napansin ni Mina at muntik nang sumalpok sa nakahintong kotse sa unahan.Mabuti na lamang at mabilis niyang natapakan ang preno. Sumubsob ang mukha niya sa manibela at bagama't nauntog ay balewala iyon sa kanya.Mas nanaig ang takot na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Nanginginig ang buo niyang katawan nang kunin niya ang cellphone at tawagan si Ethan, mabuti na lamang at agad itong sumagot."Hello—""Ethan!" iyak niya sa linya. "P-Please, help me." Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ni Mina. Natatakot siyang makulong dahil sa nagawa."Bakit, anong nangyari?"Sa halip na magpaliwanag ay iyak na lamang siya nang iyak, nagmamakaawa sa linya. Hindi na nga niya alintana ang busina ng ibang sasakyan matapos magkulay berde ang traffic lights.Naririnig iyon ni Ethan sa kabilang linya kaya hindi niya napigilang mag-alala at sinabing pupuntahan ito. Iniwan ni
HINDI makapaniwala si Mina sa narinig habang napapailing kay Ysabelle. "No... imposible." Bahagya pa siyang natawa, pilit kinukumbinsi ang sarili na hindi iyon magagawa ni Ethan.Sa halip naman na makipagtalo ay natawa lang si Ysabelle. "You think so?" mapanuya niyang sabi. "Kung 'di ka naniniwala, ba't 'di mo tawagan? Wala namang pumipigil sa'yo para kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi ko o hindi."Mariing napakuyom ang kamao ni Mina. "I'm sure na may ginawa si Clara."Napailing na lamang si Ysabelle. "Ikaw ang bahala. Isipin mo ang gusto mong isipin." Matapos ay tumayo na siya at naglakad patungo sa pinto ngunit bago tuluyang makaalis ay muling humarap. "Kung may natitira ka pang kahihiyan sa katawan, umpisahan mo nang mag-empake at umalis sa bahay ng kapatid ko." Matapos iyong sabihin ay tuluyan na siyang umalis.Naiwan si Mina, nakatayo at tulala halatang naguguluhan. Ilang sandali pa ay kinuha ang cellphone at tinawagan si Ethan pero hindi ito sumasagot kaya muli niyang sinubu
MAGDAMAG na pinag-isipan ni Clara ang sinabi ng kaibigan. Tama ito, magandang oportunidad ang naghihintay sa kanya at bihira lang dumating ang ganoong pagkakataon.Pero sa tuwing naiisip niyang umalis, may kung anong pumipigil sa kanya.Gaya ng sinabi niya, narito ang buhay na nakasanayan niya. Narito ang mga taong mahalaga sa kanya at ang lugar na matagal na niyang tinawag na tahanan.Kaya hindi muna siya nagdesisyon.Kinabukasan, maaga siyang nagising at inihanda ang mga kinakailangang dokumento para sa pag-apply niya sa ospital sa lugar na iyon.Habang abala siya sa pag-aayos ng mga papeles sa sala ay biglang may kumatok sa pinto."I'll get it!" sigaw ni Janice mula sa kusina. Nagkusa na ito para hindi maabala ang kaibgan sa ginagawa.Pagbukas nito ng pinto ay bumungad ang delivery guy na may hawak na malaking bouquet ng red roses at ilang paper bag."Delivery po para kay Ma'am Clara Villareal.""Ah, yes. Nandito siya, ako na'ng tatanggap," ani Janice.Mula sa hamba ng pinto ay mak
SA HALIP na umalis ay nanatili si Ethan. "Clara, please. Hindi ako aalis hangga't hindi tayo nagkakausap nang maayos.""Ayoko, hinding-hindi na 'ko makikipag-usap sayo," malamig na tugon ni Clara. "Kaya umalis ka na."Si Janice naman na nanatili sa tabi ng kaibigan ay tiningnan ito nang masama. "Narinig mo sinabi niya? Umalis ka na, 'wag mo nang ipilit ang sarili mo nagmumukha ka lang tanga."Pero tila walang naririnig si Ethan, hindi niya pinansin ang sinabi nito at nanatili ang tingin sa asawa. Mariin niyang hawak ang bouquet kahit ayaw nitong tanggapin.Ilang sandali pa, may mga kapitbahay na sumisilip sa bintana, nakiki-osyoso matapos makarinig nang komusyon sa apartment ng landlord."Alis na sabi, naiistorbo na mga tenant ko," muling pagtataboy ni Janice.Huminga naman nang malalim si Clara saka napabuntong-hininga. "Please, Ethan… hangga't maaari gusto ko ng katahimikan kaya 'wag mo na 'kong guluhin. Ayokong ng eksena rito kaya pwede ba, umalis ka na," aniya, sabay turo sa bukas
NANG marinig ni Clara ang salitang offer ay natigilan at saglit na nag-isip. "Wait lang po, Prof. Magpapaalam lang akos sandali sa mga kasama ko. Hintayin niyo na lang po ako rito, saglit lang ako."Matapos ay mabilis niyang pinuntahan ang mga kasamahan, iniwan sa mga ito ang isa niyang payment card. "Sorry, pero may importanteng sasabihin ang professor ko kaya hindi na ko makakasabay. Bilhin niyo na lang ang gusto niyong pagkain.""Iyon ba 'yung kausap mo ngayon-ngayon lang?" tanong ng isang kasamahan na tinanguan ni Clara."Kukunin ko na lang later pagbalik ko," aniya, tinutukoy ang payment card. Pagkatapos ay umalis na siya at muling binalikan ang professor. "Tara na po." Habang nakangiti.Napagpasiyahan nilang sa malapit na kainan sila mag-usap nang masinsinan. Habang sini-serve ang pagkain ay nagtatanong si Ramirez sa naging buhay ng dating estudyante matapos makagraduate.Nagkuwento naman si Clara, pero hindi niya pinahalatang may pinagdadaanan siya."Eh, kayo po? Kumusta na po
KINABUKASAN, pagdating sa ospital ay inilapag ni Clara ang bag at ilang gamit saka siya pumunta sa HR office. Hindi muna siya pumasok o kumatok, sinisilip-silip ang loob at nang mapansin na may tao na ay saka binuksan ang pinto."Good morning, Nurse Clara. Maupo ka," bati ng HR Manager, may munting ngiti sa labi."Good morning din po," aniya saka naupo sa tapat ng mesa.Kinuha ng HR Manager ang resignation letter na ipinasa niya noong nakaraan. Matapos, ang maaliwalas nitong mukha ay bigla na lamang sumeryoso—ipinatong ang magkabilang braso sa table saka pinagsalikop ang parehong kamay. "For formality, gusto ko lang malaman kung bakit gusto mong mag-resign?"Huminga muna nang malalim si Clara bago sumagot, "Lumipat po kasi ako ng tirahan. Two hours commute kaya mahirap bumiyahe araw-araw ng gano'n katagal." Saka siya napalunok ng laway, dahil ang babaw ng dahilan niya kung pwede naman siya gumawa ng paraan para mapadali.Mabuti na lamang at hindi na ito nagtanong pa, tumango na lamang
DAHAN-DAHAN ang ginawang paglingon ni Clara, matapos niya iyong marinig. Sa isang iglap, tila ibang tao ang nakikita niya at hindi ang asawa. "D-Dito na sila titira? Nang hindi mo sinasabi sa'kin?" may pait ang pagkakasabi niya.Kaya biglang nahiya si Mina, agad nadamang magkakaproblema pa ang mag-
NANGHIHINANG bumalik sa sasakyan si Clara, wala sa sarili siyang naupo sa backseat habang ang driver ay nagtataka naman, makailang ulit siyang tinawag at tinatanong.Sa huli ay sumuko ito, napakamot sa ulo at naghintay sa kinauupuan.Nakayuko lang si Clara, tahimik na lumuluha. Mayamaya pa, nang ka
MALUTONG na sampal ang dumapo sa mukha ni Mina, sa labis na pagkabigla ay nablangko ang utak niya sa nangyari. Hindi makapaniwalang tiningnan ang biyenan na babae. "M-Mommy…"Lahat ay nagulat sa ginawa ni Helena, unang beses na masaksihan nilang nagbuhat ito ng kamay kahit pa napaka-strict nitong t
NGUMITI ng makahulugan si Mina at hinawakan ang kamay ni Clara. "Kailangan pa bang malaman kung sino 'yun? Sobrang tagal na no'n saka, sure naman akong nakalimutan na niya 'yung babae.""Pero gusto ko pa rin malaman—""Mommy!"Sabay silang napalingon ng marinig ang boses ni Nathan, ang apat na taon







