hancelindistress
Minsan, naniwala si Psyche Cuangco na nasa kanya na ang lahat—isang asawang mahal niya, isang matalik na kaibigang pinagkakatiwalaan niya, at isang pamilyang akala niya ay tunay na kanya.
Ngunit sa edad na trenta, gumuho ang lahat nang matuklasan niyang may lihim na relasyon ang asawa niyang si Jack Madrigal at ang kanyang pinakamalapit na kaibigan na si Vivienne Ocampo, asawa naman ng makapangyarihang businessman na si Thaniel Orion Sy Razon.
Alam na ni Thaniel ang pagtataksil ng kanyang asawa, ngunit may sarili siyang planong hindi niya ipinapaalam kaninuman.
Sa gitna ng sakit at betrayal, nadiskubre rin ni Psyche ang mga lihim tungkol sa kanyang pamilya. Ang lalaking nagpalaki sa kanya ay maaaring hindi niya tunay na ama. Ang pagkawala ng kanyang ina ay may nakatagong katotohanan, at ang mana na para sa kanya ay maaaring matagal nang ninakaw.
Ngunit bago pa niya tuluyang mabunyag ang lahat, isang trahedya ang tuluyang nagtapos sa kanyang buhay.
Isang maulang gabi, sinubukan ni Thaniel na iligtas si Psyche. Hindi niya alam na nilagyan na pala ni Vivienne ng lason ang kanyang inumin. Sa kabila ng unti-unting pagkawala ng kanyang lakas, tumanggi siyang iwan si Psyche.
Pareho silang namatay.
Ngunit hindi roon nagtapos ang lahat.
Nagising si Psyche limang taon sa nakaraan, sa edad na dalawampu't lima. Bitbit ang lahat ng alaala ng kanyang unang buhay, determinado siyang baguhin ang kanyang kapalaran, ilantad ang mga traydor, at bawiin ang lahat ng nararapat sa kanya.
Akala niya, siya lang ang nabigyan ng pangalawang pagkakataon.
Nagkakamali siya.
Dahil nakabalik din sa nakaraan si Thaniel—at may sarili siyang lihim na kailangang protektahan.
Dalawang buhay ang nagwakas sa iisang gabi. Dalawang kaluluwa ang nagbalik sa nakaraan. Ngunit isa lang ang nakaaalam na hindi siya nag-iisa.
0