Share

18- Confession

"Hindi mo naman ako kailangang kargahin," wika ni Mia kay Jacob habang papasok na sila sa room nila ni Isabel.

"I want to. Okay?" tugon ni Jacob. Hindi na umimik pa si Mia. Marahan niyang ibinaba ito sa kama. "Stay here. Babalikan ko lang si Lola at si Isabel." Tumango ang dalaga.

Ngunit pagkalabas pa lang ng kwarto ay nasalubong na ni Jacob ang abuela at si Isabel.

"Sir Jacob," ani Isabel. Bagsak ang mga balikat nito pati ang magkabilang sulok ng labi, "kailangan ko hong umuwi."

Nagsalubong ang mga kilay ni Jacob. "Bakit?" aniya. "I mean, nasa kalagitnaan tayo ng bakasyon. Hindi ba pwedeng tapusin muna natin ang bakasyon? Tutal, tatlong araw lang naman tayo rito."

"Emergency, Sir, eh," tugon ni Isabel. "Tumawag sa akin ang tatay ko. Naaksidente raw ang bunso kong kapatid."

Nagulat si Jacob sa narinig. "Gano'n ba? Saglit lang, ihahatid kita sa inyo," aniya.

"Hindi na ho. Kailangan kayo ni Lola Anita. Naisugod naman na sa ospital ang kapatid ko." Yumuko ito. "Pera ho sana ang kailangan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status