Eros is true to his words. Para siyang halimaw kung makalapa sa akin sa kama. Well, isang taon din kaming tigang kaya bumabawi kami sa isa't-isa. Tulad niya, namiss ko rin siya. Being inside me, again. Ewan. Sa loob ng isang taon, parehong focus kami kay Aslan at sa isa't-isa minus s-x. Di naman kami nagmamadali para sa bagay na yan but now. Kakaiba pa rin talaga kapag may ganito. Mas lalong nakakahibang at nakakabaliw. Hindi nakakasawa. Kinabukasan, nagising akong mag-isa sa kama. Magulo ang kumot. Amoy pa ng katawan naming dalawa ang silid. Pero wala si Eros. Agad akong napabangon. “Eros?” sigaw ko habang nagmamadaling isuot ang robe. Pinuntahan ko ang nursery, ang kusina, ang buong bahay—pero wala. Hinawakan ko ang cellphone ko. Out of coverage area. Nanginginig ang kamay kong hinanap ang phone niya sa office. At doon ko ito nakita—kasama ng sulat, na parang sinulat ng nagmamadali pero sinigurong mababasa ko. "I'll be back, Alvarez. Don't worry about me. I love you—both o
Sumapit ang gabi, ang iba lalo na ang mga magulang ni Eros ay bumalik na agad sa hotel. Ang natirang mga bisita ay iilang kaibigan ni Eros—namin. "Mr. and Mrs. Smith." Mabilis akong napatingin kay Azyl. "Iba ang trip ni Athena, hindi taguan ng anak kundi taguan ng pamilya." dugtong nito at uminom ng alak. "Parehas na kayong may anak pero me? Still single. I mean, it's unfair you know. I'm older than you pero you already found your the right one." Pagsisimula ng drama nito. Inayos ko ang bote ng wine nasa harap namin. Pagkatapos, hinanap si Eros, nasa grupo niya ulit ito habang karga si Aslan na gising na gising pa rin. Gustong kumarga sa anak namin ang mga kaibigan niya pero sorry na lang sa kanila. Mas protective si Eros at madamot kay Aslan. "Akala ko alam mo. Trio kayo ni Zebe diba?" Kunot noo kong tanong kay Azyl habang nilalagyan ng wine ang baso niya. "Yes! We are trio but have a secrets. I never expected na ito yung secret ni Athena." Bumuntong-hininga siya, sabay
Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng simbahan. Napaangat ang tingin ko—at agad kong nakita ang pamilyar na anyo ng isang matandang lalaki sa puting barong. Sunod-sunod na pumasok ang ilang babae at lalaki, pormal ang mga suot, pero kapansin-pansin ang tensyon sa kanilang mga kilos. Hindi sila basta bisita—pamilya ni Eros. Nagpatuloy ang mesa habang nagsitungo ang pamilya ni Eros sa bakanteng upuan. Napansin ko na tila may hinahanap ang paningin nila. Dumako ito sa pwesto namin at nang magtagpo ang paningin namin ni Tita Cassy ay agad akong napaiwas ng tingin. Napakagat ako ng labi habang nakatitig sa altar at pari. Kinabahan ako. Nahihiya. Alam kong naintindahan nila ang sitwasyon ko noon pero di yun okay sa akin. Hindi maganda ang ginawa ko sa kanila. Nadala ako sa galit—sa lahat. May karapatan ako diba? Pero bakit mabigat pa rin kapag nagkita kami? Siguro, nahihiya ako sa ginawa ko. Huminga ako ng malalim. Di ko na dapat inaalala yun. Sabi nga ni Eros, magsisimula ulit ka
Today is our Aslan's Big Day! Isang taon na ang anak namin at mabibinyagan na rin. Parang kailan lang, nanginginig pa ako sa delivery bed habang si Eros ay mahimatay. Ngayon? Heto kami—kompleto, masaya, at sabik sa bagong yugto ng buhay pamilya. Maagang nagising si Eros. Siya pa ang unang nagbitbit ng mga giveaways at nag-ayos ng photobooth. Ako naman, busy sa pag-aasikaso ng mga damit, gatas, at extra diapers ni Aslan. Maaga ang mesa sa bayan lalo na’t Linggo ngayon—ang misa para sa binyag ay nakatakda ng alas-diyes ng umaga. Everything was fine simula kagabi. Mula sa catering, handa, at clown party para sa mga anak ng bisita namin. May nag-aayos na rin ng dessert table at mini-play area sa garden. Ang saya, ang colorful, pero hindi overwhelming. Gusto naming intimate pa rin kahit may kasamang kislap. About sa ninangs and ninongs, hati ang gusto namin ni Eros. Gusto ko sana kaunti lang para mas personal, pero gusto rin ni Eros ng madami lalo na’t marami siyang kaibigan—business p
"Ahm, Melpomene?" Mabilis akong napalingon kay Eros. Seryoso ang boses, at nakakunot ang noo. Tinawag din niya akong Melpomene. Seryoso nga siya. Mabilis malaman kapag nagseseryoso si Eros. Kukunot ang noo, tapos kakamot sa batok—parang ngayon. Napansin kong medyo hindi siya mapakali. Nakatayo lang siya sa gilid ng kama, habang ako’y nakaupo, inaayos ang mga gamit ni Aslan para sa photoshoot mamaya. Tahimik si baby, nakahiga sa crib at nakanganga habang mahimbing ang tulog. “Bakit?” Taka kong tanong, pinipigilang kabahan. Nagkibit-balikat siya saglit, tapos—yun nga, nagkamot sa batok. “Hmmm… My family wants to attend Aslan’s birthday and baptism.” Biglang kumislot ang dibdib ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matataranta. The Smiths? Yung buong Smith clan? Hindi ko agad nakasagot. Nanuyo ang lalamunan ko habang tinitigan ko si Eros. Alam kong hindi rin siya kampante sa balitang ‘to. Pero malinaw ang intensyon niya—ayaw niya akong gulatin, kaya sinasabi niya ngayon
"Isasabay na lang natin sa birthday ang binyag niya. Para isang gastos lang," sabi ko habang maingat kong isinusuot ang bagong diaper kay Aslan.Tahimik lang si Eros sa tabi ko, nakaupo sa gilid ng kama, pinapanood ang bawat kilos ko na para bang bumibilib siya sa simpleng ginagawa ko. Alam kong gusto niya itong gawin pero nakakabanas dahil parang nakalimutan niya atang ina pa rin ako ni Aslan. Pambihira!"Hoy, nakikinig ka ba, Smith?" medyo inis kong tanong, dahil wala man lang akong narinig na sagot mula sa kanya.Nagkatinginan kami. Nataranta pa siya ng kaunti bago sumagot."Huh? Ah, oo naman. Ayos lang kahit hindi natin isabay. May pera naman ako, Narns. Pero kung 'yan ang gusto mo, edi okay. Para isang big celebration na lang kay Aslan," sabi niya, ngumiti pa ng nakakaloko habang pinisil ang dulo ng ilong ko.Natawa ako ng mahina, pero agad kong binalingan ulit si Aslan.Napatingin ako sa maliit naming anak—ang buhay na patunay ng pagmamahalan namin.Namin.Hanggang ngayon, may m