Share

CHAPTER 21

Author: Bookie
last update Last Updated: 2025-07-26 22:37:38

POV: Liam

Ang katahimikan ng gabi sa condo ay hindi na bago kay Liam. Wala nang tumatawa sa tabi niya, wala nang ingay ng kutsarang hinahalo sa tasa ng tsaa, wala na rin ang presensyang dati ay pinipilit niyang balewalain.

Apat na taon at kalahati na ang lumipas, pero para sa kanya, parang kahapon lang na iniwan niya si Alyssa sa harap ng gate—o marahil, siya ang iniwang hindi man lang napansin.

Binuksan niya ang laptop. Isang document ang naka-save sa desktop: "ALYSSA HOUSE RENOVATION PLAN" — hindi pa rin niya mabura.

Naputol ang pagmumuni niya nang marinig ang notification mula sa phone.

"Family dinner bukas. Don’t be late. You're lolo’s asking for you. – Mama"

Mabilis niyang pinatay ang screen. Ayaw niyang harapin ang mga matang pilit siyang pinapangiti tuwing reunion, habang alam niyang may isang upuang laging bakante.

The Next Night

Puno ng ilaw ang ancestral house ng mga Navarro. Kumpleto ang pamilya—tawanan, kwentuhan, sigawan ng mga bata. Pero sa isang sulok, tahimik si Liam.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    CHAPTER 21

    POV: LiamAng katahimikan ng gabi sa condo ay hindi na bago kay Liam. Wala nang tumatawa sa tabi niya, wala nang ingay ng kutsarang hinahalo sa tasa ng tsaa, wala na rin ang presensyang dati ay pinipilit niyang balewalain.Apat na taon at kalahati na ang lumipas, pero para sa kanya, parang kahapon lang na iniwan niya si Alyssa sa harap ng gate—o marahil, siya ang iniwang hindi man lang napansin.Binuksan niya ang laptop. Isang document ang naka-save sa desktop: "ALYSSA HOUSE RENOVATION PLAN" — hindi pa rin niya mabura.Naputol ang pagmumuni niya nang marinig ang notification mula sa phone."Family dinner bukas. Don’t be late. You're lolo’s asking for you. – Mama"Mabilis niyang pinatay ang screen. Ayaw niyang harapin ang mga matang pilit siyang pinapangiti tuwing reunion, habang alam niyang may isang upuang laging bakante.The Next NightPuno ng ilaw ang ancestral house ng mga Navarro. Kumpleto ang pamilya—tawanan, kwentuhan, sigawan ng mga bata. Pero sa isang sulok, tahimik si Liam.

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    CHAPTER 20

    Tahimik ang gabi sa Navarro Estate, pero parang tulog lang ang buong paligid — sa loob ni Liam, walang katahimikan.Nasa silid-aklatan siya, nakasandal sa lumang bookshelf na punong-puno ng lumang libro at mga lumang larawan ng pamilya. Sa tabi niya, isang baso ng whiskey na hindi na niya maubos-ubos.Kanina pa niya tinititigan ang hawak na picture frame — wedding photo nila ni Alyssa. Isang frame na dati niyang ikinahiya, itinago sa pinakasulok ng study room niya. Pero ngayon, bakit ba’t tila hindi niya kayang ibaba ang larawan?Naalala niya ang gabing iyon — ang puting gown, ang malamig na ballroom, at ang mga matang kahit pilit ngumiti, halata mong lumuluha sa loob.Ngumiti siya noon. Oo, ngumiti siya para sa mga bisita — pero alam niyang siya mismo ang pumatay sa ngiti ni Alyssa.Sa gilid ng mesa, bumukas ang pinto — si Luca, bitbit ang laptop at ilang papel. Tumikhim ito bago maglakad palapit.“Kuya…” maingat ang tono ni Luca, “May ilang bank records na mukhang ginamit ni Alyssa

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    CHAPTER 19

    Manila — Navarro EstateLimang taon ang lumipas pero hindi pa rin nagbago ang itsura ng Navarro Mansion — mataas na gate, perpektong garden, malamig na marmol sa loob na parang walang pinagbago.Pero ang pinakabago rito — ang katahimikan.Nasa private office si Liam Alexander Navarro. Nakaupo siya sa likod ng malaking dark wood desk, hawak ang isang folder na kanina pa bukas pero hindi niya mabasa-basa. Sa tabi ng laptop niya, may half-empty na baso ng whiskey — alas dose ng tanghali pero tila wala siyang pakialam.Mula sa salamin, kita ang hardin na minsan ay pinangarap niyang maging perpekto ang buhay. Pero ngayon, para bang nilulunok siya ng bawat sulok nito.“Mrs. Navarro…”Ang tinig na iyon — limang taon na pero tumatama pa rin sa pandinig niya. Kung paanong nagawa niyang ipagtabuyan, baliwalain, at sabihing wala siyang pakialam.Pero bakit ngayon, limang taon na, wala pa ring katahimikan?Bumukas ang pinto, pumasok si Luca — ang bunso niyang kapatid na hindi rin nagbago ang tapa

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    CHAPTER 18

    Maagang nagising si Alyssa — o mas tama na, si Yssabelle Laurent. Limang taon na ang lumipas pero kahit ilang ulit siyang bumangon sa parehong condo, hindi pa rin siya sanay na wala nang kumakatok na ‘Madam Navarro.’Bumaba siya sa maliit na kusina, tahimik para hindi magising ang tatlong batang natutulog pa sa shared room nila.Tinimpla niya ang kape, bumuhos ang amoy nito sa modernong sala na puno ng mga sketchpad, fabric swatches, at ilang laruan na hindi naitago kagabi. Sa ilalim ng kalat, nandoon ang tatlong pinakamagandang dahilan kung bakit kaya niya lahat — Sky Axel, Sophia Snow, at Callum Asher.Habang iniikot niya ang mug ng kape, narinig niya ang mahinang yabag sa hallway.“Mommy…” mahinang bulong ni Sophia, bitbit ang paborito niyang bunny. “I had a dream, you were sad.”Napayuko si Alyssa, agad na binuhat ang maliit na bata at pinaupo sa counter. Hinalikan niya ang buhok nito.“I’m not sad anymore, baby girl. I have you, di ba?”Sunod-sunod na sumulpot ang kambal na boys

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 17

    8 Months LaterMabagal ang ambon sa labas ng maliit pero maaliwalas na condominium unit sa Paris. Tahimik ang gabi pero nabasag iyon ng mahihinang ungol ni Alyssa habang mahigpit ang hawak niya sa bedsheet. Pawis na pawis siya, nanginginig ang mga kamay, at pinipigil ang mga impit na sigaw.Nasa tabi niya si Sera, kalmado pero bakas ang kaba sa mga mata habang inaasikaso ang mainit na tubig at tuwalya. Walang ospital, walang nurse — sila lang dalawa, sila lang ang magtataguyod sa gabi ng pagsilang.“Konti na lang, Lyss. Kaya mo ‘to… Para sa kanila,” mahina pero matatag na bulong ni Sera, pinapahid ang pawis ni Alyssa.Sa huling sigaw, sa pagitan ng mga luha at pagod, narinig nila ang unang iyak — sunod-sunod, tatlong munting tinig na parang musika sa gitna ng dilim.Tatlong sanggol. Tatlong sikreto. Tatlong bagong buhay.---Makalipas ang ilang oras, malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa malaking bintana ng condo. Nakahiga si Alyssa, pagod pero puno ng ngiti habang pinagmamasdan

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 16

    Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang magdesisyon si Yssabelle na magtago, at sa bawat araw na lumilipas, mas ramdam niya ang bigat ng responsibilidad na nakaatang sa kanyang mga balikat. Ang Véraise ay nagsisimula nang magbukas ng pinto para sa kanya, ngunit ang mga pagbabalik-loob sa mundo ng mga Navarro, pati na rin ang mga mata na laging nagmamasid, ay tila nagiging dahilan ng kanyang mga kaba.Ngayong gabi, may mahalaga siyang pagtatanghal. Isang investor, isang potential na partner para sa expansion ng Véraise sa international market. Kung magtatagumpay siya dito, hindi lang siya makakapagsimula ng isang bagong buhay — pati na ang mga anak niya, ang kanyang triplets, ay magkakaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.Habang naghahanda si Yssabelle sa kanyang opisina, may nararamdaman siyang kaba sa tiyan — hindi dahil sa takot, kundi sa excitement. Isa itong test. Kung magtagumpay siya, magiging official na ang lahat. Hindi na siya isang lihim.Si Sera, na matagal na niyang n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status